1

70 3 0
                                    

"Hoy Aleesha" Pang-ilang tawag na to ni Zeke sa'kin pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Kanina pa ako naiirita. Ang kulit. Dagdag pang mali pagpronounce niya sa pangalan ko.





"Alaysa, hoy" Kinalabit pa ako. Di ba ako tatantanan nito?





"A—"






"Ano?" Inis na tanong ko.






"Wala lang hehe. Ba't ka galit?" May pangisi-ngisi pang nalalaman, ugok.






"Kanina ka pa nangungulit tapos sasabihin mong wala lang? Ksp ka ba?" Inirapan ko siya, kitang nagrerewrite akong notes dito tas mangungulit.






"May dalaw ka?" Sige beh, dagdag pa.






"Pake mo?"






"Sungit naman." Luh nagpout? Cute ka??






Hindi ko na siya pinansin. Pinagtabi lang kaming upuan ganyan na siya. Need mangulit? Annoying.






"Okay settle down" Pumasok yung isang subject teacher kahit 4 minutes na lang natitira sa time niya. Anuna overtime ulit? "For this semester's major project, create a life-sized——.......— this will be by pair." Hindi ko na narinig yung ibang details basta life-sized chuchu na board tapos by pair. "Your pairs will be posted after class, diyan sa bulletin board. That's all, you may now take your lunch."






I quickly packed my things para hindi na ako mapeste ni Ezekiel na 'to. Ilang araw na akong nagtitimpi sa kanya. Di ko alam ba't siya nilagay sa row ko eh ang tangkad niya, sagabal, doon dapat siya sa likod.






"Aleesha" Urgh. Nagmadali na nga nahabol pa sa pinto.






"Ano na naman?" Tiningnan ko siyang masama.






"Sabay tayo lunch." Nagsmile siya sa'kin.






Well this is new. First time niya akong yinaya maglunch. Weird.






"Bakit?" Tinaasan ko siyang kilay.






"Eh gusto ko eh."






"Eh paano kung ayaw ko?"






"Eh gusto ko."






"Eh ayaw ko nga, kasabay ko sila Nicole wag ka nang pabibo." Tinalikuran ko siya at lumabas.






"Alexa naman eh." Anong alexa? Anak ng. Kabanas na ha.






"Ni hindi mo nga ako tinatawag nang maayos sa pangalan ko tas yayayain mo kong kumain? Kukulit-kulitin mo ako kahit halata nang bwisit na bwisit ako tas di mo pa ko tatantanan kahit isang oras?" Inirapan ko siya.






"Minsan lang eh." Nagpout ang gago.






"No. Bye." Inunahan ko siyang maglakad hanggang sa di na siya sumunod.






"Hays. Eat well sungit!" Rinig kong sigaw niya. Papansin talaga.






---






"Ba't nakasimangot ka na naman?" Natatawang tanong ni Tricia.






"Kailan ba di nakasimangot yan?" Sagot ni Nicole, nag-apir pa sila ha? Saya kayo teh?






The Free FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon