MATAGAL nang wala ang abogado ay naroon pa rin si Katherine. Sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pagnanais at pananabik na makita ang ama. Palakad-lakad siya sa sala. Kailangan niyang magpasya dahil ilang linggo na lang ang natitira sa bakasyong ibinigay ng boss niya sa kanya.
Tinawagan niya ang abogado ni Adela at ini-schedule ang appointment dito sa susunod na linggo. Dalawang araw mula nang mag-usap sila ni Attorney Francia ay sakay na ng eroplano si Katherine patungong Mindanao.
Pagdating sa airport ay nagpahatid siya sa town proper. Sa isang hotel siya dinala ng taxi driver. Mariana Hotel. So, may nadagdag palang hotel sa munting siyudad na ito, aniya na tiningala ang sa palagay niya ay mga limang palapag na gusali.
Pagpasok sa kuwarto ay ibinagsak ng dalaga ang sarili sa kama matapos siyang iwanan ng boy na nagdala ng kanyang bagahe. Hindi niya alam kung gaano siya katagal mananatili rito. It could be a day or two.
Tiningnan niya ang relo sa braso. Alas-dos y-media ng hapon. Makararating siya sa bayan nila in less than an hour. Nag-shower muna siya at pagkatapos ay nagbihis. Original Levi's na may mga butones sa harapan ang isinuot niya. Sa New York pa niya ito binili at nang kuwentahin niya ang halaga sa peso ay nalula siya.
Hinugot niya mula sa maleta ang long sleeves na puti at nag-tucked-in. Pagkatapos ay inilabas ang boots. Naglagayng mousse at sinuklay ng daliri ang buhok na lampas-balikat. Naglagay siya ng kaunting pabango at lipstick, pagkatapos ay dinampot niya ang bag at bumaba sa lobby.
Sa kanya halos nakatuon ang pansin ng lahat. Tall, sleek, and classy. Magandang mukha at katawan. Exotic ang morenang balat. Karaniwan na sa kanya ang makatawag ng pansin. Well, iyon ang trabaho niya.
"Where can I rent a car?" tanong niya sa lalaking nasa reception desk na agad ngumiti. Itinuro nito ang isang rent-a-car na malapit lang sa hotel.
Ilang sandali pa ay binabaybay na niya ang daan patungo sa bayan nila. She has to pass Dapitan City at mula roon ay sampung minuto o mahigit pa ang tatakbuhin ng kotse hanggang sa kanila.
Wala pa ring nabago sa tanawin sa paningin niya. Mga dahon ng Nipa sa swamp. Mga puno ng nagtataasang niyog sa tabi ng daan.
Well, of course, Dapitan now is a tourist spot because of Dakak. Nilingon niya ang paligid ng town proper at sinikap alalahanin kung saan siya liliko. Palibhasa'y wala namang gasinong sasakyan sa daan dahil patay na oras ay kampante siya sa pagmamaneho.
Habang lumiliko siya sa kaliwa ay lumilingon naman siya sa kanan. Huli na nang mapansin niya na matutumbok niya ang isang nakaparadang motorsiklo.
"Oh, dear!" bulalas niya sabay apak sa preno. Agad siyang bumaba ng kotse at nakapamaywang pang tiningnan ang malaking motorsiklong nadagil niya. A 750 Honda. Napalunok ang dalaga. Yupi ang likuran niyon at basag ang tail light, at marahil maging sa harapan.
"Unsa'y nahitabo sa akong bike!" bulalas ng tinig mula sa kanyang likuran. Bago pa niya ito nalingon ay nasa tabi na ito ng motorsiklo at galit iyong ininspeksiyon.
Ibubuka na lang sana niya ang kanyang bibig up ang humingi ng dispensa at tuloy sagutin ang anumang napinsala sa magarbong motorsiklo nang biglang tumayo ang lalake at galit na hinarap siya.
"Kung hindi ka ba naman tanga! Hindi ka naman pala marunoug mag-drive ay gumagala ka sa daan!" singhal nito sa local dialect. "Nasa rampa na ang motorsiklo ko, ah!"
Bago pa uli makapagsalita ang dalaga ay isa pang lalake ang lumapit. Kung hindi siya galit at nabigla ay mangingiti siya sa dalawang nilikhang nasa harap niya. Parehong guwapo at mataas. Naisip pa niya: puno ba ng magagandang lalake ang bayang ito?
Naalala niya noong minsang nasa Australia sila. Kahit saan siya lumingon, puro magagandang lalake at macho ang mga pulis at highway patrol na nakita niya.
"Ano'ng nangyari, pare?" bungad ng bagong dating.
"Kung bindi ba naman bulag ang isang iyan sukat bungguin ang bike ko na nakatabi na," inis nitong sagot sa dumating na kasama.
Matangkad na siya pero nakatingala pa rin siya dito. 5'11"? Six footer? Who cares? Bumangon na ang galit niya sa pagkakasinghal nito sa kanya. At nungka sa buong buhay niyang nasinghalan siya nang ganoon ng isang lalake. Makita lamang siya ng mga ito ay nawawala na ang galit kahit kasalanan pa niya.
"Siguro taga-Maynila ka ano?" singhal nitong muli. "Para kayong turistang trying hard kung mag-aasta. Pilit ninyong ginagaya ang mga dayuhang nandito!" pagalit nitong sinabi sa Tagalog na bagaman deretso at mahusay ay naroon ang bahagyang accent.
Nagpanting ang tenga niya. Kanina ay tanga at bulag siya. Ngayon naman ay turistang trying hard.
"Hoy mister, kung sino ka man ay wala kang karapatang laitin ako dahil lang sa hindi ko sinasadyang tamaan iyang motorsiklo mo!"
"Hindi sinasadya! Nagbibiro ka. Nasa..."
Pare, relaks. Mapag-uusapan naman iyan, eh," awat ng kaibigan nito na nginitian si Katherine. Gumanti ng bahagyang ngiti ang dalaga bilang pasasalamat sa pamamagitan nito.
"Babayaran ko ang anumang na-damage sa motorsiklo mo. Wala akong oras para makipagsigawan sa iyo ngayon." Napatingin siya sa kanyang relo. Gagabihin siya. "Bukas ng umaga, puntahan mo ako sa Mariana Hotel Nasa Room 305 ako!" aniya sa mataas na boses. At bago pa may masabi ang lalake ay mabilis siyang nagbalik sa loob ng kotse at mabilis na nagmaniobra palayo sa lugar na iyon.
Malayo na si Katherine ay nakatanaw pa rin sa kanya ang dalawang lalake.
"Wow, pare. Sino iyon? Bagyo ang dating, ah. Sayang hindi natin nakilala. Totoo kayang sa Mariana naka-checked in iyon?"
"Natitiyak ko. Napansin mo ba iyong sticker sa tagiliran ng kotseng gamit niya? Sa rent-a-car sa tabi ng hotel iyon," naiinis pa ring sinabi nito.
"Nakita mo ang bumper pare nang tumalikod? Perfect! Parang modelo kung tumayo at lumakad," ang kaibigan uli nito.
"Magtigil ka nga, Jerry. Parang ngayon ka lang nakakita ng magandang babae. Ang dami niyan dito sa atin, totoo pa ang ganda."
Hindi pinansin ng tinawag na Jerry ang panunuya ng kaibigan. "Kung makikilala ko iyon ay hindi bale nang banggain niya ang kotse ko. Dies, pare. Perfect 10 ang rate ko sa babaeng iyon!"
Umiling-iling na muling itinuon ng lalake ang pansin nito sa bike. Hindi nito aaminin sa kaibigan na ito man ay nabighani sa babae. At lalo pang gumanda ang babae nang magalit. Kung bakit ba nabigla siya at nasinghalan niya kaagad.
Lihim na ngumiti ang lalaki nang maalala kung saan ito nakatuloy. Mariana Hotel, ha? Pupuntahan ba niya? Well, if only for the purpose of seeing her again. Titiyakin nitong naroon ito first hour in the morning.
"Samahan mo nga akong dalhin ito sa shop," yakag nito sa kaibigan. "Hindi naman malaki ang na-damage, madali lang ito. Mas gusto kong gamitin ang motorsiklo ko patungong bukid kaysa sa jeep o pick up."
BINABASA MO ANG
Be My Love, Katherine COMPLETED (Published by PHR)
Romance"I'll make you fall in love with me, Katherine. Maybe then... you'll stay." Makalipas ang sampung taong paninirahan sa Amerika ay nagbalik si Katherine sa bayan nila. Hindi upang manatili kundi upang sapilitang magbigaygalang sa tinakasang ama. Doo'...