Chapter 4
"Ma! Bat lasing kayong umuwi kagabi?" Bungad ko kay Mama.
Hinihilot niya ang kanyang Noo habang naglalakad papunta sa kusina. Sumunod ako sakanya at namewang.
"Nak wag ka munang maingay. Kay aga-aga ang ingay mo. Sumasakit lalo yung ulo ko"
Umirap ako sa kawalan at huminga ng malalim.
Kumuha si Mama ng tubig at uminom, lumingon siya sa gawi ko at nang makita niyang masama ang tingin ko ay agad itong umiwas at umubo.
"Ma wala na nga tayong pera tas yan pa ang inuuna niyo? Ang pag iinom!"
"Oo na nak, nakita ko kasi yung kaibigan ko kaya ayun. Nagka anyayaan"
"Ma naman! Kahit na! Hays ang tigas ng ulo mo!"
Napailing ako kay Mama. Dismayado sakanyang ginawa kagabi.
Tumalikod ako sakanya at bumalik sa kwarto ko para makapaghanda na
Naligo na ako at nagbihis . Suot ko ngayon ang isang plane maroon t-shirt at isang black pants.
Sinuklayan ko yung straight kong buhok na hanggang bewang.
"Nak kumain ka na pagkatapos mo dyan!" Sigaw ni mama sa labas.
Napairap ako s kawalan at tumingin sa salamin bago lumabas ng aking kwarto.
Nagwawalis si Mama sa sala kaya dumiretso na ako sa maliit naming kusina at nagsimula ng kumain. Nilagang itlog ang ulam namin ngayon.
May naalala ako bigla kaya tinawag ko si Mama.
"Ma!"
Nadinig kong mga yapak ni Mama papunta saakin. Tinignan niya ako ng may pag alala.
Kinuha ko yung lumang bag ko at may kinuha sa loob.
Nilapag ko sa mesa yung lahat sweldo ko.
Tinignan ko ulit si Mama na ngayon ay umaliwalas ang kanyang mukha.
"Ma, ito lahat ng sweldo kaya please. Bayaran mo lahat ng mga babayarin"
Tumango-tango si Mama at agad kinuha yung pera sa mesa.
Nang tapos na akong kumain ay tumayo na ako at nagpaalam na sakanya.
Araw araw akong naglalakad kaya siguro madami ang nag sabi na Sexy akong tignan. Payat ako pero ewan ko lang anong tingin nila saakin.
Pumasok na ako sa lugar ng Estabillo at dumiretso agad ako sa kubo. Sinuot ko yung sumbrero ko at gloves.
"Good morning!"
Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.
Pagharap ko ay nakita ko ang nakangiting si Sir Cairo.
"G-good morning din po s-sir" nakayukong sabi ko.
Humarap ulit ako sakanya at nakita ko siyang naka pout habang tumingin saakin.
Medyo nailang naman ako kaya tumingin ako sa kamay kong may gloves at kunwaring inaayos ito.
"Drop that Sir Alliah, Cairo nalang itawag mo saakin"
Napaangat ang tingin ko sakanya at nakita ko na naman yung magaganda niyang ngipin. Ang gwapo shet.
"Pero boss ka po namin kaya normal lang po na tawagin kang boss" pormal na sagot ko.
BINABASA MO ANG
La Hacienda [COMPLETED]
Cerita PendekIsa lamang trabahador sa Hacienda si Alliah nang makilala niya ang dalawang magkakapatid na Estabillo. Nung una ay hindi naniniwala sa Love at First Sight si Devon pero nung makita niyang nawalan ng malay si Alliah ay nakita niya ang pinakamagandang...