19

713 49 1
                                    

Kokoy's PoV

Natawa ako nung medyo pumikit siya pagbuklat ko pero nakasilip din naman. Nung maaninag niya yung pictures namin ni Lala dumilat na siya ng maayos.

"Teka lola mo yan eh..."

"Exactly"

"Ha?"

"Haha. Lala is my lola boss baby. Lola Laida, Lala sa palayaw. Nanay ng mama ko"

"L-lola??"

"Opo. Lola ko po pinagseselosan mo pffft hahahahaha"

Nakita ko namang napakagat labi siya at pulang pula hahahahaha.

"Lala died 3 or 4 years ago sa katandaan. Yung akala mong katawagan ko kanina si Lala yon. Yun kasi bonding namin dito sa bahay. Tawag tawagan. Ganon"

"Ehhh bat sabi mo andito?"

"Andito nga. Bilang espirito hahaha"

"Ha?!"

Napakapit naman siya saken bigla.

"Takot ka sa multo? Haha"

Tumango lang siya.

"That's a new learning from you my boss baby hahahaha"

"Kokoy naman! Wag mo nga ako tawanan!"

"Cute mo kasi magselos hahahahaha"

"Di naman tayo bat ako magseselos?!"

"Edi sige ano yan? Tantrums??? Ha??"

"Hindi!"

"Deny pa sigeeee"

"Wala naman ako karapatan no!"

"I'm giving you all the right to be jealous boss baby. Pero yung tamang selos lang sana hahahahaha"

"Hindi nama dapat eh!!"

"Mas gusto ko ngang nagseselos ka ehh."

"At baket?!"

"Para alam kong ayaw mo ko sa iba haha maling akala nga lang yung una hahahahaha"

"Kokoy naman! Hindi naman tayo ehh"

"Correction. Hindi pa"

"Ha?"

"Manliligaw pa ko sayo bago maging tayo. That's the right thing to do"

"I-ikaw manliligaw?"

"Oo first time nga ehh"

"First time?"

"Yup. At ikaw yun Trina. Ikaw yung una"

"Una?"

Tumango naman ako.

"I never felt this way with anyone else in the years I lived. Nakakahiya man aminin pero wala naman ako nagustuhan na kagaya ng sayo. Crush siguro oo. Pero yung ganito? Wala. Sayo lang"

"You didn't have a single girlfriend ever??"

"Nope."

"Weh? Sa gwapo mong yan?"

"So inaamin mong gwapo ako?"

"Just answer the question Kokoy"

"Wala nga!!"

"I don't think so."

"Tanong mo pa sa nanay ko! Wala nga!"

"Kokoy!! Labas na!! Hihilahin ko tenga mo palabas diyan!" Mama

"Ma naman!! Nagkkwentuhan lang ehh!"

"Labas!!"

"Aish opo!! Oh sige na matulog ka na dyan ha. Anong oras pala tayo aalis bukas?"

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon