"Lasing lang ako nun." Sabi ni Zeke sa'kin nang makasalubong ako sa hallway.
Alam ko namang lasing siya pero nagulat lang kasi ako na ganon ang impact ko sa kanya. I felt really neglected before.
Tiningnan ko lang siya at pumasok sa room.
"Galit ka ba?" Hinarang niya ako bago pa ako makarating sa upuan ko.
"Hindi, bakit?" Gumilid ako para makadaan pero humarang ulit siya.
"Galit ka eh." Pamimilit niya.
"Hindi nga." Gumilid ulit ako pero humarang pa rin siya.
"Libre kita lunch, please. Pambawi lang."
"Baka kasama ko—"
"Sino? Sila Niknik? Edi libre ko kayong tatlo."
"Si Chase." Sabi ko, nag-iba aura niya.
"Ah okay, date kayo?"
Date? Anong date? Ang malisyoso naman nito.
"Para sa project namin, tange!"
"Dinner?" Tanong niya. Mapilit talaga hays.
"Titingnan ko."
Pagsabi ko nun doon lang siya nagpadaan.
"Alexa." Kinalabit niya ako.
Ayan na naman, binababoy na naman pangalan ko.
"Alaysay."
Ambantot naman! Ano ba 'yan! Tiningnan ko siyang sumama, ngumisi lang siya.
"A—"
"Ano?" Nakasimangot na tanong ko, pinutol ko na siya.
Inabutan niya akong Oreo.
"Ano 'to?"
"Oreo. Hindi mo ba alam 'yan?"
Nakaka-irita naman 'tong gwa—bobong 'to. Tinalikuran ko siya. Ginulo niya buhok ko tapos nilapag yung Oreo sa armchair ko.
"Wala bang thank you diyan?"
"Thank you eh."
"Napipilitan ka?" Sinundot niya gilid ko. Tiningnan ko siyang masama tapos nagtaas lang siyang dalawang kamay.
Chase Flores: Lunch?
Hindi ko alam ba't nagtetext pa siya kahit sa likod ko lang naman siya.
Alyxa: Can't you talk?
A few seconds after I sent that biglang may kumalabit sa'kin.
"Lunch?"
I looked at him and bit my lower lip trying to suppress a smile, "Yeah."
BINABASA MO ANG
The Free Fall
Teen FictionAlyxa never wanted to be in the middle of anything. But when Chase arrived and Zeke came back, she wasn't given a choice. It wasn't a game, yet she was something they played for.