CHAPTER 8: Crying Ghost

48 4 1
                                    

CHAPTER 8

"Manong gising na." Tawag ni Kuya sakin rinig ko sya sa may pinto ng kwarto ko. Himala wala syang ginagawa para magising ako. Gising na ako pero tinatamad pa ako bumabangon. Nakakaantok pa eh.

"Aba ayaw gumising." Rinig ko yung yabag ng Paa ni Kuya at sumampa sa kama ko. Dinaganan nya ako tapos kung saan-saan ako kiniliti. Kaya ayun tawa ako ng tawa. Nagmumukha akong 7 years old sa ginagawa nya.

"Kuya— HAHA Tama— HAHA na please." Pakiusap ko kaya tumigil sya pero nakadagan parin sakin. Ang bigat ni kuya buti nalang malakas na ako at malalaki na muscle ko.

"Ayaw mo kasing bumangon eh." Tumayo na kuya at umupo sa gilid na kama ko. Tumingin lang ako sa kanya.

"Kuya naman, ang aga-aga pa eh. Saka mamaya pang alas otso klase ko."

"Diba mas maganda ang maaga kisa late." Sabagay pero never naman ako na late sa school.

"Sige na, nagluto kasi ako ng noodles baka lumamig sasama ang lasa." Pangit talaga ang lasa ng noodles kapag hindi na mainit. Parang lugaw na yung noodles tapos lasa na panis yung sabaw.

"Oo na, Kuya. Saglit lang umalis ka na sa kama ko." Tumayo si Kuya at lumakad palapit sa pintuan ng kwarto ko.

"Sumunod ka na, kung hindi si Mama papaunahin ko rito sa kwarto mo." Ayaw iba ang ginagawa ni Mama. Hindi yun natigil sa paghalik sa pisngi ko tapos mamaya na sigaw na kapag naiinis.

"Oo na, sige na. Alis na Chu" Taboy ko habang inaayos ang sarili. Tinupi ko muna yung kumot ko. Syempre wala kaming katulong magagalit si Mama kung iiwanan ko na magulo ang kama ko.

"Ikaw mamaya ka sakin." Tumawa lang ako hanggang sa hindi na hagip ng mga mata ko si kuya. Malamang nasa kuwarto nya para maligo din.

"Good morning Mama." Salubong ko kay mama at niyakap. Malambing ako minsan hindi alam ng karamihan. Pero kahit ganun hindi dinaganan ni Mama at Kuya baon ko. Hayss

"Naku ito nanaman tayo, sabi mo malaki ka na?"

"Oo nga pala." Nahiya naman ako bigla, nasan ang dignidad ko. Wala akong isang salita, okay lang yun hindi naman ako bayani.

"Kumain ka na para makaalis na kayo ni Kuya Jerick mo." Sabi ni Mama. Pansin ko na dala nya yung paborito nyang bag na pang-alis.

"Kayo mama hindi pa kayo sasabay?"

"Hindi na, kumain na ako kanina. Maaga akong pupunta sa palengke saka dadaan pa ako kay Ninang Lorna mo para mag bayad ng buwanang hulog." Kasali kasi ni Mama sa paluwagan at Ninang ko ang namamahala. Kung buhay lang si Papa hindi to nagyayari samin. Hindi namin mararanasan magipit at kumapit sa patalim. Bakit kasi sa private pa nila sa pinasok pwede naman sa public school nalang ayan tuloy nahihirapan sila pagdating sa pera.

"Ganun ba sige Mama ingat ka." Hinalikan ko si mama sa pisngi bago sya umalis.

Kumain lang kami ni kuya habang inaasar ang isa't-isa. Ayaw patalo ni Kuya parang bata talaga.

"Saan ka Kyle?" Tanong ni Kuya kasi nasa labas na ako ng gate.

"San pa Kuya edi sa paradahan ng tricycle"

"Sa kotse ko tayo sasakay ngayon maayos na si Kiki ngayon." Kiki pangalan ng kotse nya. Baliw si Kuya yun yung sa kanta eh. Kiki do you love me? Diba dun yun.

"Sasakay tayo ngayon kay Kiki?" Nakangiti sabi ko kay kuya tumawa lang sya at umiling ako naman naguluhan.

"Anong nakakatawa kuya?"

"Wala. Haha. Sige na hintayin mo nalang ako jan."

Malapit lang naman bahay ko sa school kaya nakarating agad kami ni kuya ng mabilis.

My Ordinary Love Story (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon