CRAZY LOVE (Part 10)

2.3K 63 0
                                    

SATURDAY. 1:00 PM.

Pagkatapos kumain ng tanghalian kasama ang pamilya, kinuha ni Gian ang kanyang phone at tinawagan si Kiel.

Si Kiel ang kasama ni Gian sa trabaho. Dati silang magkasama sa ibang coffee shop na pinapasukan, lumipat sya ng pinapasukan at nahikayat si Gian na sumunod dito. Parehas silang mahilig sumayaw ni Gian, mahilig din sila parehas mag-work out pero sa magkaibang gym. Pag may event sa head office ng kompanya ay madalas silang napapabilang sa mga sumasayaw. Kung si Gian ay isang seryosong tao, si Kiel naman ay kilalang pilyo at kilalang tirador ng mga bagong recruit na chikababes.

"Ang tagal mo namang sumagot?" Pabirong kunwari galit na bungad ni Gian sa telepono.

"Sir, anong meron sir? Nagwoworkout ako eh. Pasensya na ha?" Pabirong sagot naman ni Kiel.

"Pre, gusto ko kasi magstart mag-vlog. Maganda daw kasing extra income yun. Pwede patulong?" Gian

"Hayop. Wala ako alam dyan, unggoy!" Kiel

"Alam ko naman yun, mambabae lang naman talaga alam mo." Gian

"Kbye!" Kiel

"Wait, wait. Simple lang gagawin natin. Sasayaw lang tayo sa camera." Gian

"Ow. I like it! Game ako dyan!" Kiel

"Anong oras ka pwede pumunta dito?" Gian

"6 PM nandyan na ako pero bilisan lang natin ah. Baka ma-rape ako pauwi. LOL" Kiel

"Baka mang-rape ka pauwi, gago!" Gian

Pagkatapos kausapin ang kaibigan ay pumasok na si Gian sa kwarto upang tawagan si Ace. Kailangan nya patagong tawagan si Ace dahil madinig sya ng kanyang nanay, baka isipin nito na may girlfriend na sya at baka sabihin na dalhin sa kanila. Malaking problema pag nagkataon.

"Misis ko, good news, pumayag si Kiel sa plano kong vlog mamaya." Gian

"Sinong Kiel?" Ace

"Katrabaho ko yun, yung Semi-kalbo na makapal ang kilay sa shop." Gian

"Ay yung poging borta?" Ace

"Eh di wow!" Gian

"Napakaseloso mo, mas pogi ka dun!" Ace

"Eh di wow pa din" Gian

"Eh di bye!" Ace

"Joke lang, napakainit naman ng ulo ng Misis ko, buntis ka ba?" Gian

"Isang Misis pa at ibababa ko na to. Kinikilabutan ako pag tinatawag mo kong Misis. Di ko ma-imagine!" Tila pagalit nang sagot ni Ace.

"Hahaha! Tanggapin mo na, dun na din yun papunta. Oh, sya. Baba ko na to, mag-isip pa ako ng sasayawin namin sa vlog. Ingat ka dyan!" Gian

SATURDAY. 6:30 PM.

"Ano na? Ang tagal mo, akala ko iindianin mo na ako eh!" Bungad ni Gian kay Kiel.

"Wow. Boss na boss ah? May pa-sweldo?" Sagot naman ni Kiel.

"Hahaha! Ito naman, di na mabiro. May naisip na ako na sasayawin natin.Patok to ngayon." Gian

"Ano?" Kiel

"Catriona Dance, madali lang to, medyo magpapasexy lang tayo." Gian

"Porn ba yung vlog mo?" Kiel

SECRETS [Completed] (Ang BF Kong Pinagparausan Ng Iba / Filipino BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon