Chapter 20

36 2 1
                                    

Lumipas ang ilang araw ay naging payapa naman na yung issue about Danica.

Hindi na rin natuloy yung paglipat niya dahil parang wala rin lang nangyari.

"Gosh! Di ko na kayang makipag-plastikan sa Sarah na yun."
Nilingon ko ang kakarating lang na si Danica.

Tumabi siya sa akin dito sa rooftop at nagsisipa sa sahig.

Yeah right! Nagkaayos na kami although in bad terms pa rin kami nang mga amiga niya.

"Edi magpakatotoo ka nalang. Sabunutan mo, ganun!"

"You know what Jekyll? Tama ka. Sige, balikan ko lang ang ahas na yun."

"Hooooy! Joke lang."
Hinila ko siya nung akmang papaalis na sana siya.

"Argh! Siguro mas okay sa akin kung ikaw nalang yung palaging makakasama ni Kiel. Tingin ko kasi nahahawa na yung tao sa kademonyahan niya eh."

Napailing ako sa tinuran niya. Actually, totoo yun.

Mag-iisang linggo na din simula nung huli akong pinansin ni Kiel.

Nakakamiss pero wala naman akong magawa. Mukhang nagkakamabutihan na yata sila ni Sarah.

"What the hell, Jekyll? Anong mukha yan?"

"Ano?"

"Ikaw, ewan ko sayo! Bakit ka ba nagtitiis dyan sa wig mo? AH! Isa pa yan! Bakit hindi mo pinaalam sa akin yan kahit noon pa?"

"Kasi mag-aaway naman tayo in the future.."

"Baliw. Bakit nga?"

"Wala lang. Baka magtanong sila sa family background ko. Ayaw kong pag-usapan."

She sighed.

"Ang dami ko pa palang hindi nalalaman tungkol sayo no?"

Kibit-balikat lang ang tinugon ko sa kanya.

"Nga pala, birthday ni Hilton. May celebration. Sama ka?"
Napalingon ako dahil sa paanyaya niya.

"Aminin mo nga Danica... Kayo na no?"
Hindi siya umimik instead, namumula lang siya.

"I see... Kayo na nga! Buti naman naka move on kana kay Kiel."

"Sira! Nalaman ko kasing crush ka ni Kiel at war tayo that time kaya na challenge ako. Ayun!"

"What? Teka.. Ano ulit yung sinabi mo?"
Napatakip pa siya sa bibig at dali-daling tumayo.

"Ah...eh.. May gagawin pa pala ako. Haha! Bye!"
Naiwan akong gulantang doon.

FCK! Totoo kaya yun?

Hinanap ko si Kiel para itanong ang tungkol doon sa sinabi ni Danica.

JOKE!

Pinapatawag talaga siya ng adviser namin at ako pa ang naatasan na hanapin siya.

Tss... For sure, kadikit na naman yun ni Sarah.

"Ezekiel!!"
Sigaw ko ng makita ko siyang nagmamadali sa corridor.

Parang wala naman siyang narinig at tumakbo pa ito kaya no choice kundi tumakbo na rin at sundan siya.

Tae yan!! Marathon ba to? Habulan?

Huminto lang siya ng makarating sa likod na bahagi ng library.

Umm... Anong gagawin niya dito?

May kababalaghan yata silang ginagawa ni Sarah.

"Kiel.."
Hinihingal pa na tawag ko sa kanya. Lumingon siya ng parang wala lang.

How To Be Pretty | CompletedWhere stories live. Discover now