23

652 43 3
                                    

Someone's PoV

How awful. Ampanget tingnan. They're still in the office, hello? Sana hindi na lang dumating dito yung Francis Dimagiba na yon. Edi sana normal lang lahat sa opisinang to. Work. And nothing but work should be done. Walang kalandian.

Trina's PoV

Both of them are annoying the heck out of me. Isang feeling gwapo at isang feeling in control. I have my own life hello??

*knock knock

"Come in!"

"Mam?"

"Yes?"

"May I ask lang po?"

"Ano yun?"

"Is there something bothering you mam?"

"Ha?"

"Ehh kasi mam kaninang umaga iba yung aura niyo compared to this hour na malapit na maglunch time"

"Scarlet?"

"Yes mam?"

"Can I just disappear?"

"What do you mean mam?"

"Ang gulo gulo ng pamilya ko Scarlet. Ang sakit sa ulo. Si... si Kokoy na lang ata natirang tama sa buhay ko"

"Hala mam! Hindi naman nasasagot ng disapppearance ang bagay bagay po"

"I know... pero kasi... hays"

"Mam! Wait lang!!"

"W-What?" I was startled kasi biglang tumaas yung boses niya tapos diretso siyang lumabas ng opisina ko

"What's happening with her?"

Kokoy's PoV

Busy ako sa mga pinapatrabaho saken ng biglang nagsisigaw tong si Scarlet

"Sir!!"

"Ingay Scarlet"

"Sir!! Tara daliiii"

Tapos hinigit na ko ni Scarlet. Wow teka lang anong nangyayare??

"Hoy teka bakit ba?!"

"Basta!!"

"Adik ka ba??"

"Hindi sir!! Pero sumunod na lang kasi kayo!!"

"Taas non Scarlet. Kung sinasabi mo saken bakit kasi?!"

Hindi na siya sumagot at tuluyan na niya akog nahila papasok sa opisina ni Trina

Trina's PoV

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng office ko at bumungad ehh si Kokoy na hila hila ni Scarlet

"What's... happening?"

"Mam hehe"

"Scarlet ano ba meron?!" I guess he's clueless as well

"Mam, sir. Ganito kasi yon"

"Ano?" Sabay naming tanong ni Kokoy

"Mam?"

"Oh?"

"Sabi niyo di ba you want to disappear?"

"Oh?"

"Bakit po?"

"Ha? Ehh..."

"Kasi sabi niyo andaming nangyayaring mali di ba?"

"Boss baby? Anong disappear?" Kokoy

"Ganto kasi naisip ko mam bilang tulong sayo hehe. Tutal ehh tinawagan naman ako ni sir Kurt kaya alam kong pupunta siya para sunduin kayo"

"What?!" Kokoy

"Ehh haharangin namin si sir Kurt tapos kayong dalawa ni sir Kokoy ang umalis. Hindi namin ipapaalam kay sir Kurt ganon"

"Bakit namin gagawin yon?? Teka ano ba nnagyayare??" Kokoy

"Naku sir si mam na lang tanungin niyo maglunch na kayong dalawa. Go naaaa"

Nakakatawang ako bilang boss ehh pinagtulakan ni Scarlet palabas ng opisina, kasama ni Kokoy.

"Tetext ko po kayo mam pag nagdisappear na yung mahangin niyong manliligaw hehe"

"Ok? Pero san kami pupunta??"

"Decide na lang kayo mam hahaha. The whole office supports you both hahaha"

Scarlet talaga 🤦🏻‍♀️

Miss IndependentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon