CH 1: Juliet!

616 48 12
                                    

CHAPTER 1

" Juliet.......!!!! Juliet.....!!! Juliet!!!!”

"Bakit ba kung makasigaw ka naman parang ilang bukid layo natin." Bagot na sagot ng isang dalaga. Natila bagong gising pa lamang.

"Eh sunduin mo daw si kuya sa airport sabi ni Mama." Isang batang babae ang pumasok sa silid ng kanyang kausap.

"Naglolokohan tayo? Ano ako tagasundo ng balik-bayan? Baka nakalimutan mong ilang buwan pa ako dito sa Fleur Village" Nakapamewang niyang sabi sa pinsan.

"Wag ka nang maraming reklamo...magtataxi ka naman at hindi maglalakad eh!”

"Abay dapat lang noh! Teka bakit hindi ikaw na lang sumundo sa kanya tutal kayo naman magkakilala eh...halerrr!"

"May gagawin pa ako, at isa pa bata pa po ako, you’re not crazy to send a 11 years old girl in the airport to pick-up her brother”

" Juliet, maligo ka na at mag-ayos malapit nang dumating ang eroplanong sinasakyan niya" tita niya ang nagsalita.

" Malamang, alangan namang pumunta ako dun ng naka pantulog pa...istorbo talaga mga tao rito" mahina niyang sabi. She rolled her eyes.

"May sinasabi ka ba Juliet?” humarap ang tita niya sa kanya.

"Ano daw Mama isto--"  tinakpan agad ang bibig ng pinsan niya.

"Wala tita, sabi ko excited lang po akong makita si pinsan". Nakangiti nitong sabi habang tinatakan ang bibig ng pinsan at parang sinasakal na din.

"Sige magsalita ka ....ibibitay kita." pagbabanta nito. Tumakbo naman pinsan niya ng makawala sa sakal niya.

---------------------------------------------------------------------------------------

[A/N] edited  version na po ito^_^

tuloy lang po sa pagbasa  domo  arigato 

Juliet hunts Romeo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon