Trina's PoV
Nagpalit na ko ng damit at dumirecho sa salas. Narinig ko namang nag-uusap si tita at si Kokoy.
Sino si Lala?
"Lala!! Ano kamusta?? Okay ka lang ba dyan? Miss na kita Lala!! I love you Lala!"
Ayy. May jowa naman pala to ehh!!
Kokoy's PoV
"Nakakamiss din yung ganung kulitan namin ni Lala no ma?"
"Oo nga ehh. Miss ko na din si Lala mo"
"Okay lang yun ma. Bantay na tayo ni Lala for sure"
Lala is my lola sa mother side. Ganun yung kulitan namin nung nabubuhay pa siya. Magddial ako sa phone ko sa kusina tapos sasagutin ni Lala yung phone sa tabi niya. Kunwari long distance. Unfortunately sa katandaan, ayon namayapa at sumalangit nawa.
Nakakamiss din yung ganung moments haha.
"Ohh iha tapos ka na pala magpalit! Sakto nga lang ah? Haha"
"Salamat po"
"Ohh Francisco hatid mo si Trina sa kwarto mo dun mo patulugin."
"Ok ma"
"Hatid lang talagang magkakatapal noo mo pag dun ka natulog!"
"Opo ma!! Napakabrutal mo sa noo ko!"
"Lapad eh! Haha"
"Grabe!!" Tapos umalis na si mama papunta sa kwarto nila ni papa.
"Tara?"
"Ok"
Pagdating namin sa kwarto nagsalita na lang si Trina
"So... may Lala ka naman pala"
"Ha? Oo. Ano meron kay Lala? Narinig mo ba kami kanina? Miss na miss ko na yun!"
"May Lala ka naman pala may paghalik halik ka pa tss"
"Ha?"
"May girlfriend ka pala gago!"
What?! Si Lala?? Girlfriend ko?!
"HAHAHAHAHA"
"What's funny?!"
"Hahahahaha wait hahahahaha Lala narinig mo yon? Hahahahaha"
"Tinawag mo pa?? Andito ba si Lala?!"
"Oo naman" sabi ko habang nagpipigil ng sobrang tawa hahahahaha kingina Lala jowa pala kita?! Hahahahaha
"Aalis na nga lang ako ewan ko sayo"
Mukhang napikon ata hahahahaha sorry na! Laftrip eh! Hahahahaha
"Hoy teka lang hahahahaha"
"Ano?!"
"Maupo ka nga dyang assumera ka"
"Ako?! Assumera?!"
"Oo pfft hahahahaha"
"Kokoy!!"
"Papakita ko sayo sino si Lala!! Ssshhhh"
"Ayoko"
"Ehh gusto ko. So makikita't makikita mo hahahaha"
"Ayoko nga!"
"Pag sina mama sumugod dito sa ingay mo hahalikan talaga kita."
Tumahimik na lang siya pero nakakunot pa rin yung noo hahahahaha
Kinuha ko yung photo album sa kwarto saka ko binigay sa kanya.
"Oh" sabi ko pag-abot nung photo album
"Aanhin ko to?"
"Kakainin Trina. Tsk. Malamang tingnan mo! Haaaay"
"Bwisit 😑"
"Tingnan mo na ngaaaa"
Trina's PoV
Ang kapal nung photo album... ganung kadami memories nila nung Lala na yon?? Tagal din siguro nila.
"Oh bat ayaw mo pa buklatin?"
"Ayoko eh"
"Tsk. Akin na nga!" Bubuklatin na sana niya yung album nang bigla akong tumayo papunta sa banyo ng kwarto niya
"Pa-CR"
"Hep! Balik dito kakabanyo mo lang wala kang diabetes para magdalas ng ihi" hawak niya saken pabalik sa kama
"Kokoy ayoko ngang makita!!"
"Hindi ba curious ka kay Lala?? Buklatin mo ng makita mo sino si Lala! Napakaselosa tsk"
"Di ako nagseselos no!"
"Ehh ano yan? Haha"
"Wala!"
"Ulol wag ako" tapos binuklat na niya yung photo album sa harapan ko.

BINABASA MO ANG
Miss Independent
FanfictionHow can you get into the world of a person who doesn't know the meaning of love? Someone who's independent enough to stand on her own feet. Someone eho believes she doesn't need a man to help her get through things. She knows it all. That's what she...