(Ako lang ba or Donny's voice sounds like Troy Sivan? )
They are both wearing clothes in shade of blue. Donny smiled at Sharlene while driving. Tahimik lang naman si Shar. Sinasabayan ni Donny ang kanta sa playlist niya. Troy Sivan's 'For Him'
It's a song for a guy pero the mood matches him and her right now. Maya't maya niya kung titigan si Sharlene.
Kuyom ang kamay ni Sharlene at pigil ang ngiti.
"Hey" tawag niya. "Thank you for coming with me kahit super late ako"
Sumenyas ang dalaga ng 'it's ok'
Wala namang gaanong conversation between them but Sharlene definitely can make him happy.
Kabaliktaran ng pagkabagot na nararamdaman niya when he is with somebody else, with Sharlene he feel energetic.
Noong diretso na ang tingin ni Donny sa daan, bumaling naman si Sharlene para magnakaw ng tingin. Kakaiba yung saya na nararamdaman niya.
Karaniwang nakakalokong magdrive lalo nat may hinahabol sa schedule pero sa kaso nilang dalawa, kapwa nila ramdam ang pagtigil ng oras na para bang may sarili silang mundo.
Kung ilang oras hindi nila alam.Madilim na noong nakarating sila sa Laguna. Tumigil sila sa isang floating seafood restaurant. Nagmamadaling ipinakita ni Donny yung angre wall na pwedeng hagisan ng hagisan ng mga babasaging pinggan at baso. Tacsiyapo as they call it.
Nag umpisa siyang maghagis ng maghagis. Unleashing his inner fury sa nangyari kaninang umaga.
Pakiramdam kase niya ay teenager pa rin siya. Hindi man pilit, hindi niya magawang suwayin ang tatay once the decision is set. Hindi niya rin naman kayang mag no lalo nat mapilit si Kirsten at nandoon na. Kaisa isang anak pa man din ito which means his dad might take the blow pag nagalit ang tatay ni Kisses sa dad niya.
The more he thinks about it, the more it triggers him.
Noong una laro lang hanggang sa lumakas ng lumakas ang hagis niya. Lumakas ang pwersa kahit na normal parin ang tindig niya. Sunod-sunod ang tapon.
Kung hindi siya hinimas ni Sharlene sa likod ay malamang nagdilim na ang paningin niya sa galit.
Napatingin siya kay Sharlene. Ginagap ng dalaga ang kamay niya. Ibinaba ang hawak ng plato pagkatapos ay hinila siya sa malapit na upuan.
Nanatiling malambot ang tingin ni Sharlene. Sinubukan niya pang takpan ang mukha ng binata gamit ang kamay.
Bumilang siya ng apat na segundo pagkatapos at idiniin ang hintuturo sa noo ng binata. Pinindot niya ang pressure point nito upang kumalma kahit papaano.
Saglit lang pagkatapos ay binawi niya na ang kamay.
'Hindi ka ok. Yakap?' Senyas nito. Tumango naman si Donny. Sharlene closed the distance between them.
Bumuntong hininga si Donny. Noong una ay nag aalangan siya pero isinara niya ang mata at saka idinantay ang baba sa balikat ng dalaga.
"Thank you"
Sa halip na tumango naramdaman nalang ni Donny ang paghagod ng palad ni Sharlene sa likod niya.
Unti unting gumaang ng pakiramdam niya.
"Sharlene, pwede bang akin ka na lang?"
Natigilan si Sharlene sa paghimas sa likod ng binata. Hindi sigurado sa narinig. Inulit pa ng isang beses ni Donny ang tanong pero iniba niya ang pagkakasabi.
"Can you be my girlfriend?" Siya naman ang kumalas sa yakap para makita ang reaksyon ng dalaga. Habang hawak ang braso nito hinanap niya ang tingin ni Sharlene na mukhang gulat. Masyado nga siguro siyang mabilis.
"Hindi mo kaylangang sagutin ngayon. Kaya kong maghin-"
Kaso tumango si Sharlene.
"You mean sinasagot mo na ko?"
Muling tumango si Sharlene.
"God you're the best!" Kinabig niya si Sharlene at niyakap ng mahigpit pagkatapos ay pinupog ng halik ang noo.
"You don't have any idea how much you made me happy. May dapat ba kong pagpaalaman?"
Umiling si Sharlene.
Bumawi ito at saka sumenyas 'You are my first boyfriend' Ngayon ay nakangiti lang ang dalaga sa kanya.
"First? Never ka pa ring nagkaron ng lover before?" Gulat na tanong ni Donny. Lumuhod siya para matitigan lalo sa mata si Sharlene na mukang nahihiya at nagtatago ng tingin.
Muka itong batang hindi mapakali. Nagmumuka lalo itong cute sa paningin niya.
"Hey angel" tawag ni Donny. "Let me see your pretty face" masuyo niyang itinaas ng bahagya ang baba nito gamit ang hintuturo. Nag angat naman ng tingin ang dalaga.
"Am I your first boyfriend" tumango si Sharlene. Nangiti si Donny.
"You are my first girlfriend too. I promise I will take care of you" napakagat si Sharlene ng labi habang nagpipigil ng ngiti.
"Angel dont bite your lips like that." Marahang nilandas ng daliri ni Donny ang labi ng huli. "It plays with my head. You don't have any idea how you drive me crazy." ginawaran niya ng halik sa noo si Sharlene.
'Your colour turned red'
"Ha" tanong ni Donny. Hindi niya pa na encounter ang salitang colour sa sign language kaya kinailangan niyang magtanong.
Kinuha naman ni Sharlene ang phone at saka tumipa.
'your colour turned to red. '
"Colours? "
'Your emotions and your voice is a ray of vibrant purple but today it is bright red.'
Bahagyang kumunot ang noo ni Donny.
'You are in love' dugtong pa ni Sharlene.
"Yes angel. I am in love with you but tell me about colours." Nagtype muli si Sharlene sa phone.
'I have synaesthesia. When I was a kid, I had an accident. It made me lose my voice and gained synaesthesia. I see colours. Different colours in emotions, people, tunes and voices'
"Is that the reason why you pick up easily with melodies?"
'Oo.'
''What does purple mean? You said my colour is vibrant purple"
'Arrogance, luxury, sadness, passion, charm, dedication,magic, calmness and mystery. As I get to know you, I just realise you aren't arrogant but your pride shoots to the moon'
" I-"
'And more. Donny there's more of you than what my disability tells me'
"Angel it isn't a disability. I think it is a gift. At least you can tell I am in love with you and... I am glad I won't need to pretend around you. Kase useless lang din. You can literally see through me. Thank you for letting me in to your life angel"
Hinawakan ni Donny ang palad ni Sharlene. "I'll do my best to make you happy"
Naramdaman ni Donny ang sunod sunod na pagbavibrate ng phone niya. Ayaw niya sanang pansinin.
'Icheck mo na. Mukang kanina pa yan'
Ayaw niya sana kase alam niya na kung sino. It's his dad.
From Dad:
Mag uusap tayo pagbalik mo
'May problema ba?' Tanong ni Sharlene. Itinago niya na lamang ang phone
"Wala." Bumuntong hininga siya "tara kain" napansin ni Sharlene kung paano dumilim ang pagka purple ng sinag ni Donny.
Ganoon pa man sumunod lang siya.
__________
Author's Corner
Basta kahit ano mangyari sa SharDon lang ako 🤧
BINABASA MO ANG
Prominent Colours
FanfictionDonny Pangilinan is a self-centred guy who has a perfect life going smoothly. No dramas, no qualms, and no obligations, which renders him seek thrill every single time. Until one night, while he's parkouring on tops of Escolta buildings in Manila, h...