Sobrang sakit ng puson ko ngayon araw kaya kahit anong pangungulit ni Zeke hindi ko talaga siya pinapansin.
"Alaysa, hoy." Tawag ni Zeke.
"'Wag mo nga akong ginugulo." Inirapan ko siya.
Tinusok-tusok niya tagiliran ko. "Ba't ba ang sungit mo nanaman?"
Hindi ko siya pinansin. Init na nga ng ulo ko hahayaan ko pa siyang dumagdag. Pumikit-pikit muna ako kasi wala naman yung teacher.
Nung nagising ako, bumungad sa'kin yung kaklase ko sa harap, kumakain ng mangga.
"Huy! San mo nakuha yan? Pahingi ako." Umabot akong isang slice ng manggang hilaw. Favorite ko pa naman 'to.
"Aba nakangiti na. Mangga lang pala katapat mo?" Sabi ni Zeke sa gilid ko, 'di ko pa rin siya pinapansin. "Ano ba yan snobber."
Nagtwitter lang ako hanggang dumating yung next teacher. Mabilis lang naman yung 1 hour, lunch ma rin naman pagkatapos. Hinintay ko sa Tricia at Nicole sa tapat ng room nila, magkaiba kasi kaming strand. STEM ako, ABM sila.
"Oh anong nangyari sa pagchachat niyo ni Cha—" agad kong tinakpan bibig niya. Ang ingay naman kasi eh! Baka ma-issue pa.
"Ah ni Chase!" Si Nicole naman yung nagtuloy, parang nagloading pa siya bago narealize kung sino minimean ni Tricia. Napatakip na lang ako sa mukha ko kasi napansin kong napatingin yung mga nakarinig.
Ayoko kasing ma-issue, marami pa namang nagkakagusto kay Chase kaso hindi nga niya pinapansin. Kahit yung mga sumasaling babae sa pageant sa school hindi niya binibigyang pansin. Baka awayin pa ako sa maling akala.
"Gago, magkalat pa kayo." Mahinang sabi ko habang nagtatakip pa ring mukha.
Hinila nila ako tapos nagsimula nang maglakad, nung medyo nakalayo na kami, saka ko tinanggal yung kamay ko sa mukha ko pero yung bumungad sa'kin na makakasalubong namin, si Chase.
Naka-earphones lang siya at nakapamulsa habang naglalakad. Ang suplado tingnan. Nung magtama mata namin, nagsmile siyang bahagya. Shet panty ko—chos! Nagsmile lang din ako pabalik kasi nakakahiya naman. Paglagpas namin, nagpaluan si Tricia at Nicole tapos halatang nagpipigil tumili.
"Nakita mo yon?! Nakita mo yon ha?!" Nanyugyog pa si Tricia.
"Oo gago! Pamatay! Ngayon ko lang nakita ngumiti yun!" Patalon-talon pa ang gaga.
Parang mga timang na nagfafangirl amp.
"Hoy Alyxa! Wala bang patak ng kilig diyan?! Libido?!" Binatukan pa ako ni Tricia. Anong libidong pinagsasabi nito? Ano ako? Uhaw? Medj. AY!
"Wala," I flipped my hair, "bakit naman?"
"Aba ang yabang ah? If i know." Umirap silang dalawa ni Nicole.
Pumila kami sa cafeteria at bumiling pagkain, doon kami pumwesto sa mga bench malapit sa mga puno, may mga puno ng acacia kaya may lilim, may mga puno ng mangga rin.
Nagkekwentuhan lang silang dalawa habang busy akong kumakain ng carbonara ko.
"Ano yan? Sapatos?" Sambit ko nung makita yung isang pair ng sapatos sa ilalim ng puno ng mangga, nakakalat tapos may medyas din sa loob.
BINABASA MO ANG
The Free Fall
Teen FictionAlyxa never wanted to be in the middle of anything. But when Chase arrived and Zeke came back, she wasn't given a choice. It wasn't a game, yet she was something they played for.