PROLOGUE

160 3 0
                                    

Kyle's POV

Tahimik akong naglalakad sa hallway pabalik sa room ko. Busy ako sa cellphone ko habang tinitingnan ang mga photos ng ultimate crush ko na artista sa Instagram.

"Ang ganda niya talaga."

Nakangiti ako habang naglalakad hindi ko pinapansin ang nilalakaran ko. Hindi pa lumilipas ang dalawang minuto may bumangga sakin. Sa subrang lakas muntik na akong matumba at ang bumangga sakin. Mabilis ko syang sinalo para hindi mahulog sa sahig, sa puntong yun tumigil ang paligid ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

Nakita ko ang babaeng hindi karaniwan ang ganda parang anghel. Laglag ang buhok nya mahaba ang mga ito, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong at subrang ganda ng labi nya. Nakatitig ako sa mata nya at ganun din sya, umalis sya sa kandungan ko at pinulot ang dala nyang mga gamit. Nag sorry ako pero hindi nya ako pinapansin at nilampasan nya lang ako. Maya-maya may narinig akong salita galing sa kanya habang papalayo sa akin at nakatalikod.

"Tatanga-tanga kasi. Tsk" Galit ba sya?

Nahulog ang index card nya kaya pinulot ko. Binasa ko at nakasulat ang pangalan nya 'Julian Kate Chavez, 14 years old, Grade 9 - A'.

Ako si Kyle Hernandez, 14 years old at Grade 9 student. Sa puntong ito na love at first sight ako. Paano kaya kung malaman nyo na hindi ako tulad ng ibang character sa mga ibang story na nababasa nyo. Yung tipong ang mga lalaki ay gwapo, hot, matalino, heartthrob at sa personality naman di ako talented, hindi rin ako sporty masyado I only play basketball pero hindi ako magaling.

Samantalang ang babaeng gusto ko si Julian. Maganda, mabait, talented at mahilig sya sa sports dahil siguro mayaman sya kaya kaya nyang gawin lahat. Kulang ang salita para ilarawan sya. Samantalang ako wala ako sa kalingkingan nya because she's almost perfect in all way.

Tanggap ko umpisa palang na walang-wala ako kumpara sa kanya. Inakala ko na hindi magugulo ang mundo ko. Pero nagbago ang lahat mula noong makilala ko sya at naging malapit sa kanya. Ang babae na nagpatibok ng puso sa hindi inaasahang pagkakataon. Oo na-love at first sight ako at ang masaklap sa maling tao pa.

Kahit na pangit at mahirap lang ako may pag-asa kaya na magustuhan din ako ng maganda at mayaman gaya nya?

[A/N: I accidentally deleted some chapters because I'm bored writing this book. Luckily I have backup so I just editing it right now and soon I'll post the whole story . That's it keep supporting my story, comments and votes will be highly appropriated. Love KLP~]

My Ordinary Love Story (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon