Ikaw At Ako

635 34 14
                                    

Lunes ng umaga, iminulat ni Sharlene ang mata. Nagsaboy na ang liwanag na tumatagos sa kurtina. Saglit siyang nag inat. Napa igik siya noong naramdaman niyang biglang may humila sa kanya sa baywang.

Dahan dahan niyang sinilip ang ilalim ng kumot. Doon nakita niya si Donny na parang batang uungot ungot.

Kung gaano ito katangkad ay siyang liit nito ngayon sa pamamaluktot. Lalo itong sumiksik sa kanya noong bahagyang tamaan ng repleksyon ng ilaw na nagmumula sa singsing na suot niya.

Ngumiti si Sharlene. Totoo nga talagang kinasal sila. Secret wedding man ang nangyari at biglaan, para sa kanya ay ayos lang.

At least may habambuhay sila para mahalin ang isa't-isa.

Maya-maya ay nagmulat na ng paningin si Donny.

"Good morning angel, how are you feeling?" Normal ang tanong ng asawa niya pero pinamulahan siya. Pakiramdam niya ay iba ang tanong nito.

Napatakip pa siya ng mata noong umakyat at lumislis ang kumot na nakapaikot dito.

Boxer shorts lang ang suot ni Donny at kitang kita ang mala adonis na katawan nito.

"Love don't cover your eyes" kinuha nito ang mga kamay na nakatakip sa mukha niya pagkatapos ay ginawaran ng masuyong halik.

"Ayaw mo ba ng view?" Mapang asar na ngiti nito.

'Ang aga - aga Donny' saway niya

Parang timang na tumayo si Donny.
Medyo napanganga naman si Sharlene sa automatic na pagslow mo na kilos ng asawa.

Bakit ganito tong lalaking to? Maghunos dili ka Sharlene. Kaylan ka pa naging makamundo?

Tinatanong niya ang sarili lalo nat parang nagpafashion show pa yata ang mister niya. Paruot parito at may pakagat kagat labi pang nalalaman habang nakatingin sa kanya Winnie the Pooh naman ang boxers.

Posible nga pala talagang maging seductive kahit kengkoy. At ang asawa niya ang buhay na patunay.

After what they've been through, hindi niya maiwasang mapa senti.

"Angel, why are you crying?" Mabilis siyang dinaluhan ng asawa at pinahiran ng luha sa mata.

Umiling lang siya habang nakangiti. Ngumiti lang din naman si Donny. Muli itong bumalik sa kama at umupo sa likuran niya.

Ikinulong siya nito sa bisig habang nakabalot sila sa kumot. Idinantay ni Donny ang baba sa kanyang bunbunan.

Nakasandal naman ang likod niya sa dibdib nito.

"Shar gusto ko ng dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. Para maipagtatanggol ni kuya si bunso tapos si bunso naman ang magiging prinsesa natin. Tuturuan ko ng lahat-lahat ng alam ko si kuya para maging mabuti siyang bata."

Sharlene smiled.

"Shar, sisikapin kong maging mabuting tatay sa mga magiging anak natin."

Donny planted a small kiss on top of her head and started humming a song.

Kagaya ng dati nag umpisa na naman siyang haranahin ang misis niya.

At sa wakas
Ay nahanap ko na rin
Ang aking tanging hinihiling
Pangako sa'yo
Na ika'y uunahin
At hindi naitatanggi

Ang tadhanang nahanap ko
Sa'yong pagmamahal
Ang dudulot sa pag ibig natin na magtatagal

At ngayon nandyan ka na
'Di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan
'Di paaasahin
'Di ka sasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Ikaw at Ako

- Totoong Ending

__________________

Author's Corner

Maraming salamat sa pagbabasa ng Prominent Colours. I ended it early last week kase pakiramdam ko parang ang lungkot nang mga naririnig ko kaya kahit alam kong may kulang pinaspas ko pero di ko carry. Gusto ko ng matinong ending.

They deserve a happy ending :) lagi naman. Happy reading lang! Salamat sa pagsama sakin hanggang sa dulo.

I love youuii

Prominent ColoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon