ACE VS KIEL. IN BED? (Part 13)

3.1K 63 1
                                    

Monday. 8:00 PM

Habang umiinom ng hot tea si Ace sa kanyang condominium ay hindi pa din nya maalis sa kanyang isip si Kiel at ang kanyang boyfriend na si Gian.

"Anong meron sa inyo? Bakit ako nginitian ni Kiel? Nakwento ba ako ni Gian? Bakit kayo umabot sa ganoong usapan? Gaano kayo ka-close? Ex ka ba nya?" Yan ang napakadaming tanong na umiikot sa isipan ni Ace.

KIEL'S POV

Habang sya ay nagbabrowse ng Facebook, panandalian nyang ibinaba ang Cellphone at nag-isip:

"Bakit mo ako kilala Ace? Imposibleng natandaan mo ang name ko nun mga nakaraang araw. Sino ako para matandaan mo ang name ko? Wala din akong suot na nametag kanina kasi nanghiram lang ako ng uniform kay Gian. Anong meron sa inyong dalawa?"

Tuesday. 5:00 PM

Gian: Hi Ace, may I take your order?

Ace: Sure, same as the other days.

Nakatingin lamang sa di kalayuan si Kiel sa dalawa habang nagpeprepare ng mga order. Patuloy nyang iniisip kung anong meron ang dalawa.

Di na sya nakapagpigil, sya ang nagserve ng order ni Ace para makalapit sya at makapag-build ng rapport dito.

Kiel: Hi Ace! Here's your order.

Ace: Thanks Kiel.

Kiel: I am surprised, natandaan mo pala name ko.

Ace: Yeah, madalas kasi ako dito talaga.

Kiel: Oo nga, napansin ko din. Thanks for patronizing our servers, I mean services. (May halong ngiting binitawan si Kiel)

Ace: Hahaha! Funny. You're funny, Kiel.

Kiel: Hahahaha! I'll take that as a compliment, Ace. Enjoy your coffee.

Ace: Thanks.

Di maiwasan ni Gian na tumingin sa dalawa habang nag-uusap.

"Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang mokong na yun?"

Maya-maya pa ay bumalik ulit si Kiel sa table ni Ace para mag-offer ng free cupcake.

Ace: You're so thougthful, dude. I like this.

Kiel: Yeah, I noticed that you sometimes order this. Luckily, we have a promotion today.

Ace: Great! Let me have it then, dude.

Kiel: Please enjoy it with your coffee.

Ace: Yeah. Thanks.

Kiel: Anyway, malapit lang ba place mo dito?

Biglang napahinto si Ace sa tanong ni Kiel.

Ace: Huh? Eh, oo. Bakit mo natanong?

Kiel: Great! Wala, minsan kasi tumatambay kami ng tropa ko, si Gian, after shift. Minsan, sama ka.

Ace: Oo ba. Yung colleague mo ba yung tinutukoy mo?

Kiel: Ah oo, si Gian, yung nasa counter. Cool yun. Close kami nun, matagal na kami magkakilala. Higit pa sa kapatid ang turing ko dun.

Ace: Ah, talaga ba? (Talaga ba Kiel? Higit pa ba sa akin ang turing nya sayo? -Bulong ni Ace sa sarili)

Kiel: Oo. Minsan lumalabas kami. Alam mo na, boys nightouts.

Ace: Ah talaga? Ano madalas nyong ginagawa?

Kiel: Wala, inuman. Kaming dalawa lang madalas. Minsan dun sya sa place ko, o kaya dun sa place nya.

SECRETS [Completed] (Ang BF Kong Pinagparausan Ng Iba / Filipino BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon