Chapter 34
FLEUR
May pasok na naman, ayaw kong pumasok, makikita ko ang mukha ng manok na yon, sigurado akong, wait wait wait. Feeling mo naman na papansinin ka nun, matapos yong nakita niya kahapon. Teka teka, magtigil ka sarili ko siya nga tong dahilan kaya ako nahalikan eh tapos siya pa ang may ganang magalit, baka gusto niyang i-grilled chicken ko siya. Tigil na Kei male-late ka na naman sabay sampal sa sarili kong ilang oras ng nakatayo sa harap ng salamin. Teka teka ang laki ng eyebugs ko mas malaki pa sa mata ko >.< Sino bang nagsabi na wag kang matulog. Sino ba naman ang makakatulog eh, hindi maalis sa isipan ko ang mga nagyari saken kahapon, sumakit ang ulo ko sa kakaiisip nun, yong first kiss ko hindi ko parin maialis sa isip ko. Pag nakita ko ulit ang mala-dyos na lalaking yon hahalayin este uupakan ko na siya.
“Kei!!!” sigaw ni Zeca na tumatakbo papalapit saken, agad naman akong tumakbo ng paatras, ayokong maabotan ng tyanak na to. Takbo ako ng paatras tapos paglingon ko
Boogssshhh!
Nasubsob ako sa pader, teka malambot at mainit? Hindi to pader. Tao siguro to.
Agad akong nagbow at nagsorry nagulat ako ng pag-angat ko ng mukha ko, nakita ko reflection ko sa salamin, ahahahaha joke!
“Kirk” mahina kong sabi umiwas ako sa tingin niya. Tahimik lang kaming nakatayo sa hallway, kaya, binasag ko na ang nakakabinging katahimikang namamagitan samen.
“Yong kahapon...” hindi ko naituloy dahil bigla siyang nagsalita na tila galit na parang may halong hinanakit.
“Bakit si Raven pa?” hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at marahang iniharap sa kanya, nakatingin siya sa mga mata ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng banggitin niya ang pangalang RAVEN
“Hindi ko siya kilala” iwas ko sa tingin niya.
“Are you playing dumb with me?” this time medyo mataas ang tono ng boses niya pati si Zeca na tumatakbo papunta saken natigil.
“I’m not, you’re the one playing with me” my tears starting to fall
“It’s you, it’s your fault” I said between sobs
“He kiss me because of you” I continued pero parang naguguluhan lang siya.
“I’m sorry” sincere nitong sabi saka pinunas ang mga luha sa mata ko. Naintindihan ba niya yong sinabi ko?
“Ampanget mong umiyak” biro nito tinadyakan ko siya bilang ganti, ang totoo niyan gusto ko siyang tustahin pero di ko magawa, nanghihina ako pagkaharap ko siya.
“About what you see at the par------” di ko siya pinatapos nagwalk-out na ako, ayokong marinig ang paliwanag niya.
“Listen-” hinawakan niya ako sa braso.
“Why would I? Para masaktan ako?” harap ko sa kanya
“Are you jealous?” nabigla ako sa tanong niya. Bakit nga ba ako nagagalit. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali Kei” si Zeca na tumakbo papalapit saken. Di ko siya pinansin ang alam ko nakasunod lang siya sa likuran ako at si Kirk hindi ko alam kung nandun pa siya sa kinaroroonan niya.
“What happen?” si Zeca na nangungulit habang nasa loob na kami ng elevator. Hindi ko siya sinagot. Tahimik lang ako.
“Hoy anyare jan?” si Nadezha ng mapansing pumasok kami ni Zeca
BINABASA MO ANG
Juliet hunts Romeo (on going)
Novela JuvenilIt's a story of a girl who love to look for Romeo and technically she's Juliet! isang kalog ang ulo na nakatagpo ng abnormal na mga lalaki. Mapeste na ang taong ito sa kakulitan at kamalditahan nitong isang ito... Paano kung may tatlong Romeo na g...