CHAPTER 12
Umuwi ako ng matamlay sa bahay, tinanong ni Mama kung ayos lang ako pero mas pinili kong hindi sumagot hindi pa ako handa mag kwento. Saka na kapag naka get over na ako sa nangyari kanina. Hindi ko lang talaga matanggap bat ganun ang sakit-sakit?
Kumuha ako ng 4 na Incan na beer sa ref pampaantok lang para mabilis akong makatulog. Hindi ko kasalanan marunong ako uminom ng alak kahit beer lang sa murang edad tanungin nyo sila Mama at Kuya. Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit saka humiga sa kama. Hays kailangan ba talagang gawin ko to sa sarili ko. Feeling brokenhearted sana bukas okay na ako kasi hindi ako sanay ng ganito ang pakiramdam. Kailangan kong maging matatag at susubukan wag na muling magpaapekto sa kanya, kay Julian. Naluluha nanaman ako siyete bakit ba ang abnormal ng mata ko ngayon. Paano pa kaya kung mga apat na taon kami tapos saka sya makikipag break ano kaya gagawin ko nun kung gusto ko palang ang nararamdaman ko sa kanya ganito na ako ka OA.
Makatulog na nga lang hindi ko kailangan mag puyat dahil lang sa Julian na yun. Ito ang huli at unang beses na iiyakan ko sya at ang iba pang babae.
"Bunso! Buksan mo tong pinto. Huy pangit gising ka pa ba?"
"Tulog na ginising mo ako. Ano ba yun, Kuya?" Bungad ko kat kuya sa labas ng kwarto ko. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kuya kanina ay nagaalala ngayon ay naging kalmado.
"Ma! Mukhang okay naman si pangit sabi mo may problema!" Sigaw ni Kuya kay Mama pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Iwan ko ba kanina parang mukhang na basted yan. Kausapin mo nga!" Sigaw ni Mama sa Kusina namin nagluluto siguro ng hapunan. Wala akong gana maghapunan ngayon sorry Ma.
"Ano bang nangyari sayo kwento mo nga kay Kuya?" Ito talaga ang hari ng chismosa hindi marunong mag-antay ako mag kwento. Wala akong choice kasi kahit naman sabihin ko na ayaw ko magkwento kukulitin lang nya ako at sa huli magkukwento parin ako. Nasanay na kami na kapag may problema kailangan pag-usapan para maayos ganun ang pamilya.
"Wala ito, Kuya." Panimula ko. Ang totoo kasi ayaw kong gawing big deal kasi wala naman kaming relasyon ng nanakit sa damdamin ko.
"Sige na makikinig ako kahit ano pa yan." Pagpilit ni Kuya, lumaki na ako ng ganyan sya ka understanding.
"Sige na nga. Hindi mo rin naman ako titigilan."
Humingi muna ako na malamim para sa lakas ng loob. Kailangan ko to ilabas at para rin malaman ko ang dapat kong gawin para maging okay ang pakiramdam ko.
"Diba nakwento ko sayo yung crush ko?"
Alam ni kuya yun kasi lagi nya akong tinatanong sa mga nangyayari sa school halos araw-araw."Oo yung babaeng maganda, matalino tapos magaling sumayaw? Oh anong nagyari?"
"Kasi kanina may gusto humalik sa kanya tapos ayaw nya kaya pinagtanggol ko. Sinuntok ko yung lalaki kaso sa akin pa sya nagalit, bakit daw ako nakikialam. Akala ko magpapasalamat sya sakin at yayakapin ako pero itinulak nya ako paalis."
"Alam ko bunso minsan ganun talaga ang mga babae. Tinanong mo ba kung anong dahilan nya baka kasi may dahilan kung bakit mas pinili nya na maawa sa lalaking yun."
"Iwan siguro dahil gwapo yun at mayaman tapos tayo kuya mahirap lang. Hayaan mo kuya sa mga ka label ko nalang ako magkakagusto hindi na sa katulad ni Julian."
"Walang mali sa nararamdaman mo bunso, kung talagang pursigido ka kahit ano pa sya gagawin mo ang lahat. Hindi dahil mas guwapo at mayaman sila iba kung ikaw naman ang mahal nya diba?"
"Kahit saan ko naman tingnan malabo syang magkagusto sakin. Tingnan mo naman ako simple lang at walang maipagmamalaki." Hirap maging nobody sa paningin ng mga taong nasa paligid mo.
BINABASA MO ANG
My Ordinary Love Story (Ongoing)
Teen FictionHighest Rank #2 @kiligvibes Si Kyle ay isang simpleng binata na na-inlove sa isang pambihirang babae. Sa kabila ng kanyang pagkatao pinilit nyang iwasan ang kanyang nararamdaman para rito. Pero makakaya nya kaya yun? Kung sa paglipas ng panahon lalo...