Jekyll's POV.After 2 days ay nakalabas na ako sa hospital at kinabukasan ay pumasok na din ako. Malapit na yung finals kaya kailangang pumasok kahit na ba binawalan ako ni mama.
"Mag-ingat ka anak."
"Opo ma."
Nakangiting sagot ko at tuluyan ng lumabas paalis ng bahay.I decided to fix myself.
I mean, di na ako nag wig. Para saan pa eh nakita naman na nila.Tapos thankful ako kasi wala na yung pimples ko sa wakas. Isang HIMALA!
Kung di talaga tayo close, di mo ako makikilala. Charot!
Hindi nga rin ako makapaniwalang ganito pala yung hitsura ko pag nag-ayos. Di sana nagawa ko na noon pa.
Palagi ko pang natanong sa sarili noon kung paano ba gumanda sa tuwing nabubully ako eh. Tas eto lang pala yung solusyon.
Pero nakahanap parin naman ako ng kaibigan kahit sa kabila ng hitsura kong iyon. Hahaha!
Pagkapasok ko sa campus ay may iilan na napapatingin sa akin tapos magbubulungan.
Hindi ko nalang pinansin at nagtuloy-tuloy nalang sa room.
"Jekyll? Wow!"
Tumigil ako dahil may humarang sa harap ko. Si Harold."Oh. Harold ikaw pala."
Yumakap siya sakin at naiiling na tumingin sa mukha ko."Sana pala di kita pinaubaya kay Kiel."
Umiiling na sabi niya."Sira! Pinaubaya ka dyan."
"Haha. Biro lang. Kumusta ka na pala? I heard you got confined."
"Oo. Pero ayos na ako. I am very fine."
Nakangiting sagot ko. Nawala naman yung pag-aalala sa mukha niya."Buti naman. Sige pala. Papasok na rin ako."
Nagpaalam lang ako at tumuloy na sa room. Sinalubong ako ni Danica na teary eyed pa."OMG!! You're back. And you look new."
Nanlalaki pa kunyare yung mata niya."OA mo Danica. Wag ka nga."
"Seriously, where are these beauty been hiding for so long? Nakakatampo ka Jekyll."
Aniya at hinila ng pabiro yung buhok ko."Aysus. Yakap nalang kita para di kana magtampo dyan."
Nagyayakapan pa kami ng sumingit si Kiel.
"Jekjek, how are you? Pasensya na pala di ako nakabalik sa hospital. May iniisip kasi ako eh."
Tumango lang ako at sinenyasan si Danica na maupo na."Pwede ba tayo mag-usap?"
Tumingin ako kay Kiel na aligaga ang pagmumukha. Tumango lang din ako at sumunod sa kanya....
"AYOS ka lang Kiel?"
Tanong ko ng makaupo kami sa lilim ng puno kaharap ng oval.Nakakunot kasi yung noo niya mula pa kanina.
"Ayos lang."
Sagot niya ng di nakatingin sa akin. Instead nagbubunot siya ng damo doon."Kawawa naman..."
Doon siya napatingin sakin."Ha?"
"Yung damo kako. Binubunot mo kaya kawawa."
"Tss... Sa akin, di ka naawa?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya.Parang ang dami kasing nais iparating nun eh.
"Nawalan ako ng tatay. Nawalan din ako ng best friend. Nawalan pa ako ng girlfriend.. Diba nakakaawa?"
Kumunot yung noo ko sa huling sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/210639656-288-k476386.jpg)
YOU ARE READING
How To Be Pretty | Completed
Novela Juvenil"Beauty is not always on the outside. But mostly it is found within you." Date Started: December 30, 2019 Date Completed: March 28, 2020 ©All Rights Reserved