Tahimik lang kami ni Tricia sa likod ng sasakyan pano siya hindi tatahimik eh wasted na siya? Si Nicole ang nagdadrive ng sasakyan ni Zeke tapos si Zeke katabi niya.
"Si Cola?"
Napatilig kaming dalawa ni Nicole sa paglalakad, nagulat din ang mga varsity kasi sa tabi na kami ng table nila. Natahimik yung huling nagsalita. I acted like I didn't hear anything, I even smiled at them.
"Iuwi ko na si Zeke," Pagpapaalam ni Nicole, "patulong na lang na mapasakay siya sa passenger's seat." Sabi niya sa katabi ni Zeke, kinuha niya yung car keys na nakasabit sa belt loop ni Zeke, hindi naman siya kasing wasted ni Tricia pero baka kasi matumba siya kaya nagpatulong si Nicole.
"Oh? Ba't nandito ka Alyxa?" Naningkit mata niya pagkakita sa'kin, halata yung dinaanan ng luha sa pisngi niya.
Hindi ako sumagot, hinayaan ko lang na tulungan siya ng teammate niya papunta sa kotse.
"Bro, si Alyxa yon diba? Sa loob ng bar?" Tanong niya sa kasama niya habang naglalakad sa parking lot, nakasunod lang kami.
"Oo, Zeke." Napatingin siyang bahagya sa'kin.
"Ganda gago." Sabi ni Zeke, bigla siyang tumigil tapos tumakbo pagilid, nagsuka siya.
"Tangina Ezekiel pag ikaw sumuka sa sasakyan mo hindi kita dedepensahan sa mama mo, ako papagalitan nun." Nakapamewang na si Nicole, very close family friends sila, they grew up together.
"'Wag mo muna akong iuwi. Bukas na lang." Sagot niya nang makatayo ulit.
Saan nito balak matulog? At may klase bukas ano! Iinom-inom siya tapos hindi papasok? Sino ba namang hindi papagalitan ng magulang niyan?
Tiningnan ako ni Nicole, "Pwede sa'tin muna siya matulog?" nagpuppy eyes siya, nakakaawa na si Zeke pero mas nakakaawa si Nicole. Sa'kin na lang din naman siya makakapagpaalam kasi hindi na makausap si Tricia. I just nodded.
Tinulungan nang makapasok si Zeke sa loob ng sasakyan tapos naglakad na pabalik sa bar teammate niya. Nakita kong wala pa siyang seatbelt kaya sinuotan ko siya pagkatapos kong mapaupo si Tricia sa backseat.
"Bango mo, kaamoy mo crush ko." He whispered when I leaned closer to fix his seatbelt.
Hindi ako sumagot, lasing lang naman siya eh, pumunta na ako sa pwesto ko sa likod.
"Hoy Niknik." Pang-ilang tawag na niya kay Nicole.
Natawa ako, Niknik and Zigzig yung nicknames nila noong bata. Ang cute lang.
"Hirapan pa rin ako gago, parang bato."
"Zig," Tiningnan niya si Zeke at sumulyap sa'kin. Umakto akong tulog kahit hindi naman niya siguro masyadong nakita kasi madilim.
"Parang bato, tangina." Napahilamos siya gamit kamay niya, "Alam mo naman yun diba? May rason naman kung bakit ako umiwas dati."
"Oo" Mahinang sagot ni Nicole pero narinig ko pa rin.
"Sinusubukan ko namang bawiin siya pero ba't hindi tumatalab?" Natahimik siyang saglit, "Nangako naman akong uulit kami diba? Alam mo naman yun Nik diba?"
BINABASA MO ANG
The Free Fall
Teen FictionAlyxa never wanted to be in the middle of anything. But when Chase arrived and Zeke came back, she wasn't given a choice. It wasn't a game, yet she was something they played for.