[35] HALLOWEEN

200 19 5
                                    

CHAPTER 35 HALLOWEEN

“Happy Halloween” bungad samin ng babaeng nakawitch outfit na silver ang buhok at pula ang mata.

“Oo nga uso na naman mukha mo” sabi ko sabay kinurot ang mukha niya.

“Mama oh si Kei nangungurot” tumakbo ito papuntang likod ko kung saan nandun si Leanne.

“Teka uso mukha ko ngayon? Aba’y ang gaganda naman nila” humarap siya saken at namelat, ewan ko ba pano yan nakakapasok sa school na ganyan ang suot.

“Oo nga pala pano ka nakapasok sa school diba no complete uniform no entry?” si Nadezha ang nagtanong na mukhang naguguluhan din.

“Tinakot niya yong guard kaya ayon isinugod sa ospital bale walang bantay sa may gate ngayon” pigil tawang sabi ni Leanne. Naman ang batang to grabe ang kalokohan.

“Oo nga pala diba may event ngayon?” tanong ko.

“Ah oo kaya nga nandito si Ate Danielle, bawat kampus kasi sa Fleur bibigyan ng malawak na area dito sa main campus kung saan pwede nilang itayo ang kanilang mga booth” paliwanag ni Nadezha. Tama ang lapad ng school naming parang isang village na nga eh.

“Anong theme nila? Sa atin ang pagkakaalam ko fairy tale kaya ang korni” sabi ko.

“Hauted village daw sa kanila, kaya lahat ng booth na itatayo nila nakakatakot” –Nadezha

“Gusto ko yan, bloody scene at maraming momo,  punta tayo dun mama” kinilabutan ako kay Zeca mukhang may masamang binabalak ang tyanak na to tumingin din siya samin na tila nagyaya rin.

“Busy ako di ako pwede” tanggi ko, wala rin kasi ako sa mood.

“Wag mong sabihing takot ka sa mga multo” si Nadezha na biglang lumaki ang mata na tila tinatakot ako.

“Nagpapatawa ka ba? Ako Matatakot? Asa!” pagyayabang ko but actually takot ako sa mga supernatural creature.

“Eh yong sa School for the boys ano daw sa kanila?” curious kong tanong.

“Kissing booth” –tipid na sagot ni Vera. Magmamayaman talaga ang matipid na to hahaha

Dyan nalang tayo pumunta?” suggest ko ^o^ siguradong maraming gwapo dun at isa pa gusto kong mameet ang Genius Gang ^o^ naku landi ko naman.

“Oo nga” pagsang-ayon Ni Nadezha, naku mimi nakikilandi na rin.

“Sure pagkatapos ng sa Hauted Village” si Leanne

“Eh dun sa mga Elite school?” –me, curious lang talaga ako sa ginagawa ng ibang campus.

“Maskaring society, tapos may ball na gaganapin” si Vera ulit, aba lumevel up medyo dumami ang words na nasabi niya. Pang sosyal talaga ang event sa school na yon, gusto kong pumunta sa grand ball na yun.

“Teka bakit ang sa kampus natin ang may pinakaboring na theme, naman oh” maktol ko.

“Ede lumipat ka” si Zeca.

“Teka yong schools for delinquent?” bigla kong tanong.

“Usually di sila nagpaparticipate sa ganitong mga event alam mo naman mga basagulero tao dun at mga pakawala, baka masira ang event” si Nadezha

Juliet hunts Romeo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon