Chapter 5
***
Pansin ko yung mga kaklase ko na aligaga dahil nga sa gagawin mamaya samantalang ako ay kampanteng nakaupo lang.
Bahala na mamaya.
"Jekyll... Practice tayo."
Bigla akong tinapik ni Kiel sa balikat at humarap siya sa akin kaya napatingala ako sa kanya."Ah..ha? Ako ba?"
Turo ko pa sa sarili ko na siyang ikinakunot ng noo niya."Jekyll nga sabi ko diba? Tara. Dun tayo sa rooftop."
Nakakrus sa harap ng dibdib niya ang kanyang kamay habang nakatayo sa harap ko."Weh? Diba may partner ka na?"
Ani ko. The last time I checked, sinabi niyang may kasama na siya magperform kaya bakit niya ako inaaya?"Oo."
Napataas naman ang kilay ko dun."Meron na pala eh. Bakit ako ang inaya mo dyan? Baliw ka?"
Sabi ko at inirapan siya pagkatapos ay sinubsob ko yung mukha ko sa desk. Hindi din natulog yung plano kong mag nap sana kasi inangat niya yung ulo ko."Baliw ka din? Diba sabi ko 2 days ago tayo ang mag partner? Nabagok ka lang, nagka-amnesia ka na."
AAAH! Naalala ko. Pero di ko naman alam kung seryoso pala yun."Paano mo nalaman?"
Tanong ko pero kibit balikat lang ang isinagot niya.Wala naman akong pinagsabihan tungkol sa nangyari. Except kong nagkwento si Danica sa kanya na posibleng mangyari. Baka pinagtawanan pa nga niya ako.
"Dali na habang wala pang pumasok na guro."
Tumayo na rin ako at hindi na nakipagtalo sa kanya.
At least, may partner na ako.
"Baka makita na naman ako ni Danica na kasama ka ay masasabunutan na naman ako nun."
Napatigil siya sa paglalakad at matiim na tumingin sa akin."Sabi ko na nga ba eh."
Impit na bulong niya na umabot pa sa pandinig ko.Ano namang ibig sabihin nun?
Anong sinasabi niya? Tsk.***
"Okay class, for the first pair to perform, let's hear from Jaira and Nicole."
Last period na namin which is music.Nagtatawag na din si mam Mich ng magpepresent at feeling ko, pinagpawisan na ako ng malamig.
First time ko pa naman kumanta sa harap ng mga kaklase ko.
Baka puro panlalait lang ang aabutin ko mula sa kanila.
Nakinig lang ako sa mga nagpeperform at ang masasabi ko lang, mas matindi pa sila sa walang practice. -_-
Ang gaganda ng mukha, sintunado naman. Yung pronunciation pa ng lyrics mali mali.
Pengeng Gong! Tatambulin ko lang.
Ang sakit sa tenga eh.
"Let's give a round of applause for Danica and Grey. Now let's proceed to our last performer."
"Kiel.... And Jekyll."
Pumalakpak sila pagkarinig sa pangalan ni Kiel pero nung ako na ang tinawag ay samut-saring negative comments ang naririnig ko."Tf! I can't believe it. Bakit yan ang pares ni Kiel?"
"Panget siya. For sure, panget din ang boses niyan. Hahaha!"
"Ang malas naman ni Kiel."
Ilan lang yan sa highlights ng mga panlalait nila pero hindi ako nagpaapekto.
Tingnan nalang natin kung sinong malas.
Kinuha ko na yung mic at agad nagpasimula ng lyrics...
Nagulat pa nga si Kiel dahil di pa siya tapos sa pagtutuno ng gitara niya.
"The hell! Ang sintunado mo panget!"
"Fuck! Sira na yata tenga ko.
"Chill kayo dyan. Mic check lang yun."
Tumawa pa sila at sinabing alibi ko lang daw.Nung ayos na si Kiel ay sumenyas na ako sa kanya na magsimula na.
Watch me as I own this stage...kahit walang stage.
"You with the sad eyes
Don't be discouraged
Oh, I realize
It's hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
And the darkness inside you
Make you feel so smallBut I see your true colors shining through
I see your true colors
And that's why I love you
So, don't be afraid to let them show
Your true colors
True colors
Are beautiful like a rainbowShow me a smile then
Don't be unhappy
Can't remember when I
Last saw you laughing
If this world makes you crazy
And you've taken all you can bear
You call me up
Because you know I'll be there~"Hindi ko alam kung anong reaksyon nila habang kumakanta ako dahil sa kamay ni Kiel lang ako nakatingin habang kinukuskos niya yung gitara.
Paminsan-minsan ko ding sinusulyapan yung mukha niya pero nailang lang ako dahil palaging magkatagpo yung mga mata namin.
Hanggang sa matapos yung kanta ay wala akong naririnig na kahit anong komento.
*Clap *Clap *Clap
Napatingin ako kay mam Mich na pumalakpak.
"Very good! Well done Kiel and Jekyll. Tama nga ang kasabihang " save the best for last".
Nag bow na ako at naglakad pabalik sa upuan ko.
Tsaka ko lang napansin lahat nang kaklase ko na nakanganga at sobrang tahimik na tiningnan lang ako.
Kibit-balikat na umupo nalang ako at nakinig sa mga komento ng guro.
"We have a special award today. The Best Pair Performer. Sinadya kong hindi ipaalam para hindi kayo makapaghanda. HAHAHA!"
Sabi ni mam Mich at agad na nag-ingay yung mga kaklase ko."What!? Bakit ganun? Sana nakapagpractice pa tayo ng mas mabuti."
"Ano ba yan!? Sana tayo ang mapili."
"I know, kami na ang mananalo."
At ibat-iba pang side comments.
"Okay class! Quiet! Now, I'll present this award to our Best Pair Performers which includes a perfect score for the EXAM, a certificate and this pair will be the representative for the upcoming Voice Face Off in the Foundation day."
Nagpalakpakan kami dahil sa sinabi ni mam. That's really awesome.
"Congratulations to Mr. Ruiz and Ms. Felix. You'll be representing your class to the Voice Face Off."
W-what?!
***
![](https://img.wattpad.com/cover/210639656-288-k476386.jpg)
YOU ARE READING
How To Be Pretty | Completed
Teen Fiction"Beauty is not always on the outside. But mostly it is found within you." Date Started: December 30, 2019 Date Completed: March 28, 2020 ©All Rights Reserved