Hello dear LOLers! Thanks for coming back. I hope you're enjoying Gian and Ace's story. We're closer to the end. We're down to last 3 parts (15, 16 and 17 as the finale part).
I am gonna miss these characters. This is my first time writing a story in any platform. Sana nagustuhan nyo.
--------------------------------------------------------------------
THURSDAY. 7:00 PM.
Di nagsayang ng oras si Gian upang magpaliwanag kay Ace, agad nya itong tinawagan pagkatapos ng trabaho ngunit ayaw itong sagutin ni Ace. Batid na ni Gian na galit pa din ito sa nakitang kissmark sa kanyang leeg. Sobra syang nalulungkot ng dahil dito dahil alam nyang masakit ito para sa kanyang boyfriend.
Naisapan nyang mag-text na lamang...
Gian: Misis ko, alam ko galit ka sa nakita mo. I am telling you, wala lang to. Siraulo lang si Kiel. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nya sakin, lasing na lasing sya. Hindi din nya maalala pero believe me, walang nangyari samin at walang kahit ano between us. Please, believe me.
Ace: I am sad, iniisip mo talaga na kakagat ako dyan.
Gian: That's true. Kung gusto mo kausapin mo pa si Kiel. Wala yun, promise.
Ace: Yeah, nakausap ko na sya kanina and galit ka daw sa kanya kasi nag-iwan sya ng kissmark.
Gian: No. Galit ako sa kanya kasi hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nya at nilagyan nya ako ng kissmark.
Ace: Mag-ano ba talaga kayo? Kayo ba ang mag-jowa? Ako ba ang kabit sa istorya nyo?
Gian: That's ridiculous. Walang kami. Magkaibigan lang kami. Please, believe me.
Ace: How can I?
Gian: Sa tingin mo talaga kaya ko yun gawin sayo?
Ace: I really don't know. I just wanna have some rest.
Gian: Misis ko, maniwala ka sana.
Ace: Stop it.
Sa tinakbo ng pag-uusap nila, alam na ni Gian na hindi nya nakumbinse ang kanyang boyfriend. Kailangan nyang umisip ng paraan para mapaniwala ito.
Ngunit sa kabila ng kanyang problema sa boyfriend, naiisip pa din nya kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni Kiel. Natatakot sya na baka kung ano ang ginawa sa kanya nito. Kung ginalaw sya nito, natatakot sya kasi wala syang condom na nakitang nakakalat pagkagising nila. Natatakot sya sa ano mang sakit na maaaring maipasa sa kanya kaya naman agad syang nagpunta sa clinic para magpa-check. Mabilis lang ang proseso ng HIV test, within few minutes, malalaman mo na ang resulta. Regular nya itong ginagawa dahil takot syang mahawaan ng sakit. Ito ay kahit lagi syang gumagamit ng condom sa tuwing makikipagtalik sya.
Nakahinga sya ng maluwag ng malaman na negative sya sa HIV. Isa na lang ang kanyang problema, si Ace na lang.
FRIDAY. 7:00 PM.
"Ding-dong" Alam na ni Ace kung sino ang pumindot ng door bell. Ayaw nya sanang pagbuksan pero di din nya mapigil ang sarili dahil alam nyang mahal nya si Gian.
Pagbukas na pagbukas ng pinto ay agad syang niyakap ni Gian. Mahigpit na mahigpit. Para bang galing itong ibang bansa upang magtrabaho ng mahabang panahon. Ramdam ni Ace na ang lubhang pagsisisi ni Gian at ang kanyang pagmamahal.
BINABASA MO ANG
SECRETS [Completed] (Ang BF Kong Pinagparausan Ng Iba / Filipino BxB)
Romance"Disclaimer: This is Rated SPG or may be X. Please, for adults only." Temptations, Jealousy, Secrets. Things that are part of our lives. Ace and Gian started their relationship right but things will come along that would make their relationship comp...