CHAPTER 2: Her Hand

101 5 0
                                    

CHAPTER 2

Kyle's POV

"Ikaw si Kyle, tama ba? Pasensya ka na sa mga kaibigan ko kanina."

Naglalakad kami ngayon pa punta sa labas ng school bigla syang nagsalita. Wala akong plano na kausapin sya. Ano naman ang sasabihin ko? Mabuti nalang nagsalita sya.

"Wa-wala yun. Saka tanggap ko naman na hindi ako kagusto gusto." Hindi ko alam kung naramdaman nya ang disappointment sa boses ko.

"Hindi naman totoo yun. Lahat ng tao may nakalaan sa kanilang tao na nararapat sa kanila. Malay mo ako pala yung para sayo." Saglit akong nanigas at hindi makahinga dahil subrang bilis tibok ng dibdib ko. Sa tingin ko namumula ang mukha ko hindi ko alam kung dahil sa kilig. Bakit kasi sa dami ng sasabihin nya yun pa.

"Okay ka lang ba? Mali ba sinabi ko? Bakit parang namumutla ka? Sorry ah." Na ilang ako sa sinabi nya at hindi na ako nag salita ulit. Dumating kami sa labas ng school nagaantay pala yung driver nila at kuya nya. Si Tyron, nakilala ko sya kasi sikat sya dito dati sa school na to. Sya ang ex heartthrob ng school na to. Naabutan ko pa sya gumraduate matanda sya ng 3 taon kay Julian.

"Kuya anjan ka na pala. Kanina pa ba?" Kumakaway sya sa kuya nya kaya hinila nalang nya ang bag sakin na hawak ko, balak ko na sanang ibigay sa kanya. Hindi nya napansin kaya kamay ko ang nahila nya. Hindi ko alam kung ano dapat ang reaction ko kasi ang lambot ng kamay nya at malaking bagay sakin na mahawakan ang kamay nya.

"Sorry, thanks sa paghatid, Kyle... Bye! Ingat ka pauwi." Kinuha nya ulit ang bag sakin this time hindi nya nahawakan ang kamay ko kasi nakatingin na sya dito. Ipinasok nya sa loob ang bag nya at sunod naman sya na pumasok.

"Ba-bye din sayo." Ngumiti ako sa kanya pero hindi na sya lumingon ulit sakin.

Hayss parang wala lang sa kanya na nahawakan nya kamay ko. Bakit naman magkakaroon ako lang naman ang may gusto sa kanya. Ang Sweetheart Princess ng School na to.

Umandar ang kotse at naiwan ako mag isa ngayon. Kaya umuwi na rin ako mag isa.
Naka ngiti ako ngayon dahil sa nangyari sakin kanina pag uwi ko. Kanina ko pa tinitingnan ang kamay ko na nahawakan ni Julia kanina.

"Bunso kakain na tayo!" Tawag sakin ng kuya ko siguro naka rating na sya galing trabaho.

Jerick ang pangalan ng kuya ko 23 years, anim na taon ang tanda nya sakin. Pero parang kambal lang kami kapag wala syang pasok sa trabaho lagi kaming nag banding nag babasketball kami. Subrang close kami sa isa't-isa dahil kami lang ang magkapatid. Akala nga nila magiging only child si kuya kaya lang na buo ako. At sabi nila swerte daw ako sa kanila kaya naman mahal na mahal nila ako.

"Oo kuya anjan na ako" Bumaba na ako at nakita ko si Mama naghahain ng pagkain.

"Huy ikaw Kyle kanina kapa sa taas sabi ko sayo tulungan mo ako magluto. Ikaw puro ka cellphone labo na nga ang mata mo, mabubulag ka na talaga." Mga salitaan ni Mama paulit ulit nalang sakin. Pero sanay na ako sa kanya kasi syempre sya ang Mama ko. Kahit pa naka megaphone ang boses nya at madalas akong galitin mahal na mahal ko yan.

Matapos kumain ako na ang nag presinta na maghugas ng pinggan kasi hindi na ako nakatulong magluto kay Mama. Natuwa naman si Mama sakin syempre love ako nun.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Tinitigan ko ang kamay ko na nahawakan ni Julian. Parang abot tinga ang ngiti ko ngayon lang kasi ako nagkagusto ng ganito sa babae. Hanggang sa makatulog ako nakangiti ako.

Kinabukasan parang ayaw ko maligo kasi mababasa yung kamay ko na hinawakan ni Julian kahapon. Kaya lang naalala ko naghugas nga pala ako pinggan kagabi kaya useless din naman. Kaya naligo na rin ako. Parang tanga lang ako diba.? Ganito ang epekto ng nagmamahal. Ulol

My Ordinary Love Story (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon