20

741 47 0
                                    

Trina's PoV

Ramdam kong vibrate ng vibrate yung phone ko pero hindi ko pinapansin. Alam kong nanay ko lang din yun.

I just chose to hug Kokoy and lean on his back. I felt him stiff sa ginawa ko. Haha. He always becomes stiff when I do this 😂

Kokoy's PoV

Jusko tawarin Trina. Boss ba talaga kita 😣 grabe ho dapat ako yung ganito sa kanya bakit nababaliktad niya palagi?!

"Kokoy..." sabi niya malapit sa tenga ko

"Oh?"

"Can we escape reality for this overnight?"

"Escape reality??"

"Oo. I'm just... so fed up. Nakakapagod na araw araw ko haharapin nanay ko ng ganon. Si papa naman... he just lost care about her. Wala na siyang pake sa mama ko."

Hindi ako makapagrespond. I just let her lean on me habang nagddrive ako. She really needs a break.

Ginising ko na lang siya nung nakarating na kami sa isang private resort. Buti na lang hindi to nahulog jusko nakatulog pala sa motor.

"Trina... boss baby?" Sabay tapik ko sa kamay niya

"Hmm?"

"Dito na tayo"

"Ahh ok"

Tumayo na siya at didirecho na sana sa loob ng resort pero hinila ko siya pabalik

"What?"

"Forget about everything for this weekend. Relax and enjoy, okay?"

"I'll try to..."

"You have to"

She looked down and I took it as a chance to kiss her forehead.

"Andito lang ako..."

"Thank you"

"Tara na?" I smiled at her hoping she'd smile back... pero hindi. Kokoy kaya mo to!!!

"Let's go" at naglakad na nga siya papasok ng resort kaya sumunod na lang ako

"Woooow. Ang ganda naman dito magkano dito boss baby?? Jusko baka lifetime payment ko sayo ha??" Sabi ko pagkakita ko nung lugar.

"It's on me. Don't worry" sabi niya ng hindi tumitingin saken. Ang bilis ng shifting ng emosyon neto grabe

"Ayy hindi boss baby. Grabe naman ikaw yung babae ikaw yung manlilibre sa ganitong kagandang lugar pa"

"Ok lang"

"No it's not"

"Ok nga lang"

"Pano kita babayaran aber??"

"Wag na nga!"

"Ayoko may utang boss baby. Wag mo din ako sungitan haha. Ganto na lang... hmm"

"Kulit tss"

"Bawat isang ngiti mo katumbas nun piso ng utang ko sa isang segundo"

"Ha?"

"So pag napangiti kita ng isang buong araw bayad na bayad na ko! Sobra pa! Hah! 86400 seconds yon oh di ba?"

"How sure are you na kaya mo ko pangitiin ng tuloy tuloy??"

"Ohh don't you ismol my capacity mah boss baby!! Hah!"

"Tss"

"Game ha? Game??"

"Bahala ka dyan"

"Teka bago yon peram phone"

"Aanhin mo?"

"Basta!"

Inabot naman din niya saken at nakita kong puro yung Kurt at mama niya ang notifs. Mga panira ng araw talaga sila eh no? Ayy joke. Nilagay ko yung number ko sa phone niya saka isinave tapos pinatay ko na yung phone tapos ibinalik ko sa kanya

"Anong ginawa mo?"

"Secret walang clue. Bawal buksan cellphone"

"Bakit?"

"Escape reality di ba?? We'll escape from here on. Are you ready? Boss baby?"

"Ok"

"Game!!" Hinila ko naman siya papunta sa pool

"Kokoy teka lang!!"

"Ano??"

"Wala pa kong gamit!!"

"Ayy ehh san tayo kukuha ng gamit mo?"

"May tindahan yata sila dito. I'll just go there and take a l- wait!!"

"Mamaya na!!" Hinigit ko na siya papunta sa pool sabay talon

"Kokoy!!!"

"What? Haha"

"Bwisit ka pano kung nalunod ako ha?!"

"Hindi ko naman hahayaan mangyare yon boss baby saka mababaw lang tong tinalunan naten nukaba hahaha"

"Hindi pang swimming tong suot ko!!"

"Sus! Ok lang yan!!"

"Bwisit!" Sabi niya sabay saboy ng tubig kung kelan saktong mahahatching ako. Napunta tuloy sa bibig ko yung tubig

"*cough* grabe ka boss baby!! Mahahatching na ko ehh binara mo naman ng tubig *cough*"

Trina's PoV

Tumalikod ako sa kanya. Kulit kulit kase! Tss. Oo na napangiti na ko sa nangyare. Pero di ko papakita syempre haha

"Hoy bat may pagtalikod?!"

"Pake mo ba?"

"Dapat nakaharap saken lagi!!"

"At bakit?!"

"Para kita ko mukha mo. Saka yung ngiti mo"

"Bat ba gustong gusto mong makita? Ha?"

"Kasi nga maganda! Maganda ka lalo pag nakangiti ka!"

"Ewan ko sayo"

"Ngumiti ka na kaseeee"

"Ayaw tss"

"Ito naman papilit pa ehhh!!"

"Alam mo aakyat na ko tss"

"Mamaya naaaa!!"

"Ang kulit mo!!"

"Hindi ako si Kokoy kung hindi ako nangungulit. Lalo na sayo"

"Bakit ba ako?!"

"Coz I love you"

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon