BEGIN AGAIN (Part 9)

2.5K 58 0
                                    

"Bakit?" Kunot noong tanong ni Ace pagbukas ng pintuan. Nakatayo si Gian, nakatitig lang sa kaharap na animo maamong tupa.

"Pwede ba ako pumasok?" Tanong ni Gian na tila nagmamakaawa.

"Pasok." Sabay punta sa bandang gilid ng pintuan par magbigay daan kay Gian.Pinaupo nya muna sa sofa ang bisita at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Pagbalik sa living room ay inabutan nya si Gian na tila ba matagal na na-abang sa kanya.

"Ano ba ang pakay mo?" Isang mababa at mahinahong tanong mula kay Ace.

"Gusto ko sana mag-sorry sayo. Alam ko nasaktan ka sa mga sinabi ko. Sumobra ako. Di dapat ako naging ganun ka-straight forward." Maamong sagot ni Gian.

"Alam mo, naappreciate ko na bumalik ka dito para mag sorry pero di naman kailangan kasi ganun din, wala din naman magbabago. Ako ang nagkamali kasi di ako dapat umasa. Dapat naging masaya na lang ako na nagkikita tayo gabi gabi. Kung dumating ang araw na di ka na bumalik, madali ko sanang matatanggap kung inayos ko ang thinking ko. Alam mo, wag mo ko isipin. Magiging maayos din ako. Makakalimutan ko din to." Paliwanag ni Ace.

"Ayoko." Maiksing tugon naman ni Gian.

"Huh? Ano ang ayaw mo?" Pagkalito naman ni Ace.

"Ayoko na kalimutan mo ako." Habang titig na titig sya sa mga bata ni Ace.

"Ano ba ang gusto mo? Bumalik tayo sa dati? Pwede naman pero ako ang may problema. Baka di ko na naman ma-control ang sarili ko. Baka mag-demand na naman ako. I'd rather not to, Gian." Malungkot naman na sagot ni Ace.

"Di naman yun ang gusto ko eh. Gusto ko na this time, malinaw na ang lahat. Gusto ko na sakin ka lang, gusto ko na tayo lang dalawa. Gusto ko na pagsilbihan mo ako gabi gabi, araw araw. Gusto ko na ganun din ako sayo." Sagot ni Gian habang hawak hawak ng dalawang kamay ang mga pisngi ni Ace.

"Huh? Pero pano yun, Gian? Ano talaga ang gusto mo?" Pagkalito ni Ace.

"Gusto ko maging tayo na. I want to be your boyfriend." Ani Gian.Natulo ang luha ni Ace, hindi ito ang ineexpect nya from Gian. 

Siguro sobra syang na-overwhelmed. Sobrang saya nya. Ang dami na agad naglaro sa isipan nya. Mamasyal kasama si Gian, kumain sa labas, manood ng sine, magkasama magplano sa lahat lahat. Para syang nasa langit.

Napayakap sya kay Gian ng mahigpit na sya nyang sagot sa tanong ng kausap. Isang maliwanag na oo ang kahulugan.

"Sobrang saya ko ngayon, Gian." Sabi ni Ace sa katabi habang parehas silang nababalot ng kumot, kumot lamang sa kanilang mga katawan na nakahiga sa kama.

Sabay halik naman ni Gian sa noo ni Ace na nakahiga sa braso nya malapit sa kili-kili.

"Ako din. Di ko pa alam kung san talaga tayo papunta, alam ko na hindi pa ako ready na ipakilala ka sa mundo ko pero habang wala pa tayo dun, gusto ko bumuo tayo ng sarili nating mundo." Sweet na tugon naman ni Gian kay Ace.

"Okay ako dyan Gian, ganun din ako. Alam ko na masaya ako sayo pero gusto kong itago muna kung ano yung sa atin. I-enjoy muna natin tong mundo natin na tayong dalawa lang. Time will come, magiging ready din tayo. Basta sakin ka lang." Tila pagbabanta ni Ace.

"Yes Misis ko. Sayo lang ako." Pangiting sagot naman ni Gian.

"Hey, wag mo akong tawaging Misis, ang ayoko ng term na yan." Pagkainis naman ni Gian.

"Ikaw ang mag-aalaga sakin gabi gabi kapag magkasama tayo kaya ikaw ang Misis ko." Pagpipilit naman ni Gian.

"Parang yaya naman ang hanap mo eh!" Sabay talikod ni Ace at pilit na natulog.

Natawa na lamang si Gian sa tila pang-aasar nya sa kanyang katabi.

Dahil alam nilang magiging madalas at mahabang panahon silang magkikita, nagkasundo sila sa isang schedule upang di masyado mapagod sa kakabiyahe si Gian. From work, diretso na sya kay Ace upang sabay na mag-dinner at magkwentuhan saglit bago umuwi ulit sa kanila para matulog. Kailangan nyang umuwi dahil may alaga syang aso at kailangan nyang samahan ang mga kapatid at kanyang ina. Sunday night, Wednesday night at Friday night ang kanilang napagkasunduan na schedule.

Gusto sana ni Ace na magkasama sila ni Gian pag weekend pero di sya kayang mapagbigyan nito dahil marami itong gustong gawin pag weekend tulad ng magjogging kasama ang aso nya, mag-gym at gusto na din nya magstart mag-vlog.

SATURDAY. 8:00 AM.

"Beep" Tunog ng phone ni Gian na sakto naman na kakagising lang nya.

"Good morning!" Pagbati ni Ace.

"Good morning din Misis ko. Kagigising ko lang." Gian

"Wag mo sabi ako tawaging Misis!!!!!!!!" Ace

"Hahahaha! Gusto mo ba iba ang Misis ko?" Gian

"Ayaw." Ace

"So ikaw ang Misis ko?" Gian

"Hindi." Ace

"Ang gulo nito! Hahaha! Misis ko, parang nasa mood ako magstart mag-vlog today" Gian

"Really? Anong content ang plan mo i-share?" Ace

"Dance tutorial sana with my buddies" Gian

At nagpatuloy nga ang kanilang pagpapalitan ng messages.

SECRETS [Completed] (Ang BF Kong Pinagparausan Ng Iba / Filipino BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon