SEMI-AWKWARD (Part 2)

5.1K 89 0
                                    

8:00 PM


Sa dami ng reports na ginawa ni Ace, halos dun na sya magdinner sa coffee shop na tinatambayan nya.

Pagdating sa bahay, nagpalit lang sya ng damit at nagsimula na ding maghanda ng kakainin.

In-on ang TV at inilipat sa News Channel. Hinayaan lang nyang nagpeplay ang TV habang abala sa pagluluto ng ginisang gulay at kaunting karne upang nadidinig pa din nya ang balita. Medyo dinamihan ang luto para ima-microwave na lang ang iba para bukas ng umaga.


Pagkatapos magluto, naglogin sya sa Netflix para manonood sya ng paboritong series hangang kumakain.


Ganito umiikot ang buhay ni Ace. Trabaho at bahay lamang.

Di sya makapag focus sa panonood dahil pumapasok sa isip nya ang lalaking nagserve ng kape nya kanina. Napapaisip sya kung talaga bang matatandaan sya nito sa susunod na bumalik sya doon. Para tuloy gusto na nyang hilahin ang oras para makabalik na sya sa kapehan na yun.


GIAN's POV


"Nay! Ano ulam?" Pasigaw na tanong ni Gian sa kanyang ina habang binababa ang mga gamit sa kwarto galling trabaho.

"Ay eh, kumain na kami. Meron pang Caldereta sa mesa. Wag mo ubusin at wala yung Gerald." Si Gerald ay ang kanilang bunsong kapatid na nag-aaral pa.

"Ano ba yan. Di nyo manlang ako hinintay." Habang nagbibihis bago kumain.


"Anak ng, nay wala na to eh. Nagtira pa kayo!" Pabiro nya sa kanyang ina.


"Pano yung mga kapatid mo, sabi ko di ka pa kumakain eh." Tugon ng ina.

"Oh sya, lalabas din ako agad Nay, mag-gym pa din ako eh."

"Nakoooo. Sa ibang araw ka na mag-gym, gabi na!" Paalala ng nanay nya.


Pero wala din naman syang nagawa dahil araw araw na iyong ginagawa ng kanyang anak.


Pagkatapos mag-gym ay tumatambay pa ito minsan sa ihawan/barbequehan kasama ng mga tropa sa gym.

6:00 AM


Dahil alam ni Gian na baka maipit sya ng traffic, maaga din syang gumigising kahit pa 8:00 AM pa talaga ang pasok nya kahit na ng ba malapit lang sila sa BGG.


Pagbangon sa kama, pagkain ang unang hinahanap nito sa nanay nya bago maligo. May naabutan pa syang tortang talong, daing na bangus galling dagupan at sinangag na sya din naman nyang binanatan agad.


Pagkatapos kumain ay pumasok na sa banyo at nagdeposit din. Nagyoyosi sya habang nagdedeposit bilang nakasanayan na nya.

Wala sya masyado ginagamit sa katawan. Safeguard at shampoo lang ay sapat na. Habang nagsasabon ng katawan ay kanyang tinititigan ang sarili sa salamin. Tinitingnan nya kung nag-improve ba ito sa kanyang pag-gigym. Bukol na bukol ang kanyang mga abs. Malilintog ang pwetan at Malaki ang biceps. Morenong Moreno at halata mong nabibilad sa araw ang katawan dahil ito ay madalas magpunta sa beach kasama ng mga tropa nya. Ang paborito nila ay Baler dahil hilig nilang mag-surf.


ACE's POV


"Magkakaalaman na, tingnan ko kung talagang matatandaan nya ako."

Bulong ni Ace sa kanyang sarili habang papunta sa coffee shop bago umuwi.


Namataan nya agad ang lalaki. Nabasa nya ang name nito sa nametag sa kanyang paglapit dito. Habang sya ay papalapit, kanyang nadinig ang mga kaopisinang babae nagbubulungan sa kanyang likuran.


"Sya yung bagong barista na sinasabi ko sa inyo. Di baaaaa???? Ang gwapo." Malanding sambit ng babae.

"Ay oo ngaaaaa. Papa P na mas bata version. Ay may dimplesssss sya." Sagot naman ng isang babae.


Para tuloy ayaw na lumapit ni Ace but too late, nakita na sya ni Gian.


"Hi Ace, how are you? Americano again?" Nakangiting bati ng lalaki.


"Ay si Sir Ace? Bakit magkakilala sila?" Bulong ulit ng babae sa kanyang likuran.


Nilingon ni Ace ang mga ito na kinabigla naman ng mga ito at mabilis na ngumiti sa kanya.


Di na nya pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa pag-order na kanyang kape.


Sa kanyang araw-araw na pagkakape doon ay araw-araw din syang pinagseservan ni Gian. Lagi itong nakangiti sa kanya at madalas ay ngumingiti din sya.

SECRETS [Completed] (Ang BF Kong Pinagparausan Ng Iba / Filipino BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon