[32] RAVEN

251 15 8
                                    

CHAPTER 32

RAVEN

KEI’s VOICE

Lub dub lub dub lub dub lub dub hindi yan tunog ng puso ko, tunog yan ng maniquiene na nasa harap namin ngayon. Anatomy klase namin ngayon kaya inip na inip na ako, puro organs nasa harap ko, may lungs, intestine, liver at kung anu-ano pa, gusto kong ihulog sa bintana itong terror naming titser para makaalis na kami, may date pa naman ako after class. Teka puso wag kang tumalon, wag excited relax ka lang. Igagapos ko na tong puso ko sa may chest ko para di makawala. ^o^

KRING KRING KRING

Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko pagkarinig ng bell, parang may sunog nagsisiunahang makalabas dito hahahaha. Ako man din ay napatalon at dali daling tumakbo papuntang CR, ng bigla akong hilain ni Nadezha. Tiningnan ko siya ng WHAT NOW LOOK with matching taas kilay.

“Oh ito” may inilagay siyang maliit na bagay sa palad ko. Binasa ko yong nakasulat

“TRUST CONDOM” halos maluwa ako, tapos tiningnan ko siya ng PARA SAN LOOK! Bago pa man siya nakasagot may asungot na lumabas sa kung saan.

“Ano yan?” si Zeca na lumapit sa amin, agad kong natapon sa basurahan yong bagay na yon. Tapos pinandilatan si Nadezha na tatawa tawa.

“May hindi ba ako alam?” si Zeca na may malaking question mark sa mukha.

“Ah wala wala” si Nadezha. Tapos tiningnan lang siya ni Zeca na puno ng pagtataka.

“Diba may date ka?” si Leanne yon. Si Vera nakatayo lang sa may gilid, ganyan naman yan eh di nagsasalita, sayang daw laway niya. Ahahahaha

“Goodluck” tapik ni Leanne saken.

“OA niyo” sabi ko sabay pumasok sa CR para mag-ayos.

“Naku nagdadalaga kana” si Nadezha.

“Ikaw pinakabata landi landi mo na” si Zeca na nakatingin saken habang naglalagay ako ng pulbo sa mukha, binuga ko sa kanya yong natirang pulbo, kaya ayon uubo ubo siya.

“Meanie” sabi nito na ngumuso, sarap putulin ng nguso niya.

“Kelan kaya ako ide-date ni SASUKE” sabi nito na nag-ayos din ng buhok niya, inayos niya yong malalaking laso sa buhok niya mukha talaga siyang manika na tyanak. Ahahahhah peace!

“Una na ako, wag kayong magulo hah” paalam ko at dali daling bumaba sa hagdan. Di na ako nag-elevator, basta excited ako eh.

“Madapa ka sana” si Zeca na sumigaw lakas ng radar ko naririnig ko parin siya.

“Salamat ” sarkastika kong sabi.

Kanina pa ako nasa mall at nag-aantay sa manok na yon, ngunit ni tuka niya di ko nakita, pag nakita ko siya babalatan ko talaga siya tapos iihawin. Yummy may lechon Kirk-chicken na ako. Tssss I hate waiting.

10 minutes

15

20

25

30

35

40 minutes

45

50

1 hour

1 hour 30 minutes

Halos madikit na yong ulo ko sa kamay ko sa kakatingin sa wrist watch ko, kanina pa ako nag aantay sa wala, hindi naman kaya maling mall ang napuntahan ko? Baka naman hindi ngayon yong date namin, o baka masyado akong napaaga. Binasa ko ulit yong text niya.

Juliet hunts Romeo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon