CHAPTER 7
Kyle's Point of View
Lunch break ngayon pero hindi ako nagugutom. Wala ako sa mood mag lunch kaya sabi ko kila Bryan hindi muna ako sasama sa kanila.
Papunta ako ngayon sa library para magbasa-basa kahit hindi ko trip. Kailangan ko mag-aral ng mabuti ayaw ko maging kahihiyan katulad kanina. Nag quiz kami sa history at hindi ako nag-review sa bahay. Most of the time naglalaro lang ako ng video games o kaya movie marathon.
Kanina during quiz wala akong maisagot kaya expected ko na bagsak talaga ako pero ang mas masaklap pinagtawanan pa nila ako. Ngayon nagsisisi na ako na napunta ako sa section A. Ang yabang nila buti nalang yung dalawa kong kaibigan at si Julia hindi nag react sabi nila Bryan bawi nalang ako next time.
Talagang babawi ako hindi pwede na mapahiya ulit ako kay Julian. Baka isipin nya pa mahina ako ay walang ibubuga. Hindi ko alam pero feeling ko kailangan ko magpa impress sa kanya.
"Kapal ng mukha mong landiin ang boyfriend ko. Nagpapa-cute ka pa anong akala mo hindi ko makikita yung kalandian mo?" Hindi ko ugali makinig sa mga ganyang usapan. Tiningnan ko yung babae kawawa naman sya. Kahit malayo alam ko na nahihirapan at nasasaktan nya.
Nakadapa sya habang ang babae at hawak ng babae ang buhok nya. Hindi ko makita ang mukha nya masyado dahil natatabunan ng buhok nya ang mukha nya.
"Ouch! Ano ba bitiwan mo ko. Hindi ko alam ang sinasabi mo!" Galit na sigaw nito sa babaeng may hawak ng buhok nya.
Hindi parin nya matanggal ang pagkakakapit ng babae da buhok nya. Umangat sya kaya nahawi ang buhok na nasa mukha nya. Doon ko lang nakilala kong sino ba talaga sya. Bigla akong nakaramdam ng galit at takot. Galit dahil sa ginagawa sa kanya at takot na baka hindi ko sya magawang ipagtanggol. Pero hindi ako nagdalawang isip na lumapit parang hindi naman ako lalaki nito. Kailangan ko syang tulungan kahit na ayaw ko masangkot sa gulo. Kung hindi ako ang tutulong sino?
"You deserve this at kulang pa yan." Muling sabi nito at sinampal sya gamit ang isa pa nitong kamay. Pasimple akong lumapit para sana tulungan sya pero hindi ko alam ang gagawin ko. Ayaw kong manakit ng babae.
"Anong tinitingin-tingin mo?" Galit na tanong ng babaeng sakin. Masama ang tingin nya pero imbes na sa kanya ako tumingin sa babaeng sinasabunutan nya ako tumingin. Tama ang hula ko sya nga to pero bakit? Bakit nakikipag-away sya? Tumingin din sya sakin pero yung mga tingin na nagmamakaawa. Don't worry andito ba ang bayaning magliligtas sayo.
"Ano... Ah.. Bi-bitiwan mo sya.." Ano ba to bakit nagpapa-sindak ako sa babae na to. Wag mong sabihing natatakot ako kasi naman parang nakakamatay yung tingin nya.
"Wag kang makialam dito na pangit ka. Wag mong ipagtanggol ang malanding babae na yan." Tinawag na nya akong pangit tapos tinawag pa nyang malandi ang crush ko. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na parang matagal ng hinahanap hanap ng katawan ko.
"Anong sabi mo?... Ulitin mo sinabi mo?..." Galit na sigaw ko sa babae, wag nyang pilitin na saktan ko sya. Mukang hindi ko na kontrolado ang sarili ko ngayon. Magagawa ko bang manakit ng babae?
"Ang sabi ko malandi—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ng babae sasaktan ko na sana pero may kamao na biglang tumama sa mukha ko. Ang sakit nun feeling ko putok ang labi ko hinawakan ko ang ang labi ko at may nakita akong dugo. Kakaiba ang naramdaman ko ng makita ko ang malapot at kulay pula kong dugo.
Tiningnan ko ang lalaki na bagong dating at biglang nagdilim ang paningin ko.
"Babe okay ka lang? Bakla ka ba papatol ka sa babae. Sakin ka lumaban bakla—" Hindi na tapos ang sasabihin ng lalaki nakahilata na sya sa damuhan at walang malay. Kung anong nangyari hindi ko rin alam. Alam ko na ako yung may gawa pero anong ginawa ko? Binitawan ng babae ang pagkakahawak nya sa buhok ni Julian at pumunta sa boyfriend nyang walang malay.
BINABASA MO ANG
My Ordinary Love Story (Ongoing)
Teen FictionHighest Rank #2 @kiligvibes Si Kyle ay isang simpleng binata na na-inlove sa isang pambihirang babae. Sa kabila ng kanyang pagkatao pinilit nyang iwasan ang kanyang nararamdaman para rito. Pero makakaya nya kaya yun? Kung sa paglipas ng panahon lalo...