CHAPTER 10
Julian's POV
"Huy ano bang sinisilip mo jan? Lika ka na ano ba." Parang sira si Clark panay ang lingon sa likod namin.
"Kasi feeling ko may lalaki na sumusunod satin."
Lalaking sumusunod samin? Baka naman guniguni lang nya. Kahit kailan praning talaga tong si Clark.
"Asan ba?" Tanong ko tapos tumingin ako sa paligid.
"Ayun sa may kanto nakatagilid, naka cup tapos itim na jacket. Hindi ko makilala yung mukha eh. Baka ikaw kilala mo." Ako? Ibig sabihin kung kilala ko ako ang sinusundan. Tanga hindi sa ganun yun kala ko pa naman matalino tong kasama ko. Pero dahil ayaw ko mag talo kami sa utak ko nalang sya sasabihin ng tanga.
"Tika wag kang li-lingon hayaan mo sya."
Parang kilala ko yung pangagatawan nun, payat na maputi. Familiar yung bag nya parang nakita ko na somewhere or maybe not.
"Lalapitan ko baka isa lang yan sa may gusto sakin. Wait lang." Pinigilan naman ako ng isang to. Tatanungin ko sana kung bakit kami sinusundan hindi kaya masaya feeling kapag may taong ganun sa paligid mo. Based on experience from my dearest family, nag hire ba naman ng private investigator. Nalaman tuloy nila na kasama ko palagi si nerd na Kyle kaya nga iniiwasan ko na.
"Wag na baka ako sinusundan, baka may nakakahalata na. Sana hindi padala ni Daddy."
"Hala ka umakto ka ng ayos bilis baka hindi kumbinsido ang daddy mo na may girlfriend ka na."
"Oo nga eh."
"Tara bili tayong popcorn bago bumili ng ticket. Hayaan mo hindi ka nya mahahalata gagalingan ko din."
Pumasok kami ng sinehan tapos umupo syempre, yung lalaking sumusunod hindi ko na napansin. Baka tumigil na tapos umuwi na buti naman nahihirapan na akong magpanggap. Kung hindi lang talaga may gusto akong patunayan hindi ako papayag sa proposal ng katabing kong to.
Ganito kasi yun gusto nya akong maging girlfriend na fake hindi ko alam kung hanggang kailan. Basta hanggang makaalis lang daw yung Mom and Dad nya papuntang Germany. Tinanong kung kailan hindi daw nya alam basta daw malapit na. Then in return gagawin nya lahat ng gusto ko baliw ko diba. My friends doesn't know how crazy I'm doing. Basta sekretong malupit lang namin tong dalawa ni Clark.
"Feeling ko wala na yung sumusunod satin. Tingnan mo may nakikita ka ba?" Lumingon sya sa likod namin wala naman yung lalaking naka cup kanina. Baka hindi na pumasok sa sinehan walang pambili ng ticket, poor spy.
"Parang wala na nga, bitawan mo na ako." Kanina pa kasi ako nakakapit kamay ko sa braso nya.
"Alam mo sagad sa buto pagka allergic mo sa babae. Para hawak lang sa braso buti si Kyle kahit yakapin ko ayos lang."
"You mean yung classmate natin na nerd?" Tumango ako kasi si Kyle na classmate naman talaga namin ang tinutukoy ko.
"Seryuso? Bakit naman napasok sa usapan ang lalaking nerd na yun aber.?
"Ano kasi- basta wala ka na dun."
"Dami ng lalaki dun pa, pagtatawanan ka sa school kapag nalaman nila na may gusto ka sa lalaking yun."
"Sinong may sabi na gusto ko sya? Para nababaitan lang ako sa tao gusto agad?"
"Pero namimiss mo? Iba na yan, I smell something. Haha"
"You're crazy, isipin mo kung anong gusto mo. Basta ako wala lang sya parang kaibigan lang sya sakin.""Bakit defensive ka? Nagtatanong lang ako diba." Ako defensive hindi no, totoo naman na wala akong gusto sa lalaking yun. Over my dead gorgeous body.
BINABASA MO ANG
My Ordinary Love Story (Ongoing)
Подростковая литератураHighest Rank #2 @kiligvibes Si Kyle ay isang simpleng binata na na-inlove sa isang pambihirang babae. Sa kabila ng kanyang pagkatao pinilit nyang iwasan ang kanyang nararamdaman para rito. Pero makakaya nya kaya yun? Kung sa paglipas ng panahon lalo...