We Could Happen

339 27 1
                                    

Matagal tagal bago na process ni Sharlene kung anong ginawa ni Donny. Kainamang kaibigan naman sina Ronnie at Elmo dahil umalis sila at iniwan si Donny noong nakita ang dalawa.

Malutong na sampal ang ibinigay ng dalaga sa binata. Para tong walang butong bigla nalang ding bumalibag. Napatili din si Sharlene sa sariling kilos. Tinapakan niya yung sigarilyo sa kamay nya pagkatapos ay dinaluhan ng tulong si Donny.

Paano niya ba tatanunging ito kung saan nakatira? Pinilit niyang hanapin ang phone ni Donny pero mukang wala pa ito sa lalaki kaya nagpasya nalang siyang iuwi ang kaibigan sa sariling bahay.

Nag grab car na siya para hindi siya mahirapan. Kumukulo ang dugo niya sa inis pero sa kalagayan ni Donny ngayon ay hindi niya naman ito masisi.

Noong dumating ang carpool, nagpatulong si Sharlene para ipasok si Donny sa kotse at lagyan ng seat bealt.

Siya naman ay sumandal sa bintana at saka namalumbaba. Kahit gusto niyang magbunganga ay hindi niya magawa. Nahilig pa ang binata sa balikat niya ngayon dahil wala naman itong control sa balanse.

Kitang kita ang malantik na pilikmata nito, medyo nakikiliti din siya sa mainit na hininga nitong dumadaiti sa leeg niya kada buga ng hangin. Tinataasan siya ng balahibo.

Parang batang yumakap si Donny sa kanya habang umuungot ungot pa. Hindi naman siya makapalag dahil sa haba ng nga biyas nito na kasalukuyang nakapulupot sa kanya.

Pahirapan ang naging pag hila niya dito sa sariling bahay. Halos pasanin niya si Donny. Nagkanda untog untog pa ang binata pero solid ang pagtulog nito. Talagang zero consciousness.

Kinailangan niyang hilahin sa taas si Donny para mapahiga sa kama. Tinanngal biya ang sapatos at medyas nito para komportableng makahiga. Sa sala na lang siya matutulog.

Bago niya tuluyang iwan ito ay kinuha niya ang cellphone. Pigil siyang nangingiti. Hindi niya mapigilang panakaw na kumuha ng litrato sa tulog nitong anyo. After ng mga nangyare, alam na ni Sharlene na may lihim siyang pagtingin sa binata. Hindi niya iyon madideny. Nagpasya na siyang bumaba at doon na lamang natulog sa sofa.

Pasado alas otso na ng umaga noong magising si Donny. Wala pa siya sa hwisyo noong subukan siyang dila dilaan sa mukha ni Tagpi. Napaigtad na lamang siya noong matapos marehistro sa isip niya ang pamilyar na lugar.

"Fuck" nasapo niya ang ulo na talagang kumikirot at pumipintig. Napa hilamos siya ng kamay sa mukha.

"Anong katarantaduhan ginawa mo kagabi?" Tanong niya sa sarili. Nagmamadali siyang bumaba. Naabutan niya naman si Sharlene na nag aahin ng agahan.

Sa mesa ay may sinangag, bulalo, pinritong itlog at cornedbeef. Sinalubong lang siya ng ngiti nito.

'Tara kain na. Kumusta? Anong pakiramdam mo?' Medyo napabilib dim siya ng sarili dahil naiintindihan niya na ng kaunti ang mga sinasabi ni Sharlene.

Humindi siya pero nag insist naman ang dalaga. Pinilit siyang umupo nito. Hindi na siya makahindi sa reaksyon nito dahil mukang hindi ito tatanggap ng rejection.

Hinayaan niyang ahinan siya ni Sharlene. Nagbigay pa to ng pain reliever para daw sa hangover niya.

Kating kati siyang itanong kung may nangyari ba o may ginawa ba siyang kagaguhan dahil kung wala ay hindi siya mapapadpad sa bahay nito.

Prominent ColoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon