How Deep Is Your Love

294 17 11
                                    

Twelve years old si Kirsten noong makita niya si Donny. Matangkad ito at may mga nangungusap na mata.

Balita niya ay sadyang rule breaker ito. Torong walang sinasanto ang tawag ng tatay niya dito.

Sa garden nila ito unang nakita. Tulalang nakatingin sa langit. Pakiramdam niya ay pang telenovela ang anyo nito. Unang beses niyang maramdamang sumikdo ang damdamin niya. Tumahip ang dibdib niya lalo na noong dahan dahan itong pumihit sa kanyang gawi.

Sa sobrang gulat pa nga ay nawalan siya ng balanse. Napa upo siya sa damuhan. Patakbo naman itong tumungo sa kanya.

"Ok ka lang?" Yun lang ang sinabi ng batang lalaki pero parang nakatinig na siya ng wedding bells.

Tinulungan siyang tumayo nito. Huli na noong nahugot niya ang sariling dila pabalik sa katotohanan. Kakausapin niya sana ito noong tawagin ito ng sariling ama para umuwi.

Thirteen years old na siya noong pangalawang beses niyang nakita ito. Sa iisang paaralan lang pala sila nag aaral, magkaiba nga lang ng building.

Tanda niya pa kung paano siya gumawa ng excuse para lang makatawid sa kung nasaan ito at kung papaano niya saglit na mapagmamasdan man lamang ito habang naglalaro ng basketball.

Ni minsan ay hindi siya binigyang pansin nito. Ganoon pa man naniniwala siyang kung gusto palaging may paraan.

Kaya nagpasya siyang makipag deal sa ama. Sa tuwing magdiriwang siya ng kaarawan, dapat ay kasama si Donny kapalit ng pagsunod niya sa ama. Tinupad niya ang pangako. Nag aral siyang mabuti, talagang maipagmamalaki siya ng ama kaya tinupad naman ng tatay niya ang parte ng kasunduan.

Noong mag 18 siya Si Donny lang ang kaisa isang lalaki maliban sa ama niya ang pinaunlakan niya ng sayaw. Gusto niyang malaman ng lahat kung sino ang nagmamay ari ng puso niya.

Lumipas ang maraming taon at hanggang ngayon ay ganoon pa rin.
Alam niyang walang intensyon si Donny ibalik ang nararamdaman niya pero paano nga ba tuturuan ang sariling bigla nalang tumigil kung sa murang edad wala na siyang ibang nakita kundi ito.

Nawawala ang lahat sa paningin niya sa oras na makita si Donny.

Nasanay na siya sa nakaw na tingin at sa pasimpleng batian ngunit ngayon na nasa tamang edad na siya napag isipan niyang maging mas agresibo.

Sabi nga ng sarili niyang ama, mas nakakamtam ng mga taong masigasig at agresibo ang lahat ng gustuhin nila.

At ngayon sa birthday party niya, nasa iisang tao lang nakatutok ang paningin. Sa papasok na binata.

Walang kupas ang kagwapuhan nito.

Katulad ng dati ay seryoso ang mukha. Kahit minsan ay hindi niya nakitang ngumiti ito.

"Happy birthday Kirsten" nag abot ito ng isang bungkos ng rosas sa kanya. Allergic siya sa bulaklak lalong lalo na sa rose pero kahit pantalin siya at bumahing ng bumahing wala siyang pakealam bastat galing ito sa kaisa isang lalaki na nagpapatibok ng puso niya.

"Thank you Donny. Favourite ko to. Saglit lang ha ipapatabi ko para mailagay sa kwarto" mabilis siyang sumenyas habang yakap ang bulaklak. Hindi siya humihinga.

"You look beautiful" pinamulahan siya ng pisngi. Kakaiba talaga ang dating nito sa kanya. Halos sumirko ang puso niya. Lalong lalo na noong mag umpisa silang sumayaw.

Pakiramdam niya ay isa siyang Disney princess. Ramdam niya ring lahat ng paningin ay nasa kanila.

Kunsabagay sino ba namang hindi titigil at papanuorin ang isang Kirsten Delavin at Donny Pangilinan. Bagay na bagay sila.

Prominent ColoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon