29 REVENGE

232 13 4
                                    

CHAPTER 29 REVENGE 

“I’LL MAKE SURE TO MAKE YOU PAY BACK FOR WHAT YOU DID” isang kademonyohan na naman ang pumasok sa aking isipan habang nasa loob ng kotse ni Kirk

“Tara sa mental, lumalala yata yang sayad mo kanina ka pa ngisi  ng ngisi”  natatawang sabi ni Kirk habang nagmamaneho agad ko naman siyang hinampas ng magazine na hawak ko. Hindi ko alam na saksakan pala ng kamanyakan tong lalaking to puro FHM magazine ang nasa kotse niya. Pati kwarto niya puno ng porno kaya di ako nakatulog ng maayos, baka kasi kung anong gawin niya. Dyos ko hihimatayin yata ako.

“Ikaw nga tong mukhang takas sa mental ehhh, nandadamay ka pa” ismid ko

“Pikon! Teka…..asan ba bahay niyo?”

Nasa ibabaw ng lupa”

“tinatanong ka ng maa..-”

“nasa ibabaw naman talagang lupa yong bahay namin ahhh”

“pag di ka pa sumagot ng maayos hahalikan na talaga kita” tumingin siya saken

Ako –lunok laway

Deretso lang jan sa may ****** subdivision sa may ****** st.

Ngumiti lang siya sa sagot ko. Nabaliw din yata to. Nakakahawa na ba ang pagiging baliw? Communicable disease na rin ba to? Or Contagious disease na agad agad kang mahahawa parang sipon lang noh!

After a few minutes

“We’re here” tapos tinagggal ko ang seatbelt

“Ang laki din pala ng bahay niyo pwede ba akong tumuloy?”

“Hindi maari umuwe kana, baka hinahanap kana ng mudra mo” pagtataboy ko sa kanya

“Ang sama mo tagala” sabi nito at nagpumilit pang pumasok

Ehem ehem” may narinig kaming tikhim napalingon ako sa may kaliwa nandoon nakatayo si Leanne na nakashorts at sleeveless na fitting shirt at ang kasama niyang asungot

Kyaaaaaa~~~Keiiii” yakap agad ni Zeca saken na nakapangjapanese attire gothic Lolita ata tawag niya sa outfit na to. Agad naming nabaling ang tingin niya kay Kirk

“Kirk, namiss ka ni Rye-rye ohh” agad na ipinakita ni Zeca ung pink na mouse!

“Ahhh--eeehhhh” hindi mapakaling sambit ni Kirk

“Mauna na ako Kei, paalam Zeca at Leanne” pagkasabi nun ay agad niyang pinaharorot ang kotse niya

Ano problema nun” may malaking question mark sa mukha ni Zeca

“Ewan, teka diba nasa kabilang subdivision kayo paano kayo nakaabot dito”

“nagja-jogging kami ni mama””

Mukha Ko  O.O seriously?! Nagja-jogging ka with that outfit!” nakaheels pa kasi ito.

Opo diba ang cute” tsagot ni Zeca at umikot pa ito

“You’re crazy!”

“Kaya nga magpapaadmit na ako sa mental mamaya” natatawa nitong sabi

“San ka galing Kei aga-aga nagdate na agad kayo ni Kirk or don’t tell me….?” Si Leanne ang nagtanong

“Naku yang mga utak niyo andudumi ipavacuum niyo na nga yan ng malinis”

“yong totoo what happen to you, hinahanap ka ng mama mo samin kahapon” papasok na sana ako ng bigla akong matigilan sa sinabi ni Leanne

“Ano sinabi mo?” tanong ko

“Sinabing kung hindi kita kasama”

“Your mom sounds worried >.<” singit pa ni Zeca

“Kalokohan, yun..mag-aalala saken tsk! Asa!” pagkasabi ko nun ay tinalikuran ko na sila at pumasok ng bahay

“Kei…..pwede makikape, hindi mo ba kami patutuluyin sa bahay mo?”

“Umuwe ka na sa bahay niyo baka hinahanap kana ng mga body guard mo”

“Tulog pa sila pinainom ko sila ng sleeping pills kahapon” nakasmirk niyang sabi

“Tayo na Zeca, wala yata sa mood si Kei ngayon” agad na hinila ni Leanne si Zeca

“Bye bye Kei” sabi pa niya!

“Look who’s here” nakataas kilay na bati ng hayop kong kapatid na nakaupo sa may sala with her bitchy friends. Inirapan ko lang siya.

“Baka gusto mong magkape muna” malademonya niyang alok sa kape

“No thanks, baka may lason pa yan”

“Hmmffff kawawang nilalang, kamusta ang sampal ni Mommy masarap ba?”

I clinched fist. Ayokong maalala ang mga naganap kahapon

“Naawa talaga ako sayo kahapon, siguro …--” di pa siya nakatapos sa sasabihin niya ay nasampal ko na siya.

Tiningna niya lang ako with her angry face

“How da---” di pa siya natapos pinatikim ko na agad siya ng sampal. Namula agad ang mukha niya. Yong mga kasama niyang echuserang palaka halos di makagalaw sa kanilang kinauupuan.

“Oh ano alam mo na yong feeling? Mas masakit pa jan ang naramdaman ko, mas masakit yong feeling na sinampal ka ng nanay mo kahit na wala kang kasalanan, wala yang sakit ng sampung sampal kumpara sa sakit ng naramdaman ko nong si mommy mismo ang sumampal saken, masakit yon dito Pepat masakit dito” at idiniin ko ang pagkatotok sa may bandang left chest niya.

“Dyan masakit Pepay, jan” sabi ko ng hindi ko namalayan na umiiyak nap ala ako. Agad kong pinunas ang mga kristal na butil sa aking mga mata.

“Hinding hindi kita mapapatawad……siguro mas mabuti pa ngang totohanin ko nalang ang mga binibntang mo saken…….magbabayad ka  Pepay”  hindi nakaimik si Paulynnne sa mga sinabi ko. Pulang pula ang mukha niya gawa ng malakas kong sampal sa kanya.

“Hindi hindi kita uurungan” pagkasabi niya nun ay umakyat na ako papuntang kwarto ko.

 --------------------------------------------------------------------------------------------

Hala war na ba to?

maraming salamat sa pag-iintay ng update ^o^

nagtatampo na kami di man lang kayo nagko-comment at nagbo-vote

ang damot niyo *sobs*

dali na comment na at vote ^_______^

Juliet hunts Romeo (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon