(a/n: my portrayer for Alyxa.) :)
Pumasok akong bangag. Paano ba naman kasi? Mga dalawang oras akong nakatitig sa huling chat ni Chase. Manliligaw siya?
Mga 2 na siguro ako nakatulog tapos 5 kailangan kong magising para mauna sa cr, mabagal kasing kumilos yung dalawa. Nag-ayos ako today, naglagay akong concealer kasi ang itim ng eyebags ko, nagmascara na rin para magmukhang gising.
"Ba't ka nakamake up? Sinong pinapagandahan mo?" Bungad sa'kin ni Zeke pagpasok niya.
"Porke nag-ayos, may pinapagandahan na?" Inirapan ko siya.
"Alam mo, ang sungit sungit mo. Araw-araw may regla?" Sabi niya, tiningnan ko naman siyang masama. "Hindi ka na nga nagreply kagabi."
Ay oo nga pala, nakalimutan ko. Pagchat ni Chase sa'kin hindi na ako nakapagbukas ng ibang convo. Napahilamos akong mukha nang maalala yung chat ni Chase.
Hindi ako nakasagot kagabi. Hindi ko alam kung anong irereply ko sa kanya. Never pa naman ako naka-encounter ng ganoon. Kasi yung iba, hindi naman nagpapaalam, nagsasabi lang. Hindi ako binibigyan ng choice. Hindi ko rin alam kung paano ko siya papansinin pagdumating siya.
"Puta ang gwapo." Narinig kong sabi ng kaklase ko sa harapan ko. Napalingon naman ako kung saan siya nakatingin.
Si Chase, bagong pasok. Nakahoodie na cream color. Nang magtama mata namin, ngumiti siya. Nanlaki mata ko tapos alanganing napangiti kaya umakto na lang akong may ginagawa. Puta mami ang awkward.
"Good morning." Bati niya pagkaupo sa likod ko.
"Walang good sa morning, Flores." Sagot ni Zeke.
Ano ba naman 'to? Hindi pa ba sila nagsawa kahapon? Nagsagutan na nga eh.
Pinalo ko si Zeke sa braso at ngumiti na lang kay Chase.
"San ka kakaing lunch?" Tanong ni Zeke paglabas ng teacher.
"Hindi ko alam, bakit?"
"Lunch tayo." Sabi niya.
"Bakit?"
"Ayaw mong kumain?"
"Kasama ko sila Tricia."
"Edi kasama naman pala si Niknik, sama na ako." Tumayo siya at sinabit sa balikat ang bag niya.
Sa KFC ang bagsak namin pagkatapos magtalo ng tatlo kung Jollibee ba o Mcdo. Sa pang-apatan kami naka-upo.
"Bakit ka na naman nandito, Zigzig? Wala ka bang friends?" Pang-aasar ni Nicole.
"Bakit ba? Nilibre ka na nga mang-aaway ka pa."
"Sus. Alam mo naman yan Nic, malandi." Sabi ni Tricia, nagtinginan sila ni Nicole tapos napangiti.
"Zeke, kunan mo nga kaming gravy." Inabot sa kanya ni Nicole ang extra plate.
BINABASA MO ANG
The Free Fall
Teen FictionAlyxa never wanted to be in the middle of anything. But when Chase arrived and Zeke came back, she wasn't given a choice. It wasn't a game, yet she was something they played for.