Why Does It Hurt?

288 21 7
                                    

The moment he saw the people started asking questions and congratulating them, he is totally done for. Donny shut his eyes firmly. Partly hoping it's just a dream pero sa pagdilat niya nanatiling totoo lahat. 

Nakahawak lang sa braso niya si Kirsten. He was about to pry her off him but he doesn't want to make her look like a fool. He might not care what people say about him pero iba ang image ng pamilya ng mga Delavin plus Kirsten has million of followers. She will be pitied on and ridiculed at hindi magiging maganda ang impact nito sa kanya lalong lalo na kay Sharlene. 

Baka mawalan siya ng chance na maipakilala ito sa pamilya. 

oOo

Noong sa wakas ay matapos ang lahat at nasecure nila ang mga sarili sa isa sa mga living room ng mga Delavin. Nag umpisa ng mang interrogate ang mga tatay nila. Halos umikot pabaliktad ang mata niya kakairap samantalang ngiting ngiti naman si Kirsten. 

"I did not knew you guys are together now. Congratulations son" Donny looked at his dad. Wala ng tao kaya maaari na siyang pumalag.

"Dad me and Kirsten aren't together. We are not dating."

"Then how will you explain what we saw earlier?" urirat ng tatay niya. Walang emosyon niyang tinignan si Kirsten. "What do you think happened Kirsten?" 

"Sorry" yun lang ang nasabi ng dalaga "We aren't together tito A, It's just an impulsive decision and an honest mistake." 

"fuckin hell" bulong ni Donny. Napahilamos siya. " Please don't demand us to date because I won't agree" 

" How will you protect Kirsten's image then? maaatim mong magmukang tanga ang anak ko sa media? After what happened? Nakuhaan kayo ng pictures at for sure kalat na sa buong social media lahat. Malamang may mga articles na rin because Donny, son, you are not involve with a nobody who can't speak. You are involve with a Delavin" nagpanting ang tenga ni Donny sa sinabi ng tatay ni Kirsten. Kung may ipagpapasalamat nga lang siya, yun ay dahil walang social media presence si Sharlene. "Are you spying on my personal life Mr. Delavin?" nagtaaas na siya ng tono. 

"Yes. Aba you are going to be my son in law. Kailangan alam ko ang galaw mo. I know that with your age right now it is normal to play around. After all you are still young pero sinisigurado ko lang na hindi masasaktan ang unica hija ko" 

Tumayo si Donny. "I won't participate into this bullshit. It's 2020, you guys can't ego and power control me. "

"Donny" His dad firmly called his name." Seryoso ka dad? are you trying to sell me? You know you have a son right? prejudices and misogynist bs will never apply to me. I am the future of your company. So why are you letting them dictate what should be OUR future?" 

"Because we hold 60% of your family's company right now Donny" 

"And I can take that back" buong paninindigan niyang sagot. 

"Your dad owe us $100 million because of the projects that failed. Your dad could have been sued if not for us. You are the collateral. "  

"Tang ina?" malutong niyang mura. "Bakit hindi ka nagsabi? bakit mo sinarili dad?" 

"Tomorrow we will make it official. Iaannounce publicly ang merger ng kumpanya ng mga Pangilinan at Delavin. So please spare us some shame, cut off whatever ties you have outside. Infatuation lang naman yon. Hindi magtatagal. 90% of arrange marriages work for the best"

"Please Donny, this is for the better" Pakiusap ng ama niya. His first thought is Sharlene. 

"You know I will hate you forever right?" tumango ang tatay niya. "Good" Right there he knew, choices are only for people who has it. Sadly he doesn't

Tumayo siya at naglakad palayo.

Pinaharurot niya ang sasakyan. Gusto niya lang makita yung kaisa isang taong kayang magpakalma sa kanya. Not his mum, not his siblings and not his friends. It is her.

How will she react if she knew? What will she do? moreover how bad will it affect her? His thoughts are all about how she will feel. 

oOo

Walang kaalam alam si Sharlene sa nangyayari. Nagulat na lang siya nang nakita niya si Donny sa tapat ng pintuan niya. Gloomy ang expression nito. Masidhi ang pagka ube ng kulay nakapaligid dito. Sa halip na magtanong hinila niya lamang ito sa loob at saka niyakap ng mahigpit. Hindi niya alam ang nangyari pero kahit hindi man siya nakakakita ng emosyon halatang halata sa mukha ng binata na basag ito.

Hindi ito bumibitiw ng yakap sa kanya. Para itong batang naghahanap ng kalinga sa kabila ng lalaking lalaking anyo nito. Hindi ito umiimik. Nakaramdam lang siya ng basa sa leeg niya habang nakasiksik ang mukha nito sa kanya. 

Hinimas himas niya ang buhok nito hanggang sa maya-maya ay naramdaman niya na lamang na tulog na ito dahil hindi na gumagalaw at malalim na ang paghinga nito.

Nanatili si Sharlene sa pagkakahawak kay Donny. 

Nagpapanggap si Donny. 

Paano niya sasabihin kay Sharlene that he has to end it? To the lady who can evoke so much emotion from him and at the same time calm all his demons inside?

He tried to stall time but he knew that the longer he drags it, the harder it will be.It will be unfair for her.

Alas tres  na nang umaga noong umayos siya ng pagkakaupo. 

'gising ka na? kung may problema ka man pwede mo namang sabihin. I won't judge' senyas nito. He wear his coldest stare. 

"Let's break up" 

"Why" kalmadong tanong ni Sharlene. 

"Coz I am bored. You are boring me out. I just realise I can't live with a mute forever. It will be hard for me" Nagtiim ang bagang niya noong naglandas ang sakit sa mukha ni Sharlene. Hindi ito nagbaba ng tingin. 

'Yun lang?' muling tanong niya.  

"Because I am too good for you" He said the ultimate word any narcissistic guy say. Nag iwas siya ng tingin. He can't breathe. Pakiramdam niya sasabog siya. Nanginginig ang tuhod niya. Sinasaktan niya yung pinangakuan niyang hindi niya sasaktan. 

Tumango lamang ito at ngumiti sa kanya. 'I love you Donny. "

Mabilis siyang umalis ng hindi lumilingon. Hindi niya kaya. Alam niyang iiyak si Sharlene. Galit siya ngayon sa sarili niya dahil hindi lang siya ang nasasaktan. Dalawa sila.

Kagat labing pinipigil ni Sharlene ang pagluha. Tinitigan niya ang message ng mga kaibigan tungkol kay Donny at sa kasintahan daw nitong si Kirsten Delavin. 

Pumatak ang luha niya sa screen. Totoo nga siguro ang sinabi nito. He is too good for her. Iba ang estado ng buhay nito kumpara sa kanya. She should have seen it coming.

Hindi maiwasang hampasin ni Donny ang manibela ng sasakyan. 

"Tonight you lose what you don't deserve asshole. Sorry Shar. I am so sorry" and he wept for the longest hour.

Prominent ColoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon