6

12 0 6
                                    

After class yung tryouts ni Chase, around 3 pm. Niyaya ko sila Tricia at Nicole. Nahihiya sana akong pumunta pero mas nakakahiya namang hindi ako manood kasi sinamahan niya ako kahapon sa clinic at hinatid pa. Pero may mas nakakahiya pa pala, yung pagpikit ko kahapon sa sasakyan niya. Akala mo naman hahalikan amp. Hiyang-hiya ako non, kulang na lang magpalamon ako sa lupa.






Sa sobrang hiya ko nagsinungaling akong marami akong ginagawa kahit wala naman. Nagnetflix lang ako at paminsan-minsang nagreply kay Zeke kasi sobrang kulit, ang dami niyang text messages, nambibwisit lang naman.






Lans Ezekiel: Hoy






Lans Ezekiel: Hoy






Lans Ezekiel: Hoy






Lans Ezekiel: Hoy






Alyxa: Ano?






Lans Ezekiel: Wala hahahaha. Kamusta pakiramdam mo?






Alyxa: Okay lang.






Lans Ezekiel: Tipid ah.






Alyxa: Nyt.






Di pa sana ako matutulog pero wala kasi ako sa mood. Nagyoutube lang akong saglit.






Lans Ezekiel: Sige good night, pahinga ka!!!






Patulog na sana ako pero umilaw ulit phone ko.






Chase Flores: I hope you're feeling better. Good night, sleep well.






Hindi na ako nakapagreply kay Chase kaya mas nakakahiyang magpakita sa kanya ngayon.





Hindi na nga ako nagreply, iiwas pa ako sa kanya? Mali naman yata yon.






"Hey," Tawag niya sa'kin, sabay kaming lumabas ng room kasi dismissal na. Papunta na ako sa room nila Tricia para sunduin sila.






"Hmm? Ano?" Nataranta ako.






"Watch ka?" He asked.






"Yeah, sunduin ko lang friends ko."






"Okay, see you." He smiled and started walking away.






Putanginang ngiti yan. Nakakagago.






Naghanap kaming mauupuan sa bleachers, hindi naman na masyadong mainit pero nakapwesto pa rin kami sa pinakataas para kita buong field.






Wala pa yung mga magtatryouts pero malapit nang mapuno ang bleachers, karamihan mga babae, syempre puro mga may itsurang lalaki yung maglalaro.





Nagsilabasan na yung mga magtatryouts and the girls started screaming. Luh ano kayo? Laro? Laro? Elimination pa lang mga sis.






Chase came out last, dire-diretso lang siya, not bothered by the louder screams. Nilapag niya ang water bottle at towel niya sa bench. He looked up with squinted eyes, masilaw pa kasi and may hinahanap siya sa crowd.






Our eyes met and he smiled. Tumalikod na siya at tumakbo pa punta sa gitna ng field para magprepare.





"Oh" Nagulat ako sa pagpatong ng medyo mainit na paperbag sa hita ko. Umupo si Zeke sa tabi ko.






The Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon