15

760 46 3
                                    

Trina's PoV

Tinitingnan ko siya ngayon and he's really far from the fearless person I saw 5 days ago. He's looking down and holding the back of his head.

"5 days... it's the happiest 5 days I've ever had"

"And it's also the 5 days that changed both our lives"

Naramdaman ko namang hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ako pumalag instead I just held onto his hands habang nakatingin pa rin sa mga iilang fireworks na lumalabas sa langit.

Kokoy's PoV

Ang bilis ng lahat. Isang linggo pa lang pero ganito na. Masaya ako. Sobra.

"Tumuloy na kaya tayo sa bakasyon? Sabado naman na bukas ehh"

"San tayo tutulog boss baby?"

"Hotel?"

"Wala pa tayong gamit"

"Bili na lang"

"Woy kahit may pera ako hindi naman kailangan bumili ng damit para lang don."

"Ehh paano?"

"Kuha tayo sa bahay"

"Kokoy ayoko nga umuwi!!"

"Hindi ko naman sinabing bahay mo! Wala akong damit don hello"

"Eh san? Sa bahay niyo?"

"Hindi. Bahay ni Kurt. Malamang bahay ko Trina"

"Malay ko ba!!"

"Matulog na muna tayo bago umalis kasi ako lang naman ang driver sating dalawa"

"I can drive"

"I won't let you"

"Bakit?"

"Ako na bahala don. Ako na bahala sayo"

"Nakakahiya Kokoy. Magstay na lang ako sa ibang hotel."

"At sa tingin mo hahayaan kita?"

"Bakit hindi? Boss ba kita?"

"Hindi pero gusto kita"

"Ano ba Koy!" Sabay hampas niya saken

"Aray baket?!"

"Bahay ang pinag-uusapan! Anong gusto pinagsasasabi mo?!"

"Sus kinikilig ka lang eh"

"Hindi no!"

"Kaya pala ampula ng pisngi mo hahaha"

"Kokoy!!"

"Hindi na nga!! Tara na iuuwi na kita!"

"Anong iuuwi?!"

"Sa bahay ko"

"Sa hotel na nga lang ako Kokoy! Magkita na lang tayo bukas!"

"Wag ka magulo hahalikan ulit kita"

"Edi gawin mo"

Trina's PoV

"Don't dare me boss baby..."

"I dare you" sabi ko sabay kagat labi sa harap niya

"Fck it Trina!!!"

"What? Haha" ang sarap niya asarin hahahaha

"Tara na sa bahay!! Sa bahay ko. Wag ka na umangal!"

After that he drove us to his house. Tinititigan ko lang yung bahay nila nang lumabas yung parents yata ni Kokoy

"Nak!! Oh sino tong kasama mo?"

"Ahh ma boss ko po"

"Ha?! Nako Kokoy! Bakit di mo ko ininform! Edi sana nakapaghain ako ng maayos ayos!"

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon