[31] Binugbog na Itlog

190 16 8
                                    

Chapter 31

Binugbog  na Itlog

KEI’s VOICE

“Gutom na ako” reklamo ni Nadezha habang hinihipo ang tyan.

“Palagi ka nalang kumakain, ang noo mo lang ang lumalaaarrrrrrraaaaaaaayyy” agad na pinukpok ni Nadezha ang ulo ni Zeca gamit ang libro nito.

Nasa bahay kami nila Zeca tumambay, gumawa kasi kami ng project malapit ng mag-alas otso at hindi pa kami nagdidinner.

“Magluto tayo” si Vera na seryoso, inayos pa ang salamin nito. Kuminang ang mga mata namin ni Zeca, para kaming mga bata na biglang na-excite.

“Dinadalangin ko lang na hindi masunog ang bahay na to” si Leanne na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng Forbes magazine. Tumawa lang si Nadezha na katabi nitong nanunuod.

Nag-unahan kami ni Zeca papuntang kusina, si Vera naman ay nagsuot ng apron, bagay na bagay siyang katulong este yong apron bagay sa kanya, well guess what dahil bahay to ni Zeca yong mga gamit puro kengkoy, mula plato hanggang sa kutsara, tinidor, plato,lamesa, upuan pati dingding feel ko nasa kengkoy world ako, teka wag kayong maingay, ayaw niyang tinatawag na kengkoy yong anime kasi iba daw yong kengkoy, bahala siya para saken isa lang yon, nag suot din siya ng apron tapos yong drawing ng apron niya ampogi may nakasulat na USUI TAKUMI siguro yun  ang pangalan ng anime character na nasa apron niya, yong saken tiningnan ko naku mas gwapo, KISE nakasulat tapos may bola pang bitbit may nakasulat din na kuruko no basket, naalala ko tuloy yong eksena kanina. Bwisit na bolang yon pati na ang antipatikong yon.

Galit pa kaya si Kirk saken? Grabe disaster ako Naku wag muna yan ang isipin mo ang isipin mo yong iluluto mo.

Tiningnan ko yong apron ni Vera tulad ng samen ni Zeca blonde din yong buhok, TAKISHIMA KEI yong nakalagay, teka bakit puro blonde ang mga lalaking to kapangalan ko pa yong isa KEI. Ang kwapo naman niya.

“Beat these eggs” poker face na sabi ni Vera sabay inabot ang mga itlog, tiningnan ko ito with all the sympathy at kalungkutan.

“Ipi-prito mo na nga sila ipapabugbog mo pa saken, wala kang awaaaaarraaaaaaaaayyyyy” bigla niya akong pinukpok ng ladle. Ngumuso lang ako, ang sakit kasi.

“Beat thoose or I’ll fry you, huwag kang utak bulinaw tssss” banta nito.

“Eh pano ko ba kasi to bobogbu----aaraaaaaaaayy nakakadalawa kana hah” sabi tapos lumayo sa kanya.

“Gusto mo ikaw bugbogin ko? Batihin mo na yan kung ayaw mong ikaw iprito ko” napakamaldita nitong utos

“Vera-nee ilang itlog ba ang bubugbogin natin? Isang tray ba?” si Zeca na hindi ko alam saan nakakuha ng boxing gloves tapos tinitigan ng masama yong mga itlog sa tray.

Araaaaayyy” nakatikim din siya kay Vera agad itong yumakap kay Leanne na papasok sa kusina. Ako naman ay napahalakhak.

“Mama si Vera namumukpok ng sandok” “sumbong nito with matching pout.

“Siguraduhin niyo lang na hindi tayo magiging abo mamaya hah”

“Baka pwedeng ilayo mo saken ang dalawang asungot na yan, bago ko pa sila matusta” si Vera na napakataray. Ngumiti lang si Leanne sabay hinawakan kami ni Zeca at kinaladkad papuntang sala.

“Wag niyo ng istorbhin si Vera, manuod nalang tayo” si Leanne, sumunod nalang kami total matalino naman ang babaeng yon kaya na niya lahat.

Juliet hunts Romeo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon