CHAPTER 9
Grabi ang araw na to daming nangyari, yung sa babae saka yung basketball at rambol kanina. Parang napagod ako ayun mabagal tuloy ako maglakad kasi parang gusto ko na magpahinga. Hindi yung pahinga na parang patay habang buhay namamahinga. Gusto ko matulog tutal alas kwatro palang sakto gigising nalang ako ng ala sais para mag saing tapos maglalaro na ulit ng ML.
Papasok na ako ng village namin ng makita ko si Aling Linda nanay ni Tinay. Dala si Chuchu yung maliit nilang tuta hindi ko Alam kung anong lahi tawag dun.
"Ohh ngayon ka lang ba uuwi? Pinapasabi ng Mama mo na mamaya pa daw syang eight uuwi." Sabi aling Linda sakin.
"Ganun po ba. Nga po pala asan po si Chichi bakit hindi po kasama ni Chuchu?" Si Chichi kapatid ni Chuchu lalaki at babae sila na parihas maliit tapos malago ang balahibo.
"Ahh dinala kasi ni Tinay sa Manila sa Auntie Sharon nya."
"Ano naman pong gagawin ni Tinay sa Maynila?"
Ano naman gagawin ni Tinay baka maligaw sya dun. Baka magbabakasyon lang sya tapos babalik din.
"Lumipat kasi sya school kaninang Umaga sya umalis, gusto nya sanang magpaalam sayo kaya lang wala ka."
"Sayang naman po, hayaan nyo tatawagan ko nalang po mamaya."
"Sige mauna na kami sa iyo gusto maglakad ni Chuchu eh."
"Sige po. Bye Chuchu laro tayo next time." Lumuhod ako kay Chuchu at hinimas nag ulo nya. Tumahol naman sya sakin ibig sabihin payag sya maglaro kami.
Nag iba na kami ng landas ni Aling Linda baka sa Plaza ang punta nila. Samantalang ako syempre sa bahay na iintayin ko nalang sila Mama at Kuya sa bahay.
Sa subrang pagod at antok ko humiga na ako sa kama at hindi na nagpalit ng damit.
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko alas sais na pala ang bilis naman. Dali dali akong nagpalit ng damit tapos lumabas ng kwarto para magluto ng bigas para maging kanin. Pagkatapos pumunta ako sa maliit namin sala para manood ng tv.
"Bunso andito na ako." Nagtanggal si Kuya ng medyas saka sapatos buhat yung Jollibee na paper bag. Paborito ko fries nila saka yung fried chicken nila. Isa pang Chicken Joy.!
"Kita ko nga kuya, pasalubong ko?" Kahit nakikita ko na tinanong ko parin ang gulo ng mundo. Itinaas naman nya yung paper bag saka pumunta sa kusina para ipatong ito sa lamesa.
"Andito po ohh, lika sa kusina bumili din ako na Coke saka burger." Yun sarap ng Yumburgers nila may bonus pang coke.
"Wow galante kuya ko ngayon. Galing ba sa ka date mo lahat to?" Biro lang yun paano kapag may nililigawan sya dati, sya yung nililibre ng babae baka nga ginayuma yun ni kuya.
"Hindi ahh bili ko lahat to galing sa sarili kong bulsa."
"Nakita mo ba si Mama sayang dami kasi ng binili mo?
"Nakita ko si Mama kanina nakatambay dun sa sugalan baka mamaya pa yun uuwi."
Naging libangan na ni Mama ang pagsusugal simula ng nawala si Papa pero maliit lang naman tayaan dun bawal kaya yun kaya sekreto lang nilang makakapit bahay.
"Ayy kuya diba sa Xander Academy ka din ng College?"
Oo dun sya nag-aral actually Cum Laude sya dun sa kursong business administration. Galing nya no pero hindi halata kasi mahina ang utak minsan. Syempre magkapatid kami kaya kapag mahina ako dapat sya din.
"Oo, kaya nga dun din kita ini enroll eh, bakit?" Pilosopo. Sumobo muna ako ng fries saka uminom ng Coke mahabang usapan to.
"Kasi may Babae akong nakausap kanina May yung pangalan nabanggit nya sakin pangalan mo. Baka naman nagkataon lang." Panimula ko sumeryuso naman yung mukha ni kuya tapos tumitig sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Ordinary Love Story (Ongoing)
Genç KurguHighest Rank #2 @kiligvibes Si Kyle ay isang simpleng binata na na-inlove sa isang pambihirang babae. Sa kabila ng kanyang pagkatao pinilit nyang iwasan ang kanyang nararamdaman para rito. Pero makakaya nya kaya yun? Kung sa paglipas ng panahon lalo...