CHAPTER 4
3rd Point of View
Pumasok si Julian sa room at hinanap nya si Kyle dahil sa sulat na iniwan nito sa locker nya. Balak sana nya itong tanungin kong ano yung gusto nitong sabihin para hindi na sya mag-abala sa pagpunta sa Lumang Science Lab Room. Pero hindi nya ito nakita inisip nya nalang baka late ito papasok..
Sa kabilang banda nag-uusap ang dalawang kaibigan ni Kyle.
"Dude sa tingin mo nabasa kaya nya yung letter." Tanong ni Bryan sa kaibigan.
"Siguro, kasi tingan mo hinanap nya kanina si Kyle. At isa pa nakita kung tumingin sya sa upuan ni Kyle. Pupunta sa dun at dapat andun tayo para suportahan ang kaibigan natin."
Napangiti sila sa masama nilang balak sa kaibigan at sa crush nito na si Julian. Sila ang gumawa ng letter at inilagay sa locker ng dalaga. Sinigurado nila na mababasa ito ng dalaga dahil malaki ang sulat at ipinailalim nila para hindi matapon at para mabasa ito ng dalaga.
Dumating si Kyle kasabay ang guro nila at nag simula na ang klase nila. Nawala naman sa isip ni Julian na tanungin si Kyle dahil abala sya sa pakikinig sa guro.
Samantalang si Kyle naman walang ka alam alam sa mga nangyayari. Uuwi na sana si Kyle kaya lang inaya sya ng mga kaibigan. Malas dahil alas dos sila lumabas ngayon dahil wala ang teacher sa last subject nila. Kumain sila at si Bryan ang taya sa labas ng school. Nagtaka naman si Kyle kung ano ang nakain ng dalwa at nagawa sayang ilibre ng nga ito.
Nasa labas na si Julia ng school pero wala pa rin ang sundo nya. Palaging kuya nya ang sumusundo sa kanya pero busy ito sa girlfriend nya. Kaya naman family driver nila ang susundo sa kanya ngayon. Gusto nyang magalit sa Kuya nya dahil dalawang Linggo palang naman sila ng girlfriend nito pero mas parang ito pa ang priority nito.She sighed. "Asan ba yun bakit antagal naman. Text ko na nga baka na traffic lang. " Naiinip na sya sa kakahintay sa labas ng school ayaw nya ng ganito.
Hinanap nya ang phone nya sa bag pero iba ang nakita nya. Yung sulat ni Kyle saka nya naalala na hindi pala nya ito natanong kanina sa klase kasi nawala sa isip nya.
Naiisip nya na pumunta nalang sa lugar na nakasulat sa papel total wala pa naman ang sundo nya. Gusto nya marinig ang kakornihan ng binata. Naiisip nya na baka magtatapat ito ng sa kanya. Hindi na bago sa kanya yun pero naging interesado sya kay Kyle dahil hindi nya alam na mag ganoong side pala ang binata. Parang natatawa na agad sya habang iniisip ang sasabihin nito sa kanya.
Nang makarating sya sa third floor ng building nagdalawang isip sya na pumasok sa loob ng silid. Wala kasing studyante dumadaan dito ng madalas. May rumor kasi na may multo daw sa science lab na nasa pinaka dulo na nasa harapan nya ngayon. Pero naiisip nya na andun naman siguro si Kyle at hinihintay sya kaya tumuloy parin sya kahit kinakabahan.
"Kyle.! Asan ka wag ka na magtago? Labas na dyan, andito na ako... Diba may sasabihin ka..?" Natatawa na sabi nya habang hinahanap si Kyle sa bawat kanto ng room. Nawala sa isip nya ang takot na kanina ay nararamdaman. Lumakad sya para libutin ang buong room, karamihan ng narito ay mga lumang science equipment. May nakita sya sa may bandang dulo hindi nya makita ng malinaw kung sino ito kaya lumapit sya.
"Manikin lang pala." Buong akala nya ay tao ang nakita.
Nilibot nya ang buong room bawat sulok pero bigo sya na makita si Kyle. Yung ngiti sa mukha nya dahil sa excitement ay naglaho hindi nya akalain na magagawang syang lokohin ni Kyle. Knowing him alam nya na hindi ganitong klaseng tao. Mali ang akala nya nakaramdam sya ng inis para kay Kyle.
BINABASA MO ANG
My Ordinary Love Story (Ongoing)
Teen FictionHighest Rank #2 @kiligvibes Si Kyle ay isang simpleng binata na na-inlove sa isang pambihirang babae. Sa kabila ng kanyang pagkatao pinilit nyang iwasan ang kanyang nararamdaman para rito. Pero makakaya nya kaya yun? Kung sa paglipas ng panahon lalo...