14

746 47 2
                                    

"Trina kahit gusto kita alam ko yung tamang oras para dun!! Hindi pa yun ngayon!!"

"Alam mo babalikan ko na lang si Kurt sumasakit ulo ko sayo"

"Ha? Hoy bakit ka babalik don?! Siya dadalhin mo sa langit?!"

"Kokoy!! Andumi ng utak mo!! Mag-ikot ikot na nga lang tayo!!"

"San nga?!"

"Kahit san! Ayoko umuwi sa bahay!"

"Kaw bahala sa gas? Haha"

"Oo na! Basta umalis na tayo!"

"Joke lang naman!! Sige na oo na tara na!"

Trina's PoV

Juskopo!! Mauubos pasensiya ko dito!!! Napakadumi ng utak!! Pasalamat ka gusto kita Dimagiba!!!

He's just driving around town habang ako pinapakiramdaman ko lang yung hanging humahampas samen habang umaandar yung motor.

Maya maya tumigil siya sa isang tulay

"Anong ginagawa natin sa tulay?"

"Tatalon"

"Ano?!"

"Naniwala ka naman! Hahaha. Maganda kasi view dito! Isa pa ayoko pa mamatay no. Aalagaan pa kita"

"Kikiligin na ba ko?"

"It's up to you. Pero kung ako yun kinilig na ko haha"

"Edi wow"

"Lika nga ditoo"

Hinila naman niya ko patayo sa motor niya at pinaharap sa may tulay

"Ano ba meron dito??"

"Wait ka lang"

"Huh? Ehh puro naman itim nakikita ko Kokoy?"

"5..."

"Ha?"

"4..."

"Ano ba meron?"

"Focus there! 3..."

"Okay?"

"2... 1!!!"

Nagulat naman ako ng magsimulang umilaw yung langit. Fireworks are everywhere in the sky na tinitingnan ko ngayon. And the brightness is reflected sa tubig na nasa baba ng tulay na kinalalagyan namin.

"Ang ganda..."

Kokoy's PoV

I'm just staring at her amazed reactions and I'm in awe.

"Ang ganda nga" ni hindi ko na natitigan yung paputok sa pagtitig ko sa kanya.

"Mister Dimagiba alam kong maganda ako pero wag ako titigan mo"

"Ha? Hindi kaya ako nakatingin tss" sabay harap ko sa fireworks. Napahawak na lang ako sa batok ko. Kahit kailan nakakahiya talaga pinaggagagawa ko 🤦🏻‍♂️

"In denial kahit sa pagtitig?? Haha"

"Edi hindi na"

"Ganda ba?"

"Oo. Sobra"

"Ng fireworks?"

"Hindi. Ikaw. Ikaw yung maganda"

Nilingon ko naman siya and I saw her smile

"Mas maganda kang ganyan"

"Ha?"

"Yan. Nakangiti."

"Hindi naman madali Kokoy"

"Pero nagawa mo. Nagagawa mo na"

"Sa loob ng limang araw na dumating ka sa buhay ko. Dun lang ako ngumiti ng totoo. Salamat sayo Kokoy"

"I don't know why your smile is so fun to watch. Yung tipong gusto ko lagi kang nakangiti? Nakakaganda ng araw boss baby"

"Why is that?"

"I don't know. Your smile has something that attracts me maybe?"

"Yung ngiti ko lang?"

"Pati buong pagkatao mo Trina. All the mysteries I've learned from the terror boss. Nakakaattract. Nadadala ako"

"Nadadala?"

"Nadadala ako palapit lalo sayo"

"Ano ako magnet? Haha"

"Pwede"

"Ha?"

"Pwede kang magnet"

"Bakit?"

"Nakuha mo puso ko ehh. Wala ka na ata balak ibalik"

"Hahaha san mo natutunan yan Mr. Dimagiba?"

"Ako lang to Trina. My heart's just speaking to you"

"Seryoso ka ba?"

Napakamot naman ako ng batok.

"Wala naman akong ibang ginanito. Wala akong ibang sineryoso. Ikaw lang"

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon