"He what?!" Bungad ko sa call, he picked up after two rings.
"He punched me."
"Saan?"
Tumunog yung video call sa messenger, inaccept ko naman. Bumungad sa'kin upper body niya. Napalunok ako nang ialsa niya shirt niya. Sa left side sa baba banda ng rib niya yung medyo nagpapasa na, pero imbes na 'yon ang tingnan ko, iba ang natitigan ko.
Tangina ba't may abs.
"It's fine." Sabi niya sabay kuha sa phone niyang nakalapag. Nagkunwari akong nag-iisip para 'di niya mahalatang medyo minanyak ko siya. Char!
"Put some ice on it, okay?" Sabi ko.
"No need, hindi naman masyadong namamaga."
"Ano ba sabi niya?"
"He walked up to me sa bench. I was clearing my things kasi tapos na yung training tapos bigla niya akong sinuntok tapos umalis."
Nilapag niya ulit yung phone sa lababo tapos inalsa yung shirt niya para tingnan yung pasa. Napaiwas tuloy akong tingin.
"Chat na lang muna, I'm gonna help unpack groceries." He waved at me, I just smiled.
I really thought Zeke was better than that. Manununtok siya? Tama ba 'yon? I already told him na hindi si Chase ang rason.
"Lyx," Unti-unting bumukas pinto ng kwarto ko.
Napalingon ako kay Nicole, kauuwi niya lang siguro at naka-uniform pa. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa'kin at bumagsak sa kama ko, niyakap niya ako.
"Bakit..." She started sobbing.
My heart hurt. I don't like seeing my bestfriend cry, especially kung dahil sa'kin.
"Alam mo naman kung bakit." Hinagod ko likod niya.
"Eh nasasaktan siya." Kumalas siya sa yakap at tumingin sa'kin.
"Bakit ikaw? Hindi ka ba nasasaktan?"
Napaka-martyr talaga kahit kailan. Hindi siya sumagot, pinunasan ko lang luha niya.
"I can't be happy with someone knowing that one of my bestfriends is not okay with it. Alam ko namang alam mo 'yan."
"He's really broken. Kung nakikita mo lang."
Wala akong masabi, pinanood ko lang siyang umiyak. Parang may tumutusok sa puso ko sa kada hikbi niya.
"Umasa siya, Lyx. Akala niya may chance na ngayon hindi katulad dati. Hindi niya inexpect na magfafail kayo." She paused, "He was really willing to give everything."
"Broken siya?" Mahinang tanong ko, tumango naman siya. "Eh ikaw? Hindi ka ba broken? Mas sira ka nga oh."
Umiwas siyang tingin sa'kin, "It doesn't matter, Alyxa." mariin niyang sabi.
"It does. Hindi ko na mababawi 'yon. I'm doing this for you."
"I don't want you to do this for me."
"Infatuation lang ang sa kanya, Nik."
Totoo naman eh, it's not that deep for sure. I haven't showed any signs to make him fall deeper, I made sure of that.
BINABASA MO ANG
The Free Fall
Teen FictionAlyxa never wanted to be in the middle of anything. But when Chase arrived and Zeke came back, she wasn't given a choice. It wasn't a game, yet she was something they played for.