CHAPTER 6
Kyle's POV
"Huy pangit gumising ka na." Pagkatapos marinig ang mga katagang yun may tumama na unan sa mukha ko. Ouch.
Umagang umaga si Kuya binato ako ng unan sa mukha. Pag hindi nya ako sisipain, ba-batuhin nya ako ng unan sa mukha. Ganyan talaga si Kuya tuwing umaga para magising ako agad. Hindi kasi minsan effective ang alarm clock ko. Sakto si Kuya kasi maagang pumapasok sa trabaho kaya may taga gising ako.
"Anong oras na Kuya?" Iminulat ko ang mata ako at tumingin sa kanya. Nakatayo sya sa may pintuan ng kwarto ko.
"Alas-sais na po tulog mantika ka pa rin. Yuck tulo laway." Natatawang wika nya sakin na parang nandidiri. Hindi naman tumutulo ang laway ko kapag natutulog ah.
Pinahid ko ng kamay ko ang pisngi ko, hindi naman basa eh. Si Kuya talaga akala ko talaga totoo, tumingin ako ng masama sa kanya."Joke lang, uto-uto ka talaga. Bumangon ka na jan papasok na ako trabaho. Nagluto na ako ng almusal sa baba. Si Mama naman maagang namalengke." Paliwanag nya at tumatawa tawa pa. Pambihira ang lakas talaga ng trip ni Kuya kahit kailan kaya para sakin sya ang the best.
"Sige Kuya, ingat ka. Bye." Humiga ulit ako at pinikit ang mata ko. Konting tulog pa, na puyat ako kagabi eh. Hayss
"Sige na alis na ako, tumayo ka na ha!? Lagot ka kay Mama kapag inabutan ka nya." Sige na nga babangon na ako. Hindi rin naman ako makakatulog kapag dumating si Mama. Masakit sa tenga ang boses nun kapag galit.
Pumunta ako sa CR para maligo, pumunta ako sa kusina namin. May luto ng sinangag at itlog, nagmamadali ako kumain malapit na akong ma-late.
Naisipan ako na naglalakad nalang ako aabot pa naman ako first class ko. Malapit lang naman ang School ko praning lang si Kuya actually parihas kami. Habang naglalakad ako may sumabay sakin.
"Papasok ka na ba Kyle.?" Tanong sakin ni Tinay, mukha pa akong hindi studyante sa suot kong uniform?
"Oo Tinay medyo late na nga ako eh, sya nga pala salamat nga pala ulit sa nilutong adobo ng Mama mo."
"Wala yun... Pwede bang sumabay? Idadaan ko lang tong tinahi ni Mama kay Aling Lureng."
"Bakit parang puyat ka ata. May problema ka ba?"
"Wala naman." Simpleng sagot ko sa kanya kahit meron naman talagang dahilan kaya ako napuyat.
"Sabi kasi sayo wag mo akong masyadong isipin." Proud pa sya sa sinabi nya.
"Charr." Bawi nya at nag peace sign sakin kala mo cute, mukha syang tuta.
"Ikaw talaga, Tinay.!"
"Dyan yung eskinita papunta kila Aling Lureng diba? Mamaya nalang ulit. Bye!" Bago sya tuluyang humakbang papasok ng eskinita malapad syang ngumiti sakin at kumaway. Napangiti nalang din ako at bahagyang kumaway sa kanya.
Kababata ko si Tinay close kami ng mga bata pa kami. Simula kasi ng lumapit kami dito noong grade 4 palang ako naging kaklase ko na sya, naging kaibigan at kapitbahay. Hindi naman masyadong close pero dahil parihas kaming tampuhan ng tukso kami lagi ang magkalaro.
Hindi kagandahan si Tinay. Gaya ko mukha rin syang nerd, kaya siguro magkasundo kami sa ibang bagay. Medyo may tililing kasi si Tinay parang isip bata minsan. Kaya naman tumigil sya sa school ng dalwang taon kaya hindi kami parihas ng grade ngayon.
Tumigil ako sa isang malaking gate ng school maraming studyante ang nang kalat sa paligid. Wala pa naman kasing klase sa mga oras na to. Pumasok ako ng school at ipinakita ang id ko sa guard. Seven thirty na at eight ang klase ko kaya nagmadali na akong lumakad. Tumatakbo na pala ako baka maunahan ako na teacher ko yari. Ayaw ko ng detention.
BINABASA MO ANG
My Ordinary Love Story (Ongoing)
Teen FictionHighest Rank #2 @kiligvibes Si Kyle ay isang simpleng binata na na-inlove sa isang pambihirang babae. Sa kabila ng kanyang pagkatao pinilit nyang iwasan ang kanyang nararamdaman para rito. Pero makakaya nya kaya yun? Kung sa paglipas ng panahon lalo...