CHAPTER 10: Spying

20 1 0
                                    

CHAPTER 10

Kyle's POV

Kamuntikan na akong ma-late buti nalang ginising ako ni Mama kaninang umaga. Dali dali akong na ligo hindi na ako kumain ng agahan sa school nalang siguro. Wala pang luto si Mama pambihira na puyat daw sya sa teleseryeng pinapanood nya tapos si Kuya ayun tulog pa rin. Aba talagang pinabayaan na nila ako, nagtatampo na ako.

"TABI!" Sigaw ng mga lalaki sa likod pero huli na kasi nabangga na nila ako. Naglalakad kasi ako sa hallway tapos lutang ako kaya ayun natumba ako at napaupo sa matigas na semento. Yung ibang mga studyante nagtatawanan pa mga walang puso.

Lumapit naman yung nakabangga sakin tapos iniabot yung kamay nya para tulungan akong tumayo. Aba mabait naman pagkatapos nito hihingi sya ng tawad. Kukunin ko na sana yung kamay nya tapos bigla nyang binawi. Napahiya lang ako tapos yung isa nyang kasama pinulot yung bag ko tapos ikinalat yung laman. Mga walang hiya kung kaya ko lang silang upakan talagang makakatikim sila sakin.

"Yan ang dapat sayo, muntikan na akong tumama sa poste sa katangahan mo."

"Labo na nga ng mata, bingi pa."

Nagtitimpi lang ako sa mga kumag na to, pasalamat sila nasa school kami. Kapag nagdilim paningin ko babaliin ko mga buto nila. Pero syempre biro lang yun. Mabait ako swear to God.

"Tara na hayaan na natin ng lampa na to." Ngumisi pa yung isang ungas, sino ba kasing nagsabi na pwedeng mag skate na school na to. Bago umalis nginitian ko lang sila, sabi nga nila mahalin mo ang kaaway mo. Patawarin nalang natin sila kasi masamang magtanim ng sama na loob.

Iniwanan akong nakaupo kaya tumayo ako at pinulot ang iilang notebook na laman ng bag ko. Habang lumalakad may mga nakatingin yung iba nag uusap at nagbubulongan halata naman na ako pinaguusapan nila. Oo na, nakakahiya ako at lampa.

Dumiretso ako sa Canteen para bumili ng sandwich at Juice ng makita ko sa gate si Julian kasama nanaman yung Clark na yun. Ano bang meron sila nagkakamabutihan na siguro sila. Kung alam mo lang Julian na subra akong nasasaktan. Hay Kyle hindi lang ikaw may crush sa kanya isipin mo yung iba na may gusto sa kanya malamang nasasaktan din. Hindi nalang ako tumuloy sa Canteen baka mabato ko ng plastic bottle yung Clark na yun. Nakangiti pa kay Julian tapos si Julian ganun din, malalanding nilalang. Magsama sila akala mo tong si Julian hindi ko niligtas dati walang utang na loob dapat ako ang kasama nya. Pero kung ako sa lugar nya baka hindi ko rin isama ang katulad ko kasi nakakahiya. Pangit na nga boring pa kasama. Mas bagay sila parihas silang gwapo at maganda.

Bago tuluyang masira ang araw ko kahit sira na kanina pa dahil sa dalwang skater na yun, umalis na ako at pumunta sa classroom ko.

"Anong problema Kyle? Bakit may galos siko mo?" Tanong sakin ni Kirby tiningnan ko sya himala wala pa si Bryan kadalasan sabay silang narating sa school kasi sama subdivision sila.

Hinawakan ko naman yung siko ko ay masakit nga siguro dahil s pagkakaupo ko sa hallway nagka galos ako.

"Wala to, si Bryan bakit wala pa, Late?"

"Hindi daw papasok kasi may family vacation sa Batangas tatlong araw ata."

"Ganun ba?"

"Hindi ka talaga nagbabasa sa GC natin kupal ka. Remove ko kayong dalawa ni Bryan mga wala kayong kwentang kausap." Masungit na sabi nya parang matandang babae pagkatapos nag-iwas ng tingin sakin at tumingin sa malayo.

"Alam mo na ba yung balita?" Bumalik tung aura nya kanina talagang malaki sira sa utak. Kala ko sa babae lang uso ang mga tuyohin sa lalaki din pala.

"Balita tungkol saan?"

"Ayy hindi mo nga alam." Kung hindi lang matalino si Kirby iisipin ko talaga may sira sya sa ulo. Magtatanong ba ako kung alam ko yung balita, talaga palang may matalinong tanga.

My Ordinary Love Story (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon