CHAPTER 15: Fight for Love

14 1 0
                                    

CHAPTER 16

Habang nanonood sa paligid at nag-iisip ng gagawin. Hindi ko namalayan ng pumapatak ng pala nga ulan sa paligid. Wala akong masilungan, hirap na hirap ako ng buhatin at hilahin ang bag at maleta ko. Mali ba ang desisyon? Tanong ko sa sarili ko pero lagi lang sagot nito tama ang ginawa ko.

"Ale mag kano po ito, yan pong kulay orange na bilog bilog.?" Tanong ko sa ale na nagluluto ng kung ano sa kawali basta alam ko nagtitinda sya.

Dito ko naisipan na makisilong pero nakakahiya naman kung hindi ako bumili kaya tinanong ko kung ano ang niluluto nya kahit parang hindi masarap bibili ako wag nya lang akong paalisin dito.

"Ito bang kwek-kwek? Tatlong peso ang isa."

"Kwek-kwek? Masarap po ba yan?"

"Aba Oo ito atang tindahan ko ang mag pinaka masarap na kwek-kwek."

"Ganun po ba. Pabili po ako ng limang piraso."

"Sige neng sandali lang"

"Lumayas ka no? Naku mahirap yan halata sa balat mo na mayaman ka. Sanay ka ba sa ganitong lugar?"

"Hindi po eh. Bakit po?"

"Talamak ang holdapan at rape sa lugar na'to. Kung ako sayo umuwi ka nalang sa inyo kasi delikado ang lugar na ito lalo na sa gaya mong maganda."

"Sigurado ho kayo?"

"Oo naman limang taon na akong nagtatrabaho dito. Kung sana lang pwede kitang tulungan tutulungan kita kaso kita mo naman ito lang hanapbuhay ko. Pinagkakasya ko pa ang kita ko rito para sa  sampu kong anak."

"Naku salamat nalang po, may mahihingan naman po ako ng tulong. Maraming salamat po sa concern nyo."

"Oh heto kwek-kwek mo wag mo ng bayaran."

"Naku salamat po."

"Walang anuman neng, sana lang bumalik ka na sa bahay nyo. Kasi ako lumayas din ako at alam ko ang hirap."

Tumigil na ang ulan kaya umalis na ako sa tindahan ni Manang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang nga kaibigan ko para humingi ng tulong. Pero hindi sumasagot nakailang missed calls na ako pero wala talaga. Hanggang sa naisipan ko maglakad lakad habang kinakain ang kwek-kwek daw na binili ko. Nasa tabi na ako ng highway ng makarinig ako na busina ng sasakyan.

"Julian.!"

"Troy? Anong kailangan mo? And what are you doing here?"

"Your Dad wants me to bring you home. Come on iuuwi na kita."

"No. Hindi ako uuwi, hindi ako sasama sayo." Matigas kong sabi dito at binilisan ang paglalakad.

"Wag ng matigas ang ulo, sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo?"

"Sinabi ng ayaw ako eh, umalis ka na nga. Hindi kita kailangan."

"Ahh ganun. Antayin mo jan inuubos mo pasensya ko ha."

"Shït, stop running."

"What's the matter with you?"

"Wag kang pa ingles-ingles sa lugar na to pare. Baka gusto mong saamin ka samin at ang babaeng yun "

"Padaanin niyo ako. Shit, Julian bumalik ka rito."

Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Troy basta takbo lang ako ng takbo sa madilim, makipot at maduming eskenita. Hindi pa ako nakakalayo ng harangin naman ako ng grupo ng kabataan. Pinalibutan nila ako at tinutukan ng matulis na bagay. Hindi ko alam ang plano nila, hindi ko alam kung gaano sila karami. Yung isang pinaka matanda ang lumapit sakin at hinila ang bag ko. Hindi ako pumayag kaya itinulak nya ako para kumuha ng pwersa para makuha ang bag pero hindi ko parin binibitawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ordinary Love Story (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon