mang aagaw na kalawakan

184 6 3
                                    

Ang sarap humiga  sa damuhan,
Habang ninanamnam ang pagmamahalan
Habang kalawakan ay ating pinagmamasdan,
Ikaw ang kasama sa ilalim ng bwan,
Kasamang nangako na ang ating pagmamahalan, sa simbahan ang katapusan,
Til death do us part pangakong ating bibitawan,
Ngunit ngayon tila akoy tagamasid na lamang
Saksi ang kalangitan sa ating pagmamahalan
Saksi ang bwan kung paano ang mga ngiti ay unti unting napalitan ng luha,
Sapagkat hindi na ako, hindi na ako ang kasama mo sa ilalim ng bwan
Isa na lamang akong ala ala saiyo
Sinubukan nating lumaban pero tadhana sadyang madaya,
Pagmamahalan natin tila pinaglaruan
Hindi na ako, hindi dahil hindi na ako ang mahal mo,
Hindi na ako, sapagkat hindi na pwede ang tayo,
Hindi na ako, ngunit sanay hintayin mo ako
Gusto sana kitang ipagdamot ngunit sa kalawakan akoy walang laban
Iiyak na lamang habang ang bwan ay unti unti ng natatakpan ng ulap na tila ba ang dala ay ulan
Kung dati saksi ang kalawakan sa tamis ng ating pagmamahalan,
Ngayon saksi ang ulan upang takpan ang luhang unti unting pumapatak na dala ng sakit na dulot sakin ng kalawakan
Isang mang aagaw na kalawakan ang aking nilabanan,
Ngunit tila ikaw ay masaya na sa tabi moy sya ang kasama,
Ang mga ngiti mo na hanggang ala ala na lang pala,
Ang ating pagmamahalan ay tila isang istorya na lang na saksi ang kalawakan
Hindi na ako sapagkat sa aking piling ay tuluyan ka ng inagaw, inagaw ng mang aagaw na kalawakan,
Mahal hanggang sa susunod na buhay ikaw ang nais makasama sa ilalim ng mang aagaw na kalawakan

LIbro Ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon