LET'S CALL IT "LAST" (Part 8)

2.9K 56 0
                                    

Hello mga kapatid! I am back! I am on a vacation, I changed career and haven't had much time to continue writing but now that I am doing nothing at home, I promise to end this series before I resume working.

Enjoy reading!

________________________________________

As they continue seeing each other, unti-unti din nila nakilala ang isa't isa. Unti unti din nagkakaroon ng pag-asa na baka ang 'lust' ay maging 'love'.

FRIDAY. 8:00 PM.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Ace sa bagong dating na si Gian.

"Hindi pa, ano ba niluto ng misis ko?" Pagbibiro nyang tugon.

"Misis? Kadiri." Pagka-irita pero may halong sagot ni Ace.

"Ano pa nga ba? Sayo ako umuuwi sa gabi pagkatapos ng trabaho, ano tawag mo dun?" Paninindigan nya sa birong binitawan.

"Oo, nagkikita tayo sa gabi kasi nagpaparaos ka sakin pero hindi ka naman natutulog dito." Sagot ni Ace.

"Grabe sa term. Pagpaparaos talaga? It's my duty as my husband. Hahaha" Pagpipilit ni Gian habang naghuhubad ng pantalon para mas komportable.

"Ayan, kumain ka Mister. Pagtyagaan mo ang nakayanan ng Misis mo." Padabog na ibinaba ang pritong ham at kanin sa mesa at sabay talikod ni Ace.

"Hey!" Pahabol na hinawakan ni Gian si Ace sa kamay. "Bakit ang sungit mo? Nagbibiro lang ako."

"Yun nga eh, nagbibiro ka lang." Ani Ace.

"Ano ba dapat? Alam mo naman kung ano tong pinasok natin. Alam mo naman na ganito lang talaga tayo." Seryosong tugon ni Gian.

"Bakit mo naman nasabi na ganito lang ang dapat? Nalilito ako. Hindi ko din alam kung mag-eexpect ba ako sayo na gabi-gabing dadalawin mo ako or pano if bigla ka na lang di dumating? Ano gagawin ko? Sasabihin ko na lang: Ay di sya dumating. Yun na yun. Tapos na kami. Ganun ba?" Mahabang sagot ni Ace.

"Hindi ko din alam, ginagawa ko lang kung ano yung sa tingin kong gusto nating dalawa. Kung hanggang kelan to, hindi ko din alam. Para sakin, enjoyin lang natin. Pero I have to be honest with you, I don't think madedevelop ito into something else. Ito lang talaga ang gusto ko. Ito lang yung limit ko. I have future plans for myself. I think marami pa ako gustong gawin. I wanna be vlogger, a serious one, have a family someday." Pagiging mas seryoso ni Gian.

"You are so selfish. Didn't you realize that you are putting me in a situation where I would question my part in your life someday? Do you think I am doing this just because it's the only thing I like? Of course I am hoping for something else!" Dire-diretsong sagot ni Ace.

"You're hoping for something else, yes. And I am sorry for that. Di ko alam na malilito ka sa ginagawa natin." Malungkot na sagot ni Gian.

"So you really think that I am just like that? Well, I am way different and better than your other bitches out there!" Masungit na sagot ni Ace.

"And you really think that I am that kind of guy? Though hindi tayo nagkakasundo sa mga gusto natin, that doesn't mean that you're right and I am not. That doesn't mean that I am the bad guy here. I don't have bitches around me, it's you who labeled yourself as one. I don't think I am the one who has a problem here. I think I better go." Sabay kuha ng mga damit nya at isa-isang isinuot bago tuluyan nang lumabas ng pinto si Gian.

Wala na ngang nagawa si Ace kundi ang panoorin na lang na lumabas si Gian. Sa tingin nya ay masyado din syang naging demanding. Oo, umaasa sya pero narealize din nya na di din naman nun ibig sabihin na mangyayari yung gusto nya. Malungkot sya pero sa tingin nya na maganda na din na nangyari ito ngayon habang maaga pa. Or maaga pa nga ba masyado para kalimutan nya ang lahat?

Hindi nya alam kung paano sya matutulog. Mukhang dadaan na naman ang weekend ng walang mangyayari sa kanya. Gusto nyang bawiin ang lahat ng sinabi nya at magpanggap na lang na okay ang lahat kahit sa kabila nun ay gustong gusto na nyang angkinin si Gian.

GIAN'S POV

"Masyado ba masakit yung mga nasabi ko?" tanong ni Gian sa sarili habang nasa sasakyan pauwi.

Mukhang di din nya inasahan na ganito lang kabilis ang lahat. Although di sya umaasa na madevelop ang kung ano mang relasyon meron sila, alam nya sa sarili nya na masaya sya kay Ace kaya nga nagpapabalik-balik sya gabi-gabi kahit pa pagod sya galing trabaho.

Bigla nya naisip si Ace, kung pano sya nito itrato pag nasa condo sya nito. Seryosong tao si Gian, parang isang tatay na bihirang magsalita. Makwento naman si Ace. Bagay na minsan ay ikinakairita nya pero ngayon ay mukhang hahanap-hanapin na nya.

SATURDAY. 9:00 AM.

Nabigla si Gian kasi tinanghali sya ng gising. Marahil dala ng sobrang puyat nang nakaraang gabi. Ang tagal nyang nakatitig lang sa kisame at nag-iisip ng gagawin. Parang tinatamad syang bumangon. Inutusan nya ang kapatid na ilabas ang aso na sya dapat ang gagawa pero wala sya sa mood. Hindi na rin pupunta sa gym.

Hindi nya alam kung ano ang nangyayari sa kanya pero mukhang nakokonsensya sya sa mga nasabi nya kay Ace. Alam nya na katawan lang nito ang sadya nya gabi gabi sa condo nya pero unti-unti ay nag-iwan na pala si Ace ng memories kay Gian.

Pagkatapos kumain ng hapunan ay humiga na agad si Gian sa kanyang kama at malalim na nag-isip. Alam nyang ito ang gusto nya pero bakit parang di sya masaya?

Naiisip nya ang mukha ni Ace na alam nyang malungkot sa mga oras na iyon. Umiiyak kaya ito ngayon? Or kumakain kaya sya? May kausap na kaya syang iba? Yan ang mga tanong na umiikot sa isip nya.Ano ba ang gagawin nya? Hindi ito ang inaasahan nyang emosyon dahil alam nyang ginawa nya lang ang sa tingin nyang tama.

SUNDAY. 1:00 PM.

"Ding Dong" Tunog sa pintuan ni Ace.

SECRETS [Completed] (Ang BF Kong Pinagparausan Ng Iba / Filipino BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon