Isang buong araw lang na hindi nag update si Donny pero pagbukas niya ng instagram sabog agad ang notifications niya.
Hindi artista si Donny pero sideline niya ang modelling. Hindi man planado 2 years ago naging influencer siya. Kung bakit? Siguro ay dahil maraming naiinlove sa paraan niya ng pagsasalita o pwedeng sadyang talagang nabiyayaan lang siya ng magandang itsura. After all his mum and dad got great genes.
Kadalasan sa mga nagpafollow sa kanya ay mga babae at lalaking kaedaran niya rin. Kung tawagin nila siya ay over achiever dahil sa kakarampot na credentials at dahil sa paraan niya ng pagsagot sa mga tanong sa kanya.
Paminsan ay nagrereply siya sa mga messages pag good mood siya pero iniiwasan niyang mainvolve masyado. After all, for him it's just PR
People will always make their own image of you inside their head ika nga ng papa niya kaya he could care less about what they say about him. Indifferent siya pagdating sa mga bagay na siya lang ang concern pero Donato always make sure hindi makukuha sa kanya ang right to privacy niya.
Millenials are millenials after all. Dahil sa sobrang access sa online platforms nakakalimutan ng lahat ang salitang 'limits'
Social media is indeed powerful. May downsides pero marami ring benefits kagaya ng research at touch basing with people na matagal ng hindi nakakausap o kaya naman ay gusto mong makausap.
Speaking of this, sinubukan niyang itype ang buong pangalan ni Sharlene kaso to his dismay walang instagram ang dalaga.
Kahit facebook,snapchat,telegram o tumblr ay wala ito. Zero existence si Sharlene sa social media. Sa tinatawag na digital age he found someone na mukang walang pake.
Lumingon siya sa sunflower na nasa clear vase.
Ilang gabi na rin ang lumipas simula noong magkita sila kaso nadadyahe siyang magmessage. Wala naman na kaseng dahilan. Ang problema nagkecrave siya ng presence ni Shar at hindi niya yon gusto. Very unusual for Donato kase hindi naman siya deprive sa attention.
Donny is a very curious person at hindi siya tumitigil till he discover the answers. Bad trip lang siya kase parang hindi ganoong kadali. May paraan pero pakiramdam niya ay may communication barrier pa rin.
Pagkababa niya ng kwarto ay sumandig siya sa pader. Tinitigan niya ang ina na nagtatalop ng mga sibuyas kasama ang kasambahay.
"Ma how will you approach a person kung mute siya?"
Natigil si Maricel sa pagtatalop ng sibuyas. Pumihit ito paharap sa kanya.
"Hmmm...you said mute hindi naman deaf at hindi rin bulag. Just approach them like a normal person. How hard is it to use gadgets to communicate? Or better yet learn to sign language. Yon e kung desidido ka talaga"
"Sabagay"
"I want to hear how her voice sounds like"
"Her?" Hindi nakatakas iyon sa pandinig ni Maricel. "So we are talking about a lady. Nagbibinata na ba ang anak ko?" Wrong move. Naka ngisi na ang nanay niya.
"No I just want to befriend her kase naaawa ako"
"Naaawa ka dahil?"
"Coz she's mute?"
"What's wrong with being mute? Hindi naman nakakaawa ang pagiging pipe anak. Tao rin naman sila at kayang gawin lahat ng ginagawa mo"
May point ang nanay niya. Hindi nga naman niya dapat ituring na incapable si Sharlene at lalong hindi niya kaylangang magpaka knight in shining armor.
"She doesn't have friends" sunod niya.
"Paano mo nalaman?" naghihintay ang mummy niya ng sagot. He remembered her classmates. Kung ganoon bakit tatatlo lang ang contact person ni Sharlene sa phone?
BINABASA MO ANG
Prominent Colours
FanfictionDonny Pangilinan is a self-centred guy who has a perfect life going smoothly. No dramas, no qualms, and no obligations, which renders him seek thrill every single time. Until one night, while he's parkouring on tops of Escolta buildings in Manila, h...