17

673 41 0
                                    

Kokoy's PoV

S-same way??

Teka tanga ka ba Kokoy?! Nakipaghalikan na nga sayo at lahat nabibigla ka pa?! Bwisit naman kasi bat nakakabakla ang ganto!

"Oh hindi ka na umimik dyan?"

"H-ha? Ano wala. May naalala lang ganon" sabay kamot ko sa ulo

"Ahm. Dito na ba talaga ako magsstay for the night?? May malapit naman yatang hotel dito du-"

"Iha eto ohh damit pamalit mo mukhang kasya naman sayo tong mga damit na to pagtyagaan mo na muna kesa ganyan ka matutulog"

Ma?!

"Ahh ehh sa hotel na lang po sana-"

"Hotel?! Ayy nako hindi! Dito ka tutulog!!"

"Nakakahiya na po tita-"

"Di uso hiya dito iha! Eto palit ka na sa banyo sige na go" sabay tulak naman ni mama kay Trina papasok ng banyo. Pagbalik niya saken hinila naman niya ako papuntang salas

"Halika dito mag-usap tayo"

"Ma baket?" Tanong ko pagdating sa salas

"Pakakasalan mo na ba yan?"

"Ma?! Agad?! Ni hindi ko pa nga girlfriend si Trina!"

"Ooh ehh bat may pagdala sa bahay??"

"Ma. Judgmental ka din ehh 🤦🏻‍♂️ ayaw umuwi sa condo niya may bwisita daw kasi dun ayaw niya makita. Ehh kesa kako pabayaan ko mag-isa ehh dito na lang siya sa bahay. Tutal may lakad din naman kami bukas"

"Pasaan kayo Francisco?! Bakit hindi ako aware?!"

"Ma sasabihin ko pa lang sana ehh hehe"

"Saan ang punta??"

"Actually hindi ko alam kay Trina ma. Gusto kasi niya magbakasyon sasamahan ko lang"

"Ikaw talaga?"

"Syempre gwapo anak niyo eh aray ma!" Batukan daw ba ako?!

"Taas mo oy! Tapalan ko yang airport mong noo ehh"

"Gwapo naman talaga ako nay di ba?!"

"Syempre! Anak kita eh! Pero wag mo masyado ipagkalat bawal ipagyabang kagwapuhan niyo baka mawala. Kita mo sa tatay mo paubos na hahaha"

"Ma naman!"

"Ohh ehh seryoso na nga"

"Seryoso naman ako kay Trina ma"

"Hindi yun! Hindi pa ko tapos! Ikaw bata ka talaga!"

"Ano ba kasi yon ma??"

"Pinapaalala ko lang sayo. Magdahan dahan kayo ha? Alam ko mga emosyon niyo masyado pang nakakapanibago pero go with the flow lang. Wag may fastforward"

"Taray ma ah ano kami pelikula may fast forward??"

"Pilosopo!"

"Joke lang ma! Opo! Alam ko naman yun. Hindi ko pa nga masabi ng ayos yung gusto ko sabihin. Nahihiya pa ko ma"

"May hiya ka pa pala niyan?"

"Ma naman eehhh"

"Siya nga pala isa pang sasabihin ko sayo"

"Ano yun ma?"

"Kelan mo dadalawin si Lala? Magtatampo na yun sayo"

"Ma. Pag nagkatime pramis"

"Nako ka talaga pag yon nagtampo bahala ka"

"Di yun ma! Lakas ako dun eh! Pero miss ko na din nga si Lala ma"

"Miss ka na din non panigurado"

"Tawagan natin ma gaya dati!"

"Pag yon sumagot bahala ka dyan"

"Di yan ma hahaha"

Nagkunwaring dial naman ako sa phone ko

"Hi Lala!"

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon