[30] Try me not!

187 15 2
                                    

CHAPTER 30

Try me not!

Kei’s POV

            Break na at kaya naman sa labas ng laboratory kami nakatambay. Ay mali ako lang pala. Alone ako, always naman eh, napag-iwanan na naman ako ng mga baliw kong kaibigan.

“POK!!!!”

“Ay tae masakit” sigaw ko ng tumama sa ulo  ko yong bola. Lumingon ako para makita kung sino yong nambato saken ng maipakain ko to sa kanya, ang sarap sarap pa naman ng kain ko ng ice cream tapos biglang kumalat sa mukha ko ng tumama saken ang bolang yon. Oh noh my ice cream.

“Hey throw the ball here” maangasna utos ni Mr. Antipatiko. Matagal kong tinitigan yong bola. Nag iisip pa ako kung ibabato ko ba sa mukha niya o itatapon ko sa may ground yong bola para mapagod siya sa pagkuha, bale  na sa 5th floor kami ng school namin at hindi ko alam bakit dito nila naisipang magbatohan ng bola,feel nila nasa field sila, dun sila sa may court ang lapad ng place, naiistorbo tuloy ang pagkain ko ng ice cream.

“Shit! Stupid girl with white panty, hurry and throw the ball here” sigaw niya ulit nagsihalakhakan naman yong mga kalaro niya. Aba hindi rin makapal ang mukha ng lokong to, grabe na nga makautos minumura pa ako, hello I’m not your mochacha slah alipin slash maid slash yaya slash katulong slash kasambahay na pwede mong utusan ,hmppp, manigas ka. Inapakan ko lang yong bola tapos pinunas yong kumalat na ice cream sa mukha ko, yak dungis kong kumain. Pinulot ko yong bola tapos tinapon sa may basurahan buti nalang malapit lang yong basurahan, ako na tamad eh. HEHEHEHE. Tiningnan ko si Mr. Antipatiko, halos magsalpukan ang kilay niya, yong mga tingin niya grabe nakakatakot. Tinubuan na naman siya ng sungay at buntot tapos may hawak siyang scythe para tuloy siyang shinigami na panget. Hehehehe pero joke lang.

“You want the ball? Come and get it” nakangisi kong sabi sa kanya then lick the ice cream, ayyy ubos na pala, I want more.

Naglakad siya papunta sa kinatatayuan ko. Naku wag kang lalapit ampogi mo pa naman ngayon baka mamelt ako tulad ng ice cream kanina. Naku ano ba tong iniisip ko. Totoo naman eh grabe ang kapogian niya ngayon kung hindi lang sana galit mukha niya baka naglaway na ako, ang hot niya kasi, yong polo niya inalis niya kaya naman nakafitting white shirt lang siya, yong lapad ng katawan niya at yong anim na pandesal kitang kita, jusko tama na ang pagdescribe baka maglaway din kayo. Lumapit siya ng lumapit hanggang sa wala na akong maatrasan. Nasa pader na pala ako nakasandal tapos sinandal niya yong isa niyang kamay sa pader kaya nacorner ako. Di ako makatingin ng deretso sa kanya kaya tingin ako sa ibang dereksyon. Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at iniharap sa kanya. Ang puso ko naipako ko sa aorta at iba ko pang blood vessels baka kasi tumalon kawawa naman ako mawawalan ng puso buti naman kung sasaluin niya.

“Sinusubukan mo ba pasensya ko?” bigla akong nanlamig  sa tono ng boses niya. Tapos ang lapit lapit pa ng mukha niya. Layo ka pwede baka mahalay kita dito. Naku sarili ko magtigil ka sa kalandian mo akala ko ba wala siya sa listahan ng magiging Romeo mo bakit panay pagnanasa mo sa kanya. Tigil na pwede.

“Tch!” narinig kong sabi niya sabay tinanggal yong kamay niya sa pader tapos kinuha yong bola sa basurahan. Yuck! Eww! Madumi na kaya yon akala ko pa naman maarte ang antipatikong yon.

“Ab----------aaaaaraaaaaaaayyyyy” tama bang ihagis niya sa mukha ko yong maduming bola? Ewww ang baho kaya nun.

“Serves you right, you’re worse than a trash” nakasmirk nitong sabi sabay talikod. Ouch! Sakit ng banat mo, you hit me! Mas masakit yong mga salitang yon kesa sa tama ng bola sakit. L Bakit ba napakasadista mo? You’re so cruel, rude, bwisit ka! Maulanan ka sana ng bola at mamatay. Grabe ang sama ko mamatay agad.

Juliet hunts Romeo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon